By: Franshelyn Nichole A. Perez
By year : 2012
CHARACTERS:
FRANSHELYN NICHOLE PEREZ-
THE THEATER ACTRESS
RHODA ANN PICO-
THE PAINTER
RUCHELLE ORTEGA-
THE CHOIR MASTER
IVY JOY PLOPINIO-
THE PERFECT DAUGHTER
ROEMARIE PERIABRAS-
THE CHEERLEADER
ELONAH MERCED-
THE MODEL
SARAH MAE PANGARUNGAN-
THE JOURNALIST
RENZ LLOYD ORTIZ-
THE HEARTHROB
ANGELO MACABUTAS-
THE MUSICIAN
JOMARI CATACUTAN-
THE MILLIONAIRE’S SON
JOSEPH MENDOZA-
THE RACER
GABRIEL NOCHE-
THE PHOTOGRAPHER
IAIME MISON-
THE TAEKWONDO MASTER
ALFRED CUSTODIO-
THE BASKETBALL PLAYER
CLARENCE RAY SUAN-
THE NERD
DAN RICK NOYNAY-
THE SWIMMER
DAREL ABANES-
THE ANIMAL LOVER
INTRODUCTION OF THE CHARACTERS
RENZ
:
Hindi ko alam kung ano ang mga nangyayari! Ewan ko, pero sa tingin ko kinarma ako. Gumuho ang mundo ko ng mawala siya sa buhay ko. Nagsisisi ako sa mga panahong sinayang ko. Sa mga panahong dapat sana’y naging masaya ako. Sinira ko ang lahat ng sa akin. Ngayon? Anong gagawin ko? Paano ako babangon? Paano ako lalaban? Nasan ang tapang ko? Nasan ang sarili ko?
IVY
: Naging perpekto ako! Lahat ng sinabi ng ibang tao ginawa ko! Minahal nila ako dahil sa mga ginawa ko. Pero bakit nung nasadlak ako sa kadiliman ng buhay, bigla na lang naglaho ang dating mga kayamanan ko. Paano ko mababawi ang lahat? Sino ang mga kakampi sakin? Paano ako babangon? Paano ako lalaban? Nasaan ang tapang ko? Nasan ang sarili ko?
JOMARI:
Nakuha ko lahat ng ginusto ko! Nakuha ko yun ng di man lang ako naghirap. Binigay ang lahat upang di na makipaglaban sa hamon ng buhay. Pero dahil dun natuto akong maging tamad. Natuto akong magpakasarap sa buhay. Akala ko habang buhay na itong nasa akin. Akala ko di na ito mauubos! Pero nagkamali ako, dahil sa isang iglap lang nawala ang lahat sa akin. Paano ako babangon? Paano ako lalaban? Nasaan ang tapang ko? Nasan ang sarili ko?