Chapter 54: Another Test

38 0 0
                                    

Chapter 54: Another Test

Shaine's POV

Kahapon pa tahimik si Dia magmula ng matapos ang meeting with Royal Council. Pansin rin ni Mr. Hienz ang pagiging seryoso ni Dia sa training, halos limang oras na siyang nasa Royal Library upang pag-aralan ang mga speech niya sa accession.

Hindi ako makapasok sa Royal Library dahil utos ni Dia na huwag magpapasok ng kahit sinos habang nasa loob siya.

"Nico hindi mo pa ba nakakausap si Mr. Hienz?"

"Hindi pa Shaine, at hindi niya pwedeng iwan ang Prinsesa sa Royal Library ng nag-iisa." Nag-aalala na ako, halos hindi niya rin ginalaw ang pagkain na ipinahanda ko matapos kong makabalik mula sa Cratemia.

"Hey babe, are you done with your work?" Agad naman akong lumapit kay June na kadarating lamang.

"Yeah but I want to check the Princess. Can you wait for a couple minutes?"

"Yeah sure babe. I'll just visit Tita Vel, meet me there."

"Okay, see you babe." Umalis na rin si June at muli kaming naiwan ni Nico sa tapat ng pinto ng Royal Library.

.

.

.

"Lady Carson, Duke Nico. Maghahapunan na po." Nagising ako nang marinig ang boses na iyon. Pagtingin ko ay si Jeyya lang pala na nakasuot pa rin ng office uniform.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dito sa labas ng Royal Library.

"Nakalabas na ba si Dia sa Royal Library?"

"Royal Library? Ang Prinsesa po ba?"

"Yes." Si Nico na papungay pungay pang umayos sa pagkakaupo.

"Nasa Altenstien po ang Prinsesa."

"Huh?!" Sabay naming sambit ni Nico. Ganoon na lang ang pagkagulat ko sa sinabi ni Jeyya.

Altenstien? Ano namang gagawin ni Dia sa lugar na iyon? Teka at paano siya nakapunta sa lugar na iyon? Tanong ko sa aking isipan habang si Nico naman ay may kausap na sa kabilang linya ng cellphone niya.

"Teka Jeyya, kailan pa pumunta doon si Dia?"

"Kaninang umaga pa po Lady Carson."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" N

"Ang akala ko po alam niyo ang bagay na iyon Lady Carson." Agad akong tumayo at tumungo pababa ng palasyo, si Nico naman ay may kausap pa rin sa kabilang linya kaya hindi ko makausap.

"Mr. Yong bakit nandito po kayo? Bakit hindi niyo po kasama ang Prinsesa?"

"Wala po ba siya sa Royal Library?" Hindi na ako nagtanong pa nang marinig ang sinabi ni Mr. Yong, nagmadali akong dumiretso sa parking area ng palasyo. Nandoon din sina Hanz at Mhek na abalang nililinis ang sasakyan dapat ni Dia.

Naku naman Dia, sinong kasama mo sa Altenstien? At bakit ka pumunta doon ng hindi nagsasabi sa akin?

"Mr. Crane I need the private plane now." Pagkasambit ay agad ring sumakay ni Mr. Crane sa sasakyan namin, gayundin si Nico na katatapos lang makipagtawagan sa kausap niya sa cellphone.

"Natawagan ko na si Erick, nakahanda na rin ang private plane."

.

.

.

Shine's POV

"Kade sigurado ka bang kaya mo?"

Unexpected RoyalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon