CHAPTER 15

1.7K 69 1
                                    

DANIELLA POV:

Hayyy... Dapat makita ko ngayon si Kyle kundi lagot ako kay mommy mamaya. Malalaman niya na nagsisinungaling ako at baka mamaya lalo akong ipagpilitan kay Sean.

"Ms. Castro, napapansin ko na simula nang nagturo ako dito sa harapan nakatunganga ka lang dyan. Baka gusto mong mapalabas ha." sabi ni Mrs. De Vega Filipino Teacher namin. 

"Paumanhin po Gng. De Vega hindi na po mauulit." Nagtataka kayo kung bakit pure Filipino eh bawala daw mag english eh. 

"Osya, umupo ka na at makinig dahil bukas may espesyal na pagsusulit ka at sayo lamang. Parusa mo ito dahl sa hindi mo pakikinig sa klase." pucha!! mapapaexam pa ako ng hindi oras dahil sa kakaisip sa bwisit na solusyon sa problema ko.

*KRING* *KRING* *KRING*

Recess na.. Hahanapin ko na si Kyle. Sana makita ko siya ngayon at nang masabihan ko na sa plano ko.

Una kong pinuntahan ay canteen pero wala kaya pumunta naman ako ngayon sa library. Pero napagisip isip ko na baka wala siya don kasi isang lalaki na nangangalng Kyle pupunta ng library ay himala yun kung ganun.

Papunta ako ngayon ng rooftop at biglang kong nahalata na si Kyle ay nasa rooftop at may kasama siyang girl. Nagdadalawang isip tuloy ako kung pupunta ako o hindi nakakahiya naman kasi sa kanya kung biglang ko siyang kausapin at paalisin niya po si girl.

Pero pumunta parin ako kasi fab ako. Hahahahahahahaha, Papunta na ako sa rooftop syempre hindi ko na sila kita ano un iniwan ko yung mata ko dun sa pwesto ko kanina. HEHEHEHE Joke lang.

Ito naman itong mga babaeng bruha na ito todo bulong parang hindi ko alam kung ano ang sinasabi nila sa akin noh. Hindi naman ako tanga nagbulungan pa sila dapat proud sila sa pinauusapn nila ng matawag silang chismosang mga bruha. Bleeehhh.

Nandito na ako sa rooftop at mukhang patapos na sila mag usap at yung girl mukhang iiyak ah. 

"Ummm.. Excuse me. Pwedeng makausap si Kyle saglit lang naman. Babalik ko naman siya pagkatapos eh." sabi ko sa kanila. Nagulat pa nga si Kyle na nandito pala ako eh at lalo na si girl mukhang tuluyan ng umiiyak ang gaga. 

"Ito ba yung babaeng sinasabi mo ha? Mas maganda pa ako dito eh at mas mukhang tao. Nerd na nerd ang itsura nitong babae na toh. ANO BA KYLE? KUNG MAGPAPALIT KA NG BABAE PANIGURADUHIM MO NA MAS MAGANDA ANG BABAENG IPAPALIT MO!!!  SOBRANG PANGIT NG BABAENG TOH!!" biglang sigaw ni girl at parang naginit ang ulo ko sa sinabi niya. Bwisit tong babaeng toh akala mo ang ganda. Gusto niya pala ng away ah nerd ako pero hindi ako papatalo sa kanya at bwisit na Kyle na toh nanahimik lang.

"HOY!! BABAENG LAITERA! Akala mo naman sobrang ganda mo eh mukha ka lang naman pinaretoke ang buong mukha mo at for your information mukha nga akong nerd pero mas mukha namang akong pormal sayo noh. Gaga toh. Tignan mo nga yang make up mo sobrang kapal pinaglihi ka ba sa make up. Wait lang hihinga lang ako magsalita ka uupakan talaga kita kaya shut your ugly mouth. " nawalan ako ng hininga nun ah. Humingi na ako at pinagpatuloy

"At for your information ulit kahit panget ako mas maganda naman ugali ko sayo noh. Ako mukhang abnormal pero normal naman ang ugali ko. IKAW MUKHA KA NANG ABNORMAL PATI UGALI MO ABNORMAL." lalo tuloy umiyak yung babae. Bwisit yun mukhang kawawa akala mo naman mukhang kawawa eh mukha namang siyang abnormal.

"Daniella, halika na mapapaaway ka lang eh." hinila na ako ni Kyle at parang tanga iniwan yung babae ddun na bitch.

"KYLE!!!!!!!!!!!" Pucha! Ang lakas ng sigaw nun ah. Parang batang inagawan ng candy kung sana candy si Kyle.

"Huy! Bakit mo iniwan yung babae dun. Kawawa namang mukhang tangang umiiyak mag isa" sabi ko at mukhang natatawa pa ang gaga,

"Huy!! Natatawa ka pa talaga ah. Bahala ka nga sa buhay mo. O sige stop muna tayo at pumunta tayo sa garden at pwede bitiw naman sa akin hindi naman ako aso eh." sabi ko at binitawan niya naman ang kamay ko kasi ang higpit eh.

"O sige. Ano bang paguusapan natin? Baka aamin ka sa akin ah." ayos ah feeler. Tinarayan ko nalang siya mukhang walang sense kausap tong lalakeng toh eh.

Nandito na kami s agraden at nakaupo na at mukhang ang gaga gusto matulog.

"Hoy! Bago ka matulog gusto kong sabihin na ang rason kung bakit gusto kong makipagusap sayo." sabi ko ng seryoso sa kanya at mukhang nakikinig na si panget.

"Pretend to be my boyfriend infront of my family." sabi ko ng diretsa sa knay

"Bakit naman?" tanong niya at mukhang wala talagang clue. Nakakunot pa ang noo.

"Dahil iaaranged marriage ako. At pag wala akong mapakilalang boyfriend mamayang dinner namin. Patay ako at matutuloy na yun." sabi ko at mukhang nagalit ang katabi ko sa sinabi ko. Baka iniisp niya na gagamitan ko siya pero ngayon lang naman.

"Sige. Mamaya pupunta ako. Anong oras ba?" Ganun lang kabilis yun. wow! Nacucurious tuloy ako pero next time na ako magtatanong baka pagkatapos ng dinner namin.

"Sige. 7:00 nandun ka na dapat. Ayaw ni mommy ng late at pwede bang pagupitan mo na yang buhok mo kasi haharap ka sa parents ko at mas mukhang ka pang babae kaysa sa akin." sabi ko at tumango naman siya kaya okay na.

"Yun lang ba? May gagawin pa ako eh. Magpapagupit at magpapagawapo lalo para sa future in laws ko. Hhaahhahahhahha" parang g*go toh. Kanina seryoso ngayon tumatawa. Abnormal din pala katulad nung babae kanina.

"OO yung lang. ABNORMAL! Alis na ako. See you later panget" 

A/N: Many days have passed at nakapagupdate na rin ako sa wakas. Wala kasi akong maisip dito sa chpater na ito eh. Tsaka busy sa studies kailang bumawi ngayong 4th quarter. Thank you ulit sa lahat ng nagbibigay ng support sa akin. I love you guys always rememeber that. :):) Please vote and comment. :):) SARANGHAE!! <3

Campus NERD and Campus HEARTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon