"What took you so long?" Salubong kilay na tanong saakin ni Ivan.
"W-why are you here?" Naguguluhan ko pa din na tanong. Tinitigan niya lang ako at hindi siya nag salita, "don't tell me that... ikaw ang namamahala ngayon sa farm ni Mr. Ong?"
Hindi niya ako sinagot at nag simula siyang malakad kaya naman sinundan ko siya hanggang sa makarating kami doon sa gilid, may table and chairs doon. Katabi noon ay may swing na pinalilibutan ng mga bulaklak! Andaming nag bago sa garden na 'to, nakakatuwa naman.
"Ivan, ikaw nga ang namamahala sa farm ni Mr. Ong?" I asked him again before he seated at the chair.
"Oo!" He nodded before getting his phone and call someone. "May sakit si Mr. Ong! Naka wheel chair na siya ngayon, hindi niya na masyado nababantayan 'yung farm sa Cavite kaya naman saakin niya muna pinabantayan dahil malaki naman daw ang tiwala niya saakin."
My lips parted before nodding, dahan dahan akong lumapit doon sa swing at na upo doon! Hindi pa din ako makapaniwala na si Ivan ang nasa harapan ko ngayon. I just sighed before looking away!
Napalingon naman ako kay Ivan, now he's looking at me. Nagulat pa siya ng magtama ang tingin namin kaya agad siya nag iwas dahilan para matawa ako! Para siyang nakakita ng multo.
"B-bakit ka tumatawa?" Tanong niya saakin.
I shookt my head trying myself not to laugh because I knew that Ivan will get mad at me. "Wala lang!"
We just remained silent, I wanted to talk about our farm but I don't know how to start! Nahihiya ako. Ngayon lang ako nahiya ng ganito sa harapan niya! Ngayon lang ulit nakapag usap ng kami lang dalawa! After three years...
Dumating 'yung secretary ni Ivan kasunod ay may isa pang babae na may dala dalang mga pag kain! Andaming pag kain! Inilapag nila lahat 'yon sa harap ni Ivan bago sila umalis. Bigla ako nakaramdam ng gutom, hindi pa ako kumakain ng lunch! 3 o'clock na.
"Let's eat!" Ivan stand up bago lumipat ng upuan.
"H-huh?" Naguguluhan kung tanong.
Ivan sighed before looking at me. "Let's eat while talking about your shop."
I immediately stand up bago doon naupo sa inupuan niya kanina! Binigyan niya ako ng plato, kutsara at tinidor. Sa sobrang daming pagkain, hindi ko alam kung ano kakainin o kukuhanin! Tahimik lang ako kumakain hanggang sa nag salita si Ivan, tuwing nagsasalita siya ay nagtataasan ang balahibo ko. Hindi ko alam kung bakit gano'n.
"It's a five years contract. Naka sulat naman doon sa papel na pinirmahan mo na every 13th of the month ang deliver. Naka sulat din doon sa papel na pinirmahan mo na every week ay magkakaroon ng meeting between the owner of the shop and owner of the farm!" Ani Ivan bago kumagat doon sa chicken. "Anyway, bakit ko pa ba 'to sinasabi sa 'yo? Tsk!"
"May naka sulat na gano'n sa papel na pinirmahan ko?" Gulat na tanong ko bago uminom ng juice. "Wala akong nabasa."
"Walang nabasa o hindi mo binasa?" Sinamaan niya ako ng tingin. Napakagat naman ako sa labi ko bago nag simula kumain ulit. "And I heard you're going back to Korea again. Kailan?"
"Does it matter? I mean, w-wala ka naman siguro pakialam kung malaman mo kung kailan ako aalis o hindi!" I looked away.
"Kailan nga?" Iritadong tanong niya ulit saakin bago ako sinamaan ng tingin. "Dahil ikaw ang gusto ko palagi maka usap kapag magkakaroon ng meeting between the owner of the farm and owner of the shop! Ayoko makausap mga staff mo o kahit sino. I want you! Ikaw lang!"
BINABASA MO ANG
Since We Met That Night
RomanceSINCE Octology #2 Nayoung Rodriquez o mas kilala bilang Angelica ay isang make up artist sa South Korea. She's independent, humble, selfless, and beautiful. Sa pagiging independent niya sa buhay ay maraming sumubok na ligawan o mahalin si Angelica...