Chapter 4:Nabingi yata ako sa tinanong niya. Tama ba ang narinig ko? Lalabas kami ulit? Tapos date daw? Hala siya.
ACE: Sorry. May nasabi ba ako?
GINO: Uhmm wala naman. Nagulat lang ako sa sinabi mo.
ACE: I just want to know you.
GINO: Alam mo, wala namang problema dun eh pero hindi lang talaga kasi ako nakikipag-date.
ACE: Huh? Bakit naman?
GINO: Mahina to (sabay turo sa puso ko). Hindi to kakayanin ang anumang emosyong dadalhin sakin.
ACE: So binabasted mo na ba ako ngayon palang?
GINO: Baliw. Hindi. Mas okay na ang kaibigan kita. Tsaka Ace, alam ko na may dapat ka pang tapusin sa naging partner mo. Hindi naman siguro maganda na basta mo nalang siya iwan.
ACE: Ano pa bang dapat tapusin samin eh tinapos ko na naman.
GINO: Sayo oo. Pero sa kanya hindi pa. Hindi mo kasalanan na hindi siya makapag move-on agad pero kung wala na talaga, tulungan mo nalang siya na mag move-on.
ACE: So what do you suggest?
GINO: Mag usap kayo. Pakinggan mo siya. Maging open ka at wag lang yung gusto mo ang masusunod.
ACE: Okay. I'll take that advice. Salamat. But I will not stop on asking you for a date still.
GINO: Loko. Sige na mauna na ako. Salamat ulit ah.
ACE: Anytime Gino. Salamat din.
GINO: Ingat sa pag-drive ah.
Grabe ang araw na to ah. Halong halong emosyon. Masaya ako na gustong makipagdate sakin ni Ace. Pero on the otherhand ayoko pa din kasi una, inuunahan na naman ako ng takot ko na baka lokohin o saktan lang niya ako. At pangalawa, hindi pa ayos masyado ang sa kanila ng Ian na 'yon tas eto siya at dumadamoves na. Ni hindi ko nga alam kung anong naging reason ng breakup nila. Baka mamaya eh third party lang din. Haaay.
Maaga na naman ako natulog kasi maaga pa ako sa office bukas para sa weekly meeting namin ng mga friends ko.
Alas otso palang ay umarangkada na ako papuntang office namin. As usual ako na naman tagabukas kasi ako lang naman yata ang time conscious sa aming magbabarkada.
Maya maya lamang ay dumating si Sandy na mukhang masaya ang umaga dahil nakangiti ito ng abot tenga.
GINO: Care to share?
SANDY: Wala na ang crush ko at ang jowa niya.
GINO: Kaya ganyan ka kasaya kasi feeling mo may chance kayo?
SANDY: Wow! Salamat ha. Na-encourage ako masyado.
GINO: Kasi naman kahit na single man ang crush mo ay hindi ka papansinin nun kasi hindi mo sinasabi na gusto mo siya.
SANDY: As if naman ganun kadali yun. At tsaka kung makapag advice ka dyan parang nagkarelasyon ka talaga eh no.
Sasagot na sana ako pero maya maya lang ay biglang pumasok si Karl at nagsalita.
KARL: Wag ka! Baka maunahan pa tayo niyan kasi base sa nasagap kong balita ay may ka-date daw ang friend natin.
SANDY: Huy! Ano yan? Ba't di ko alam yan ha? Sino yan at nang makilatis namin?
Hindi ko alam kung hinuhuli lang ba nila ako or sadyang may alam sila sa naging lunch namin ni Ace pero naagaw ng atensyon ko si Chico, ang isa pa naming kasama na in-charge sa lahat ng music na ginagamit namin sa aming mga videos. Siya lang ang hindi single sa aming magkakaibigan. He's already married sa kaklase din namin at straight siya in case magtanong kayo.
May kasama itong isang lalake na alam kong kilala ko. Hinding hindi ko nakakalimutan ang mukha ng lalaking kasama niya. Teka! Bakit nga ba kasama niya ito?
CHICO: Gino, may naghahanap sayo.
"Hi Gino. Can we talk?"

BINABASA MO ANG
Let's fall in love tonight
RomanceSi Gino ay isang freelance photographer na ayaw pumasok sa isang relasyon pero curious kung ano nga ba ang pakiramdam. Makilala niya si Ace, isang architect na ang hilig ay makipag-fling lang. Si Ace ba ang magiging unang boyfriend ni Gino who will...