chapter 6✔️

194 10 0
                                    


Alex pov

"Woah! Di ko akalain na ganito pala ka bongga itong pageant na sasalihan mo alex!" Namamangha Saad ni Jackie. Ngumisi ako sakanya.

"Syempre, maganda din Ang mananalo noh."

"Bakit Ikaw ba ang mananalo?" Asar nito. Tinaasan ko S'ya ng kilay

"Aba dapat ako ang manalo noh! Malaking Chance na magiging sikat ako." Malditang Saad ko pero tinawanan nya lang ako.

"Support na lang ako sa kahanginan mo." Natatawang Saad nito kaya napailing na lamang ako at nag lakad na kami Papasok.

Well ngayon na yung pageant kaya pinaghandaan ko ito.

Nandito kami sa room naka assign saakin at may nakalatag na din na make up at pangkulot at nandito na din Ang mga susuotin ko mamaya.

"Hala bakla ang sosyal talaga itong room na ito parang mas malaki pa ito kesa sa apartment na tinitirhan ko! Sobrang yaman siguro yung nag papa- pageant." Hindi mapaniwala Saad nito.

"Mayaman talaga."

Napatingin kami ni Jackie sa pintuan dahil may kumatok.

Dahan dahan ito bumukas at Kita ko si coesha naka suot ng dress na kulay pula medyo Kita yung dibdib nito tapos may suot S'ya na parang jacket, (di ko alam kung ano tawag duon eh.)

"Omg! Coesha Dizon Morales?! " Gulat na sigaw ni Jackie.

Ngumisi si Coesha

"Yup it's me the one and only." Nakangiting Saad nito

"Pero ano ginagawa mo dito ghorl? Don't tell me sasali ka dito at transgender ka?!"

"Of course not! Hindi ako trans noh! Judge ako dito." Pag tataray nito.

"Sorry naman ghorl."

"By the way, good luck sayo alex. I hope you will win." Nakangiting Saad nito saakin kaya ngumiti ako.

"Thanks." Nakangiting Saad ko. Kita ko sa gilid si jackie parang nag tataka.

"Osya aalis na ako Kita na lang tayo later." Saad nya at umalis.

"Hoy bakla! Ano yun?! Diba hate mo si Coesha? Bat ganyanan yung trato mo sakanya?!" Sigaw ni Jackie kaya napatakip ako sa tenga.

"Bayan jackie! Sakit sa tenga ah! Wala ka na dun noh. At tiyaka ok na kami dalawa." Saad ko napangiwi ito at umiling.

"Nakaraan Galit na Galit ka diyan sa babaeng yun tapos ngayon ok na kayo? Himala ah." Saad nya.

Hindi ko na lang S'ya pinansin at umupo na ako upang mag make up.

***

Coesha pov.

Naka upo ako ngayon at kaharap ko Ang stage kung saan sila rarampa. May mga kasama din ako na judges.
Hindi ko maiwasang mapangisi.

Titignan ko kung hanggang saan yang tapang mo.

Napatingin ako sa stage dahil nag salita na ang mc.

"Good evening everyone, thank you for coming this pageant. Pls welcome our candidate ms/mr Trans-woman!" Saad ng MC kaya

Isa isa silang rumampa at nag pakilala.

Well magaganda silang lahat

Hanggang si alex na ang lumabas at rumampa.

"Good morning everyone! My name is Alex Cortez 21 yrs old isang magandang dilag sa Quezon city!!!" Nakangiting sigaw nito at nag sigawan ang mga tao lalo na mga ka lalakihan.

My number 1 Basher Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon