CHAPTER 18

85 7 0
                                    

Naglalakad si John at Erika sa mga tindahan ng mga damit na pambabae.

Nang nakita ni Erika ang isang sapatos na nagustuhan niya.

"Ano sa tingin mo John kailagan ko na ba palitan ang suot kong sapatos"

Tumingin si John sa sapatos ni Erika at napansin na parehas ang sapatos suot ng dalaga at ang balak bilhin.

"Meron sira na kasi un kaliwa nito at madumi na".

Sabay minodel ng dalaga ang kanyang sapatos upang ipakita ang mga sira nito.

"Bat di mo na lang ipagawa at ipalinis sa sapatero. nakikita ko na di malala ang sira nyan para palitan."

Kinuha ni Erika ang nakadisplay na sapatos at pinakita kay John ang tag price.

"Konti lng ang agwat kung bibili ako at kung iparerepair ko sa sapatero".

Nagulat si John sa presyo ng sapatos dahil napaka mura nito.

Pero kung si Erika ang may suot ay ikakala mo na mamahalin ito.

Kinuha ni John ang nakadisplay na pulang balat na sapatos at binigay kay Erika.

"Kung bibili ka ng bago ito na lang para maiba".

Kinuha ni Erika ang sapatos na iniabot ni John.

"Kaso madali siyang tandaan".

Halata sa mukha ni Erika na ayaw niya ito.

"Kung ako ang makakasama mo di naman ako titingin sa sapatos mo kundi sa mukha mo".

Nagblush bahagya si Erika sa sinabi ni John.

"Tsa Tsa pag isipan ko muna"

nagyaya lumipat ng tindahan si Erika at pumunta sa mga pamilihan ng mga damit.

"Kailangan ko ng tulong mo kasi mag nininang ako sa binyag ng kaklase ko dati at di ko alam ang susuotin ko dahil ngayon lang ako mag nininang".

Sinabayan na nakahawak sa braso ni John si Erika habang kinakausap na naglalakad.

"May pinag usapan ba kayong sususotin na kulay."

Tanong ni John kay Erika.

Nag-isip panandalian si Erika.

"Meron ba nun."

"Binyag po ang pupuntahan ko hindi po kami sasali sa dance contest".

May halong pang aasar na sabi ng dalaga.

"Pwede naman kahit wala kayong pinag usapan na susuotin"

napikon ng konti si John.

"Basta susuotin mo pang taas ay magaan ang kulay".

Payo ni John sa dalaga.

Kaya kinuha ni Erika ang isang puting blouse at itim na palda.

"Miss meron ba kayong medium neto".

kinausap ni Erika ang kanina pang nakabuntot na babaeng bantay ng tindahan.

Pag abot sa kanya ng damit ay pumasok na sa isang kwarto na nag sisilbing fitting room si Erika habang si John naman nag hintay sa  labas.

Makalipas ng ilang minuto napansin ni John ang isang dalagita nasa edad na 20.

Mahaba ang buhok, naka suot ng itim na hapit sa kanyang katawan.

Na kanina pang nakatingin sa kanilang dalawa ni Erika doon palang noong nasa tindahan ng sapatos.

Biglang lumapit ang dalagita sa  saleslady at nagtanong noon napansin na nakatingin sa kanya si John.

Ang Lihim Ng Baryo San Allegre (ON-GOING Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon