FEBRUARY 14: The End...

655 22 8
                                    

----------

----------

Ang sarap alalahanin yung minsang “lovestory” natin na ikaw yung aking “PRINCE” tapos ako naman ang iyong “PRINCESS”..

Nung una kitang Makita hindi ko mapigilan na sumulyap ng lihim sayo. Ang gwapo mo kasing tingnan lalo na sa bawat ngiti mo, yung pantay mong ngipin  at malalim mong dimples.

Nakakahiya nga nung minsang nahuli mo akong nakatitig sayo,

Akala ko hanggang tingin na lang ako.. na hindi mo mapapansin ang isang invisible na katulad ko, dahil sino nga ba naman ako? Isa lang naman ako sa mga simpleng babae na humahanga sayo, na hanggang pagtingin lang..dahil hindi ko kayang ipagtapat ang nararamdaman ko sayo..

Pero nagbago ang lahat ng minsang tumugtog yung band niyo sa campus, Valentines Day noon at Birthday ko, Masaya ako noon dahil kahit sa malayo ay maririnig ko na naman yung malamig mong boses,

Pero nabigla ang lahat lalo na ako nung sa kalagitnaan ng iyong kanta ay tumigil ka…

“Happy Valentines day sa inyong lahat, Happy Birthday din sa akin at sa babaeng Mahal ko.. ano ba yan soulmate talaga kami dahil bukod sa same kami ng birthday e bagay yung pangalan namin..PRINCESS TRINIDAD..ngayon lang ako nakapag-ipon ng lakas ng loob para sabihing Matagal na kitang mahal..at gusto kitang tanungin kung pwede ba ako na si..PRINCE ARCILLA ay manligaw sayo?”

 

Sandali akong natahimik at hindi makapaniwala sa narinig ko na kilala mo ako? At tinatanong mo kung pwede kang manligaw?

Hindi ko naman gusto na pahirapan ka sa panliligaw nun, yun nga lang andun kasi yung tatlo kong mongaks na kuya na pinahirapan ka ng husto..

pero sa huli napatunayan mo na mahal mo ako.. dahil akalain mo yun umabot ka ng isang taon sa panliligaw sakin?

Minsan nga natanong kita kung naiinip ko na o nagsasawa ka na sa panliligaw sakin pero ang lagi mong sagot

“aaminin ko minsan ay naiinip na ako kung sasagutin mo ba ako o kung may pag-asa ba ako sayo, pero nawawala ang lahat ng yon pag nakita kitang nakangiti”

Maswerte ako sayo dahil alam ko na mahal mo akong totoo,

Sa totoo lang e matagal na kitang gustong sagutin, ang kaso nangako ako sa sarili ko na papasok lang ako sa isang relasyon kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral sa kolehiyo

“Prince gusto mo ba talaga akong maging girlfriend? Handa ka bang maghintay? Dahil sa ngayon mas priority ko yung studies ko., I have my own reason coz’ I would like you to be proud of me someday”

“My Princess kahit na abutin pa yan ng thousand years I can wait”

Kaya naman nung graduation day..hindi ko na pinatagal pa at ibinigay ko na sayo ang matamis kong –Oo

 

Sa bawat araw na lumilipas ay lagi mong binubuo ang araw ko, ikaw ang kumumpleto sa buhay ko. ikaw ang nagbigay ng tunay na kahulugan ng LOVE sakin,

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FEBRUARY 14: The End...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon