36

33 2 0
                                        

"May problema ba?" muli niyang tanong sa 'kin. Naging sunod-sunod na ang pag-iling ko, kaya kumunot lalo ang noo niya. I was out of words. I couldn't even look directly at his eyes. Sa tuwing sinusubukan kong tingnan ang mga mata niya ay parati akong nanghihina.

"Sorry," I muttered. Marahan akong tumayo, mabigat pa rin ang dibdib. Lumapit ako sa kaniya hindi para lapitan siya kundi para makaalis na. Wala na rin siyang nagawa pa noong patakbo nga akong lumabas ng kuwarto.

We had a brief conversation a later on. I told and beckoned him to just go back in their group meeting. And luckily, he agreed; he didn't protest. The moment I saw him finally walking off, my body automatically fall down unto the couch.

"Ano'ng nangyari?" boses ni Hershly. Binigyan ko na lang siya ng isang iling at pasimpleng binuka ang mga mata. Kitang-kita ko sa mga mata niya na naguguluhan na siya sa nangyayari. "Nag-away ba kayo noon? Inaway ka ba?"

Muli akong napabuga ng hininga dahil sa sunod-sunod niyang mga tanong. "Walang away na naganap, Hershly," I told her using my uncontrolled voice. Parang na-drain na 'ata ang buo kong katawan. Kung battery pa sa cellphone, zero percent na ako.

"May problema lang sa pamilya namin." Sinubukan ko siyang gawan ng isang ngiti. "Hindi mo naman ako maiintindihan kasi iba ang pamilya na mayroon ka kaysa sa pamilya na mayroon ako."

Halata na ang gulat sa mga mata niya ngayon. Her lips were tightly pursed, seemed like she was now processing my words. Pinilig ko na lang ang ulo ko at kaagad nagpaalam.

While making steps towards my home, my train of thoughts was in the middle of the fog. 'Di ko alam kung ano na ang dapat kong gawin. Gusto ko sanang i-share kay Hershly ang mga problema ko, pero hindi ko kaya. It's because she seemed like she's the type of person who can't understand painful things. She's rich. She's surrounded by a complete family.

In short, she won't gonna understand my situation.

The sky was already dark when I got home. The bulbs were already engulfing the inside of our house. I could also feel auntie and papa's presence. Dinagdagan pa ng ng labis na pagkagutom at kapaguran kaya bigla akong nakaidlp.

"Oras na para maghapunan," ang boses ni auntie ang nagpagising sa 'kin. "Isang oras ka nga pa lang nakatulog. Kailangang magkaroon ng pagkain ang tiyan mo kaya ginising na talaga kita. "

Sabay kaming pumunta sa kusina. Nang namataan ko si papa ay muli akong napapikit nang marahan. May problema pa pala akong dapat na harapin.

"Nasa kuwarto mo pala si Macky, Frency. Ang kulit-kulit niya talaga," pagkukuwento ni auntie sa 'kin. Nitong mga nakaraang araw, nakasanayan na nilang isama ang tuta na pagmamay-ari ni Spencer sa pinagtatrabuhan nila. We decided to name her Macky since we find that name suitable for her.

"'Pa, may ano... Sasabihin sana ako sa 'yo." Kaagad kong kinuha ang basong may lamang tubig at sumimsim dito habang hinihintay ang sagot ni papa. "'Pa, papaano kung.... Papaano kung..."

Pinikit ko ang mga mata ko. Shems, 'di ko kayang sabihin sa kanila kung ano'ng problema. 'Di ko siya kayang tanungin sa bagay na alam kong magpapalungkot sa kaniya. Pero, gusto ko lang namang sumubok. Baka ay papayagan niya 'ko. Baka ay  siya magagalit sa 'kin.

"Ano, 'nak?" sagot niya at nagsimula nang kumain. Halata na masayang-masaya siya ngayon kasi minu-minuto siyang napapangiti. Kaya ay mas lalo akong nalito. Can I take his smile away? Sa sasabihin ko, maraming magbabago. Ang mood niya. Ang turing niya sa 'kin.... Alam kong magbabago.

"May sakit si lola... 'pa." Huminga ako nang malalim. Tila tumigil naman ang paligid ko lalo na ngayong hindi na rin kumakain si auntie para mas lalo akong matitigan. Nilunok ko na lang ang bara sa lalamunan ko. I needed to do this. Kung hindi ako magsasalita ngayon, hindi ako makakatulog nang maayos mamaya.

Hopelessly Smitten ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon