CHAPTER 17

92 8 0
                                    

"Father John"

Nag silbing alarm clock ang katok sa pinto ni Aling Mercy sa mga nakaraan na araw.

Papungas pungas binuksan ni Father John ang pinto.

"Father iniimbitahan po kayo ni Father Daniel mag almusal sa baba."

Halata sa tono ng boses ni Aling Mercy na nahihiya ito sa pag istorbo sa tulog ng binatang pari.

"Sige po paki sabi na lang baba na ko". 

Matapos maisara ang pinto ay inalam ni John ang oras.

"Mag aalas nuwebe na pala."

Matapos ay naligo at nagbihis na si John at dumiretso na si Father John sa silid kainan.

Pagbukas niya ng pinto ay di niya inaasahan makita si Father Daniel at kasama si Erika na kaupo sa hapagkainan.

Nagkatingin si John at Erika nang sandali yon.

Napaka gandang ngiti na sumalubong kay Father John ngayong umaga.

Nakita niya na may may nilutong itlog at hotdog sinamahan pa ng fried rice at pandesal.

"Kain na Father John! may regalong cake si Erika satin".

Niyaya ni Father Daniel si John matapos munang tignan ang reaction ni Erika nung oras na pumasok ang binata sa pinto.

Naisip tuloy ni Father John kung gusto ni Father na magbitiw siya sa pagkakapari para makasama si Erika panghabambuhay.

Lumapit si Father John sa table at umupo sa hapagkain.

"Erika anong ginagawa mo rito at napabisita ka?"

Alam ni John na siya ang pinunta ni Erika.

May hinala siya na sinabi ni Father Daniel na magbibigay na siya ng misa sa makalawa at gusto ni Erika na makasama siya.

"Pinamimigay ni Mommy ang binake namin cake kagabi".

Sagot naman ni Erika.

"Di na siya nakasama ngayon dahil pumunta na siya sa tindahan namin."

inunahan na ni Erika si John dahil kabisado na niya ang kaibigan panigurado ay itatanong ni John ito.

"Lagi ako pinapadalhan nila Erika ng cake o kaya pansit mahilig magluto ang nanay niya at ni Erika".

Habang sarap na sarap sa pagkain ng dalang cake ni Erika.

"Mahilig si Nanay magluto ng iba't ibang uri ng pansit namana niya ang recipe kay lola".

binaling  ni Erika kausapin si John pagkatapos humarap kay Father Daniel.

"Ako naman ay mahilig sa mga cake."

pagmamalaki sinabi ni Erika kay Father Daniel habang masaya na nakikita niyang sarap na sarap ang matanda sa pagnguya.

"Naku Erika swerte ang mapapangasawa mo ang sarap talaga nito"

Mukhang may tinamaan sa sinabi ni Father Daniel samantala si Erika ay tumawa lamang.

Maging si Aling Mercy na nasa likuran nila at nag huhugas ng mga baso at pinggan ay kinilig sa sinabi ng matandang pari.

Gusto sana magsalita ni Father John tungkol dito pero wala siya maisip sabihin.

Nagpaalam na si Father Daniel na mauna dahil sa maaga siya natapos kumain.

"Sige Erika mauna na ko sa inyo ... sabihin mo sa kay Mommy Amelita mo maraming salamat."

Binaling ni Father Daniel sa atensyon kay John.

Ang Lihim Ng Baryo San Allegre (ON-GOING Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon