<82> Harana

36 6 0
                                    

Maira's POV

Hindi ko inakala na ganoon pala ang naranasan ko. Ikinwento sa'kin ni mommy ang lahat ng naganap. At sa ngayon ay patuloy pa'ding hinahanap ng kapulisan ang lahat ng may sala. Ang mga nadampot lamang ay yung mga napatumba ni Kevin at yung Patrick at yung dalwang may malaki ang katawan ang patuloy na tinutugis ng mga pulis. Mayroon na naman silang lead kaya kampante na ang kalooban ko. 

Kasalukuyan kaming nagkwekwentuhan ni Kevin. Umalis muna sandali si Mommy para bumili ng makakain. Nagprisinta pa nga si Kevin eh kaso tumutol si Mommy dahil nga naman sa kalagayan niya. Kaya eto kami ngayon at pinag-uusapan ang mga nangyari sa amin noong nakidnap ako. 

"Paano ka nga ba kasi nakidnap?" pag-uusisa ni Kevin. 

"Hindi ko din alam, pumunta kasi ako kay nanay tapos noong nakalabas na ako may bigla na lamang nagtakip sa sa mukha ko" tugon ko rito.

"Ano bang ginawa mo doon?" tanong nitong muli. 

"Bumisita" simpleng sagot ko.

"At nagtanong, humingi ng advice" pabulong kong dagdag.

"Anong tinanong mo?" agad akong namula sa naging tanong niya sa'kin. Umiwas kagad ako ng tinggin ng maalala ang mga itinanong ko.

"Mga tungkol lang sa buhay" pagpapalusot ko. 

Agad namang naningkit ang mga mata niya sa sagot ko. 

"Sure ka?" tanong niya pa.

"Oo nga" palusot kong muli. Cross fingers.

"Sige kunwari, oo" mapang-asar niyang tono at tumango tango pa. 

"Eh ikaw matanong nga kita paano mo napatumba yung mga yun?" pang-uusisa ko naman sa kanya.

"Kasi malakas ako" proud niyang sagot at finlex pa ang muscles keneme niya. 

"Oks" pilit kong pagsang-ayon. 

"Anong oks?" nagtataka nitong tanong.

"Okay, nako naman logic" iiling-iling kong sabi. 

"Ah bagong reaction mo, sanay kasi ako sa 'syemays' mo" nakangisi niyang saad. 

"Syemays? Naalala mo pa yon?" gulat kong turan.

"Oo naman, palaging may ganon palagi pag nagtetext o nagkakausap tayo, noon" tatawa tawang niyang banggit sa nakaraan namin. 

"Wag mo na nga balikan yun, past na yun eh" malamyang wika ko sa kanya. 

"Yeah indeed it's already past, our past. Hindi na nga pala dapat binabalikan" pagsang-ayon niya sa'kin. Nanlambot naman ako, wala na ba talagang pag-asa? Bakit kung kelan nasabi ko ng mahal ko pa siya? 

"Bakit naman hindi na dapat balikan ang past?" out of curiousity kong sabi. 

"Kasi nakaraan na yun, kung binalikan mo pa yun edi ibig sabihin you want to start all the mistakes you have done sa past" paliwanag niya sa'kin. 

"Ahhh" natatanging sambit ko. Nakakalungkot isipin na hindi na nga pwedeng balikan yun kasi puro pagkakamali na ang nakaraan, pero dahil sa pagkakamaling iyon natututo tayo at mas lalong tumitibay ang pagkatao namin. 

"Pero kung may babalikan ako, ikaw lang yun" biglang banat niya kaya napatingin ako sa kanya. He's smiling ear to ear. 

"Yes, you're part of my past but I still want to go back to you. You're not the mistake, I am. Ayaw kong balikan ang past kasi gusto kong magsimula ng panibago. And that is to be with you. Going back to the past is not good but starting a new love story will do" he's saying that while looking into my eyes, straightly. 

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon