Aisla's POV
Kinabukasan maaga akong nagising pagkatapos ay naligo na ako at nagsepilyo tsaka ako nagbihis. Pagkatapos kong gawin ang lahat ng dapat kong gawin sinuot ko na ang salamin ko atsaka ako bumaba. Narinig kong nag-uusap sila papa at mama sa may sala mukhang nagtatalo ata sila.
"Bakit ba ayaw mo nalang tanggapin yung inaalok sayo ng daddy mo?" Sabi ni mama kay papa.
"Mercedez alam mo namang ayaw kong umasa nalang sa kanya diba? Atsaka matataguyod ko ang pamilya natin ng walang hinihinging tulong sa kanya!" Galit na sabi ni papa. Lumapit ako sa kanila ng hindi nila nalalaman.
"P-paano yung gusto ni dad na ipamana niya kay--- A-anak nandiyan ka pala? Kanina ka pa ba diyan?" Gulat na tanong ni mama nang makita niya ako.
"Hindi po ma, ngayon ngayon lang po. B-bakit po? ano pong pinag uusapan niyo?" Takhang tanong ko kay mama.
Nag-iwas si mama ng tingin sa akin dahilan para lalo akong magtakha pati si papa nag-iwas ng tingin.
"Wala anak naku! Kumain ka na diyan halika may niluto akong ham at itlog diyan tsaka sinangag" pag-aya sa akin ni mama, sumunod naman kaming dalawa ni papa.
Pagkatapos naming kumain ng umagahan nagpaalam na ako kila mama at papa. At kagaya nga ng dati ang daming bilin ni mama sakin lalong lalo na ang papa ko, kaya dapat ko itong sundin dahil para lamang ito sa kabutihan ko.
Pagkapasok ko ng school may nakita akong lalaking parang pamilyar na pamilyar sa akin.
Teka? Siya yung nakabangga ko kahapon ah? bakit parang nag-iisa lang siya?.
Nilapitan ko siya sa may bench kung saan siya nakaupo. Tiningnan ko muna ang relo ko dahil baka malate ako. Sakto maaga Pa 7:30 am pa naman ang klase namin.
"Hi, good morning" bati ko sa kanya. "Pwede ba akong maki-upo?" Pagpapaalam ko sa kanya. Kasi diba baka magalit siya kung uupo nalang ako bigla sa tabi niya?
"Sure" sagot niya at dali dali naman akong umupo sa tabi niya.
"Thank you, ano nga ulit ang pangalan mo?" Tanong ko ulit sa kanya. Hindi naman siguro ako mukhang madaldal dito no? Baka mamaya makulitan siya sakin, dahil hindi naman niya ako kilala tanong ako ng tanong sa kanya.
"Rynx Potterson" maikling sagot niya.
"Ako naman si Ai---"
"Aisla Xyceria right? Nice to meet you" inilahad niya sa harap ko ang kanyang palad upang makipag shake hands sa akin. Agad naman akong nakipag shake hands sa kanya. Ang lambot ng kanyang kamay masarap hawakan para bang wala siyang ginagawa sa bahay nila. Siguro anak mayaman siya?
"N-nice to meet you din Rynx" nauutal na sabi ko.
"Bakit hindi ka pa pumapasok sa room natin?" Tanong niya sa akin.
"Nakita kasi kita kaya lumapit ako sayo, Ikaw? Bakit mag-isa ka Lang? N-nasan si Raze?" Hindi naman obvious na gusto kong makita si Raze no? Hahaha
And speaking of Raze.. Papalapit siya dito sa may bench kasama ang tatlong lalaki, sila yung lalaking nakita ko kahapon sa may gym.
Habang papalapit ng papalapit si Raze sa akin este sa amin, para bang nag slow motion ulit ang nasa paligid ko tulad ng naramdaman ko kahapon. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.
'Mygosh ano ba 'tong nararamdaman ko?'
"Hi Aisla" bati ni Raze sa akin dahilan para mas lalong lumapad ang ngiti ko.
BINABASA MO ANG
Tears Of Sorrow
Teen FictionMeet Aisla Xyceria a nerd student from Saint Brilliant International School, a smart student and reliable of all, she is very kind but shy, her parents had a lot of trust on her, but this trust was broken by unexpected circumstances that she could e...