Binitiwan ko ang kamay niya at tumayo para matulak ko siya pabalik sa study table niya. I did not want to be his distraction. I wanted him to focus at his goal. Kapag nakikita ko kasi siyang tumitigil sa pag-sa-study para lang makausap ako, nagi-guilty ako.
In that day, I spent the day with him. He's studying and I was just staring at his figure in awe, memorizing his physique so that I would not miss him so bad if I would go far. Palagi kong sinasabi sa isip ko na lilipas din ang lahat. At isang araw, wala na akong problemang iiisipin pa.
Alam kong labis na nasaktan ang mga kaibigan ko nang nalaman na nilang ngayon na ang alis ko. Ang sabi ko kasi sa kanila ay sa susunod pang araw ang flight ko.
Tinakbo ko ang madilim na daan habang patuloy pa ring umiiyak. 'Di ko akalaing magiging ganito na lang ako ka-emosyonal.
Nang makapasok na 'ko sa kuwarto ko ay kaagad kong kinuha ang isang maleta.Ang mas nakakatuwa ay noong habang inaayos ko ang iba kong mga gamit, abala rin sa pagtulo nang walang tigil ang mga luha ko. Maybe, they knew I needed the comfort so bad.
Paglabas ko sa kuwarto ay nakita ko sina papa at auntie. "Aalis na ho a-ako." Umawang ang mga labi ko sa sariling emosyon. Tinitigan ko rin sila nang mata-sa-mata kasi ayaw kong makalimutan ang kagandahan ng mga mata nila.
"Uminom ka ng tubig parati, anak," paalala ni papa sa 'kin. Isang tapik ang natanggap ko mula sa kaniya, at napapikit na lamang ako. "May cellphone naman ang kasamahan ko sa trabaho. Maaari tayong mag-video call."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Sa aming tatlo ay ako lang kasi 'tong iyak nang iyak na tila ba ilang dekada bago kami muling magkikita-kita. "Palagi ho kayong mag-iingat dito. 'Wag po kayong magtatabaho nang sobra-sobra."
Tinawanan lang nila ang sinabi ko. Bagaman ganoon ay batid kong tutuparin pa rin nila ang munti kong paalala.
Nang makarinig ng isang bosena galing sa labas, hudyat na sinusundo na 'ko ni ate, kumawala ang isang hagulhol sa 'kin. Naalerto naman sina papa at auntie na halos mapahawak na sila sa mga dibdib nila. Inilingan ko ang sarili at sinenyas sa kanila ang libre kong kamay.
Paglabas ko ng bahay, 'di ko na sila sinulyapan pa. Tuloy-tuloy lang ang paghakbang ko papasok sa sasakyan ni ate.
Kaagad kong niyakap ang maliit na bag nang makaupo na ako sa upuan na malapit sa driver seat. Paglingon ko ay laking gulat ko nang 'di si Isbelle ang katabi ko.
"Nasaan si ate?" bulong ko kay Spencer. 'Di ko batid kung narinig niya ba ang tanong kung 'yun sa sobrang hina ng boses ko. "'Di ba busy ka ngayon? 'Di ba sabi ko sa 'yo sa social media na lang tayo mag-usap?"
Napalunok ako sa sarili kong sinabi. Sa totoo lang, 'di ko gusto na sa social media ko lang siya makausap. Sa wari ko'y 'di ko kayang malayo sa mga magulang ko, sa mga kaibigan ko at lalong-lalo na sa kaniya.
Pero, tinatak ko sa isipan ko na 'I am not tied to him' kaya ay dapat masanay na akong malayo sa kaniya. Sa tingin ko naman, mas maganda na ang sitwasyon na 'to kasi dahan-dahan na akong sinasanay ng pagkakataon. Para sa susunod na araw, baka kumalma na ang dibdib ko. Baka ay attracted lang ako sa kaniya. Baka ay paghangang kuya lang ang nararamdaman ko para sa kaniya.
I mean, everyone knows how spectacular the love is. May mga pakiramdam na nararamdaman natin kasi 'yun ang sinasabi ng utak natin. May pakiramdam na nararamdaman natin kasi 'yun ang gusto nating maramdaman noong una pa lang.
"I will gonna miss you so bad," aniya pa.
His voice boosted me up. Despite the fact that I was afraid to face the new environment in Spain, he still motivated me using only his few words and minimal smile. Bagaman malalayo ako sa kaniya, gumaan talaga ang loob ko.
BINABASA MO ANG
Hopelessly Smitten ✔
Teen Fiction"Gagawin ko lahat ng sinabi mo. Tutulungan ko ang kompanya namin. I will gonna fix myself up... For you... For you deserve better. Give me a decade, and I will make you proud of me." ©2021. Ugly_Writes. All rights reserved.