MemaPansin Lang

716 41 30
                                    

MemaPansin Lang

Marami na pala ang nagbago dito sa Wattpad magmula nung naging inactive ako - yung lay-out, features, functional system, visual quality, audience impact, poise and bearing, voice clarity, diction, relevance, originality, spirituality, punctuality at virginity. Sa sobrang dami halos ma-culture shock ako, yung tipong fist time sumakay ng LRT at naulol kung pa'no ipapasok yung ticket.

Pero hindi lang panlabas na anyo ng site na ito ang nagbago, 'di maikakailang nagbago rin ang pamumuhay ng mga taong naninirahan dito. Napansin ko lang na mas dumami ngayon yung mga nambabatikos sa mga akdang hindi raw sumusunod sa batayan ng "tunay" na Panitikan. Kesyo jejemon, marami emoticons, marami grammar lapses, trying hard Bed Scences writer, cliché romance Gangster slash Casanova slash Rapist slash Heartthrob-fell-in-love-with-chaka-na-girl.

Sa totoo lang, napapatumbling sabay plunking at napapakunot-noo na lang ako 'pag may nababasa akong negatibong komento ukol sa mga ganyan. Wala man akong mataas na Degree sa Literature o kung anumang titulo sa Panitikang Pilipino pero di ko mapigilang mapuna yung mga patuloy na bumabatikos sa mga bagay na sa aking palagay ay normal lang na dulot ng makamundong pagbabago.

Ang planetang Earth ay ilang ulit nang iniligtas ni San Goku sampu ng kanyang mga kasamang bihira lamang magpalit ng damit at ilang ulit na ring ipinalabas ang Princess Sarah upang ma-inspire tayo sa pagbabalat nya ng patatas.

Pero hindi gaya ng mga nabanggit, ang katotohana'y ang mundo ay hindi lamang mananatiling paulit-ulit at mapapako sa iisang pangyayari. Nagbabago ang lahat. Sabi nga ng gasgas na kasabihan, "Change is inevitable." Maraming mga bagay ang magbabago dulot ng iba't ibang salik ng kalandian ng buhay.

Kaya ukol sa larangan ng pagsulat, nasa iyo kung paano mo tatanggapin ang mga pagbabagong iyon. Maaring tataliwas ka sapagkat naniniwala kang "Going with the flow isn't always the right thing." May katwiran ka kung ganoon at akin yung iginagalang.

Kaya nga lang, nakakalungkot lamang sapagkat karamihan sa mga taong mahilig pumuna ay wala sa tamang lugar. Masyado ata nilang na-exercise ang freedom of speech. Tipo bang halos isampal, ibato, ingud-ngod, at ilamutak sa mukha ng mga manunulat yung mga "mali" raw ng kanilang akda. Napapakanta na lang ako ng "why you gonna be so rude..."

Bakit nga ba? Bakit? Sagutin mo ako. Dahil uhaw ka sa kasikatan? Tandaan mong dalawa ang mukha ng popularidad -maaring dahil ika'y hinangaan o dili kaya'y kinasuklaman.

Hindi ko ito sinasabi para maging isang ultimate Tagapagligtas ng mga naaapi. Kung tutuusin nga ay isa rin naman ako sa mga taong hindi panatiko ng ganoong pagbabago. Ni hindi pa nga ako nakakapagbasa ng mga kekekeleg lev steres dito na bumibida palagi sa What's Hot. Hindi dahil masyado akong emo o kung anuman, di lang talaga ako mahilig magbasa ng mga ganoon, mas gusto kong panoorin pag nasa Big Screen na. Mas nakakaaliw para sa'kin.

Tungkol naman sa pagka-cliche ng mga plots na halos pare-parehas na nga lang naman ang takbo ng istorya, hayaan na lamang natin sapagkat doon sila nagiging masaya.

One of the goals of reading is SATISFACTION. Parang bumili ka lang ng chicken joy, alam mo na ang lasa dahil paulit-ulit mo nang natikman pero bakit inoorder mo pa rin? Simple lang, nasarapan ka at napunan nito ang iyong pangangailangan.

Kung kaya nga't hindi kataka-taka na patuloy na mamayagpag ang mga ganitong uri ng akda.

Bata ka pa at nasa hayskul pa lamang? Sige lang mga ineng at utoy, ienjoy nyo lang sapagkat likas na sa ganyang edad nyo ito maranasan. Hindi masamang humanap kayo ng kilig. Parte yan ng pagbabagong magaganap sa inyo, physiologically speaking. Siguraduhin lamang na nasa tamang hangganan sapagkat anumang labis ay nakamamatay.

Para naman dun sa mga malalaki ang mga mata na hindi pinaliligtas yung mga technicalities of writing - punctuations, spacing, grammar, coherence, etc., huwag nyo naman sana kalimutan na kayo ay iniluwal din sa mundo nang hubo't hubad - dumaan sa proseso bago natuto.

Yun lamang, basta naniniwala ako na may forever. Change is forever.

MemaIhabol Lang: 

May nabasa ako rito dalawang taon na ang nakalilipas na may mga mga emoticons. Hindi naman marami pero sobrang natutuwa ako. Parang ganito, (^_^)

Ayun, tumbling sabay jumpshot tayong lahat! :D

©ePhoneFive

#MEMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon