"Hindi pwedeng hindi mo alam kung sino ang nag-iwan nang sulat na 'to!"Napa-lingon samin ang ibang mga preso at bantay kaya hininaan kong muli ang boses ko.
"Nakasaad dito ang nang-yari sa araw na 'yon, Sinabi na ako ang pumatay, Pero anong ginagawa nang taong 'yon sa Crime Scene? Pano niya alam lahat nang 'to?"
Mahina ngunit may diin kong sabi sa kapatid kong si Josephina, May nag iwan nang sulat sa labas ng bahay namin, At nakasaad do'n ang nang-yari sa araw na sinasabi nilang naka-patay ako.
"Hindi ko alam, Hindi ko naman binasa 'yan nung araw na nakuha ko 'yan, Hindi ko rin nakita ang nag-iwan at paniguradong hindi ko kilala."
May mali sa mga nang yayari, Sino ang taong nag-iwan nito?
"Nag punta 'yung matalik mong kaibigan sa bahay nung isang araw, May dala siyang mga prutas at kinaka-musta si nanay, Baka sa susunod pa raw siya maka-dalaw sayo."
"Josephina, Nung araw na naka-patay ako ang sabi mo maaga akong umalis nang bahay nang hindi sinasabi sa inyo ni nanay kung saan ako pupunta."
Walang ekspresyon siyang tumango habang naka-tingin sa mga mata ko.
"Mga anong oras 'yon?"
Naguguluhan man base sa kanyang muka kung saan patungo ang tanong ko ay minabuti niya paring sumagot "Alas diyes, Nag mamadali ka pa nga e, Pinag bilinan pa kitang mag dala nang payong pero hindi mo dinala kahit naambon."
" 'yung selpon ko? Alam mo ba kung nasaan 'yung selpon ko?" Tanong ko
"Hindi natagpuan ang selpon mo sa crime scene pero pinahanap 'yon samin nang mga pulis sa bahay nung nang iimbistiga sila kung anong rason mo sa pag patay pero hindi namin nahanap."
"Pwede mo bang ikwento sakin uli 'yung nang yari nung araw na 'yon bago ako umalis nang bahay?"
"Umaga no'n---"
"Oy! Tama na 'yan! Pasok na sa loob!" Sigaw nang isang guwardya at isa-isa nang nag papa-alam ang mga preso sa dalaw nila bago mag si pasok kaya gano'n nalang rin ang ginawa ko.
"Sige na, Josephina, Alagaan mo si nanay."
Bilin ko sa kanya bago sumunod sa guwardya at pumasok na sa loob ng selda.
BUONG GABI akong hindi nakatulog kaka-isip kung sino ang maaaring nag-iwan nang sulat sa labas nang bahay namin.
Bakit nasa crime scene 'yung taong 'yon? At bakit wala siyang ginawa kung nakita niya akong pumatay nang tao? Anong intensyon niya kung bakit siya sumulat?
"Hoy! Wag kang pahiga-higa diyan! Mag linis ka nang banyo!"
Sigaw saakin nang isang presong kasama ko rito sa selda, Hindi na ako nag salita at tumayo nalang patungo sa banyo para mag linis.
Babae man kaming lahat sa loob ng selda may mga iilan parin talagang dugyot sa pag gamit ng palikuran.
Hindi ko alam kung paano ako nasanay sa gawaing 'to pero simula nang magising ako ng walang naalala dalawang buwan na ang nakakaraan isa na 'to aa mga gawing ipinapagawa sakin.
Mahirap makisama rito pero hindi 'yon ang mahalaga dahil ang mahalaga ay ang malaman ko kung anong nang-yari sa pagitan nang dalawang taon simula nung huli kong alaala at nung gumising ako dalawang buwan na ang nakakaraan.
Umamin ako sa krimen na sinasabi nilang ginawa ko at alam kong may dahilan kaya ko ginawa 'yon, May pinag-tatakpan ba 'ko? Kung umamin ako bakit hindi ko sinabi ang nang yari nung araw na 'yon? At higit sa lahat anong dahilan ko?
Kilala ko ang sarili ko hindi ko kayang pumatay nang tao at kung ginawa ko man 'yon ay paniguradong may dahilan ako.

YOU ARE READING
Crime scene
Mystery / ThrillerPaano kung magising ka sa isang selda, At sinabi sayong 2 taon na ang naka-lipas? At nakapatay ka? Hindi ka naniniwala kaya sa tuwing may dumadalaw sayong kakilala ay nag tatanong ka sa kung anong nangyari sa dalawang taon na hindi mo maalala Nag si...