"If you love something, let it go. If it comes back to you, its yours forever. If it doesn't, then it was never meant to be."
Love isn't owned and cannot be taken. It can only be given. If you love someone, you have to give them the freedom to choose for itself. The freedom to choose is important, as sometimes a love is out of duty, loyalty, fear, or for some other reasons. By turning the other person lose, that if they come back, it is because they love you, and the feeling is mutual. If they don't come back, you would only have been fighting a losing battle to hold on to them. That is a battle that you will eventually lose, so lose it early and get on with your life.
~
“Do you… take this woman whose hand you now hold, to be your true and wedded wife; and do you solemnly promise before God and these witnesses to LOVE, CHERISH, HONOR AND PROTECT HER, to forsake all others for her sake; to cleave unto her and her only, until death shall part you?”
“I do.”, nakangiti niyang sagot.
“Do you Azia Riane Labordo, take this man that now holds your hand, to be your true and wedded husband; and do you solemnly promise before God and these witnesses to LOVE, CHERISH, HONOR AND PROTECT HIM, to forsake all others for his sake; to cleave unto him and him only, and him forever until death shall part you?”
Parang umurong ang dila ko sa tanong. He’s smiling at me habang naghihintay ng sagot ko at mas nasasaktan ako. A beautiful wedding is every girl’s dream. Pangarap ko din yun. Masaya ako ngayon dahil natupad ko yun, pero at the same time, parang tinutusok ng ilang ulit yung puso ko habang tinitingnan ko siya. Ang saya saya niya. Walang bakas ng panghihinayang sa mukha niya. Nakuha ko na ang sagot sa mga tanong na matagal nang nakaimbak sa utak ko.
Sampung taon na din ang nakakalipas.
Wala na kong mahihiling pa sa buhay ko. Okay na ako basta makita at makasama ko lang siya. Ganun naman talaga pag mahal mo diba? Maramdaman mo lang ang presensiya niya, kuntento ka na.
May mga plano na ako para sa aming dalawa. Isang future na maganda, participation niya na lang ang kailangan. Mas maayos naman kasi kung dalawa kaming lalakad patungo sa future na yun diba?
Sabi nila ‘Maraming namamatay sa maling akala’. Kaya pala para akong naupos na kandila nang malaman kong namuhay ako kasama siya nang puro akala lang. Para akong isang ibon na sobrang tayog ng lipad, at nabunggo sa kung saan kaya nabalian ng pakpak.
Hindi ko maintindihan ang rason ng pagkakataon na pagmalupitan ako noon. Na kailangan kong makatanggap ng masasakit na salita. Na kailangan kong maranasan na parang pinipiga ang puso ko sa mga sinabi niya. Na malaman kong nag-iisa lang pala akong lumalaban noon. Na ang isang Azia Riane Labordo, isang amazona at masiyahing babae, titiklop sa isang Josh Kendreian Morales.
Tandang-tanda ko pa nang sabihin niyang…
“I’m sorry Azia, but this is the best for us. There are things na gusto ko pang gawin para sa buhay ko.”
“Edi sasamahan kita. Sabay nating gagawin yun. Tara na nga, gutom lang yan. 10 minutes na lang before tayo magpractice ulit para sa graduation ceremony oh.”
Hinila ko siya ngunit hinila niya pabalik yung kamay niya. Iba yung naramdaman ko nung mga oras na yun. Seryoso ba siya?
“Josh hali---“
“Girlfriend kita Azia, oo. Pero dapat mong maintindihan yun. GIRLFRIEND LANG KITA! Both of us have our own lives! Wala kang karapatan na magdesisyon para sakin. I’m matured enough to decide for myself. There are so many opportunities na nag-oopen sa akin at alam kong sa’yo rin. Matagal mo nang pangarap ang maging doctor. Sabi ko noon, kung saan ka dun na din ako. Pero mali ako, Azia. Maling-mali dahil para kong idinepende sa’yo ang buhay ko. Ang rami ko pang magagawa. Ang rami pa nating magagawa. We care less about our dreams – our real dreams -- anymore. Yung mga gusto nating maabot, tayo rin ang sisira sa mga yun.”
Hindi mapigilan ng mga luha kong mag-unahang lumabas. “Josh…”
“Pag tumungtong tayo ng college, we will face the real world. I want to catch my dreams and make them come true. I want us to grow individually. Yung gagawin natin yung gusto ng isa’t isa. Yung we will not hold back nang dahil din sa atin.”
I can’t manage to say anything kasi hindi ko maintindihan. Hindi ma-absorb ng buong sistema ko yung mga sinabi niya.
“I’m really sorry, Azia. I love you, but I have to do this. Goodbye.”
Yun lang at tinalikuran niya na ako.
We were together for a year and a half. Yun na din yung huling pag-uusap namin. Wala akong naging balita sa kanya nung gumraduate at nag-college kami. Hindi nga talaga kami nagkasama sa isang school gaya nang napag-usapan namin noon kung saan parehas kaming magdodoctor.
Natupad ko ang mga pangarap ko at unti-unti kong naintindihan yung gusto niyang iparating sakin nun. We have been through each other’s back for quite long. Hindi ako natakot kasi alam kong nandiyan siya. Palagi lang siyang nandiyan. Akala ko nun, may kulang sa akin. Na nagsawa siya sa akin. I’ve been dependent sa kanya kaya parang ang dali na lang ng mga bagay sa akin. Kaya ilang years din ang binuno ko para sanayin yung sarili ko na wala na siya. Para gisingin yung sarili ko sa isang panaginip na ako mismo ang may gawa. Para bumangon sa panibagong bukas na wala siya.
Sadyang mapaglaro nga lang ang tadhana para pagtagpuing muli ang mga landas namin.
Everything happens for a reason, ika nga. At ito ang rason kaya nangyari yun. Tatayo pala kasi ako sa altar kasama ang lalaking walang ibang ginawa kundi mahalin ako at iparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa. Isang lalaking kasama kong bumuo ng panibagong future naming dalawa.
Nabalik ako sa katinuan nung maramdaman ko ang paghigpit ng hawak sa kamay ko.
“I repeat. Do you Azia Riane Labordo, take this man that now holds your hand, to be your true and wedded husband; and do you solemnly promise before God and these witnesses to LOVE, CHERISH, HONOR AND PROTECT HIM, to forsake all others for his sake; to cleave unto him and him only, and him forever until death shall part you?”
Matagal ko nang napagpracticean ang sagot sa tanong na yan. Ngayong natagpuan ko na ang taong binigay sa akin ng Diyos, masaya ako. Masaya akong natagpuan ko ang isang Icen Gabrylle Rivera na minahal ko, mahal ko, at mamahalin ko pa, na siya naming sinuklian ang pagmamahal kong yun.
Masaya din ako na sa araw na ito, natanggal yung bigat sa dibdib ko na dinala ko ng sampung taon. Nasagot yung mga tanong na gumugulo sa isip ko nang kay tagal. Ito pala ang pangarap mo, Josh Kendreian Morales.
“I do, Father.”
Kasabay ng pagbitiw ko sa nakaraan, ang pagharap at pagsagot ko sa taong nasa harapan ko ngayon na isa ng ganap na pari.
~
It’s my first time sumulat ng short na story. And I really don’t know kung magugustuhan niyo. Magulo ba? Hahahahaha basta Josh Kendreian Morales is Azia Riane Labordo Rivera’s past na nagpari. Okay? Si Icen Gabrylle Rivera naman yung kasama ni Azia bumuo ng panibagong future. Understood na ba? Kasi kung hindi pa din, babarilin ko na yung self ko. Lol. Hindi ko alam kung sabaw or whatever to. Sabi ko kasi dati, parang hindi ko kayang gumawa ng short story kasi feeling ko magiging bitin lang kung ang kwento is nainlove sa isa’t isa at namuhay happily ever after. Kaya ginawa kong may past siya at iba yung present at future niya.
Talagang umeksena pa ang kadaldalan ko eh ano po? HAHAHA.
Sa mga nagbasa, sobrang THANK YOU po. :) Comments, anyone?
Promoting my ongoing story, ‘FOREVER OR FOR NEVER?’. Sana patuloy niyo pong subaybayan at pagpasensyahan na din ang kabagalan ko mag-update kasi ang schedule ko sobrang ka-close ko eh. HAHAHAHA *insert sarcasm here*
AT meron pa pala. Thankyou din sa mga patuloy na nagbabasa ng LASTING PROMISE ko. Para akong susuka ng rainbows pag nakikita kong may nag-a-add nun sa Reading List nila. Thankyou talaga. :)
So that’s all. Sorry sa kadaldalan ko kaya humaba ang Author’s note na ‘to. Love love. XOXO. :*
@itsjewlry
BINABASA MO ANG
I DO (One shot)
Short Story"If you love something, let it go. If it comes back to you, its yours forever. If it doesn't, then it was never meant to be." Love isn't owned and cannot be taken. It can only be given. If you love someone, you have to give them the freedom to choos...