Chapter 55: So Desperate

32 1 0
                                    

Chapter 55: So Desperate

.

.

.

Dia's POV

Hindi ko ipinaalam kina Ma'am Vel ang tungkol sa panibagong test for my DNA. Mahirap na baka matulad lang din dati na hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang resulta.

Ngunit hindi iyon ang inaalala ko sa ngayon kundi ang tungkol sa sinabi ni Duke Markus. Nakakapagtaka lang kung paano niya nalaman ang tungkol sa DNA, samantalang hindi naman namin inilabas sa publiko ang tungkol sa pagkuha ng specimen mula sa akin. Kaya ngayon mas maganda kung hindi involve sa another test si Ma'am Vel o kahit sino kina Shaine, June, Jeyya, Nico at maging si Gene.

.

.

.

Matapos ang training ko ngayong araw ay agad ko ring pinuntahan si Manang Kera at si Ate Umi, tumungo naman si Mr. Hienz sa office ni Ma'am Vel. 

"Ate Umi napansin niyo po ba si Miss Bautista?" Bungad kong  tanong matapos makarating sa kusina kung saan abalang nagluluto ang iba pang kasambahay.

"Kasama po ni Ma'am June. Ipapatawag ko po ba?"

"Hindi na po." 

"Bukas na bukas ay kailangan ko kayo ni Manang Kera bago sumapit ang alas otso ng umaga."

"Makakaasa po kayo." Sagot naman ni Manang Kera na katatapos lang mag-ayos ng mga plato sa dining table. Napansin kong napapalingon sa akin ang iba pang nagluluto dito sa may kusina.

Sorry pero kami lang ang magkakaintindihan nina Ate Umi at ni Manang Kera. Bulong kong sambit sa akin isipan.




Hinintay ko lang na matapos sa pagluluto ng pagkain. Pagkuway ay agad na rin akong kumain ng hapunan kasabay si Ma'am Vel, pinasabay ko na sa hapag kanina si Jeyya at si June na katabi ko. 

Napansin ko naman na tila iba ang mga tingin ni Ma'am Vel kay June, napakunot ang kilay ko sa mga sandaling iyon. 

"Good evening! May dalang akong desserts, Princess you're going to like this one." Pambabasag ni Shaine sa katahimikan.

"Manang Kera can I get five pieces of saucer?"

"Yes Milady." Inilapag ni Shaine ang paper bag na dala niya sa trolley tray na nasa tabi. Tinulungan siya ni Ate Umi na ilabas mula roon ang sinasabi niyang desserts.

"Have you eaten dinner?"

"Not yet Tita, katatapos ko lang po mapolish ang simbahan para bukas."

"Manang Lou please prepare another place setting for Lady Carson."

"Yes Your Grace." Magalang na sambit ni Manang Lou.

Napansin ko na ngayon lang muli kami nagkasabay sabay kumain ng ganito. Si Ma'am Vel na abala sa Mondragon Company maging sa pagkocompile ng mga documents sa gobyerno para sa nalalapit na election. Si Jeyya na kahit kasama ko sa mga meetings ay hindi ko rin nakakasabay ng ganito, si June na nag-aassist kay Jeyya sa tuwing natatambakan ang schedule ko at si Shaine na abalang inaasikaso ang nalalapit na fashion show ng Blant Styl.

Matapos ko kasing makabalik at makoronahan ay hindi ko na sila pa nakakasabay kahit sa isang meal, hindi ko rin naman alam ang free time nilang lahat.


*DING

*DING

RING!

RING!

Unexpected RoyalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon