Tulala akong bumalik sa aming clasroom. Wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi ng mga kaklase ko at sa mga itinuturo ni Ma'am Liza. Lumilipad ang utak ko kay Sander.
Sumapit ang tanghalian at hindi siya nagpakita sa amin. Hindi ko na rin siya nakita sa paligid.
"Saan si Sander?" tanong ni Arnold.
Nakatingin silang tatlo sa akin.
"Hindi ko alam," tulala kong sagot.
"Anong klaseng gilfriend 'to hindi alam kung nasaan ang boyfriend," sabat ni Arnold.
Hindi na nag-usisa pa si Andra at Rita sa akin. Kanina paglabas ko sa library ay maga ang mga mata ko kaya alam nilang may mali.
Hindi ko na lang sila pinansin at nag-umpisa nang kumain. Kung tutuusin ay walking distance lang ang bahay namin pero nagbabaon pa rin ako nang kanin dahil hinihingal akong umuwi sa bahay dahil medyo mataas na parte na ang amin at malapit na sa bundok.
Kinabukasan ay wala akong naisagot sa mga test na ibinigay sa akin. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ganito kahina ang utak ko, dagdag pa ang nangyari sa amin ni Sander.
Tawa nang tawa sa akin si Andra nang ikuwento kong wala akong naisagot. Samantalang awang-awa naman si Rita sa akin.
Nang hapon na ay ipinatawag kami ng aming adviser dahil may meeting daw ang buong year tungkol sa gaganaping prom. Excited pa ang mga kaklase kong nag-uunahan papasok sa meeting room.
Dahil tatlong section kami ay nakatayo na lang kami dahil may mga nauna na sa aming umupo.
"Ma'am pwede bang mag ball gown ang mga bakla?" tanong ng isang bakla sa kalagitnaan ng pag-uusap tungkol sa isusuot. Nagtawanan ang lahat dahil sa kanyang biro.
"Peste kang bakla ka!" sita ni Edison
"Inggit lang kayo," sagot pa nito at kumekendeng na hinawi ang buhok na animo'y mahaba talaga.
"Okay sit down na," hindi pa rin matapos ang mahinang asaran kahit na nagsasalita na si Ma'am Flores. "As long as we want to Mark hindi talaga pwede. Papagalitan tayo ng principal natin." paliwanag ni ma'am,
"Bleehh..ano ka," pang-aasar pa ni Arnold.
"Shut up bakulaw!" banat din ng bakla sa kanya saka bumaling kay ma'am Flores. "Joke nga lang ma'am eh, pero malay mo kung papayagan," hirit nito ulit.
Inisa-isa sa amin ang mangyayari sa prom na gaganapin sa araw mismo ng mga puso. Pumili na rin siya ng mga sasayaw sa cotillion at pinasulat niya kami sa papel ng mga pangalan namin para sa pagpili ng mga partner.
Nilibot ko ang paningin ko para hanapin si Sander pero hindi ko siya nakita.
"Maam pa'no po pala yung mga absent?" tanong ng isa mula sa kabilang section
"Okay, President kayo nang bahala sa mga pangalan ng absent," bilin ni ma'am
"Maam pa'no pala pag ayaw nilang sumali?"
"This is a requirement and no one's exempted,"
Hindi ko muna inisip kung saan ako kukuha ng panggastos ko dito dahil nag-aalala ako kay Sander. Kung hindi sana ako nakipag-break sa kanya ay malamang nandito siya sa tabi ko ngayon.
Inabot kami ng alas sais dahil sa meeting, malapit nang dumilim pero hindi ako natatakot umuwi nang mag-isa. Ang iniisip ko lang ay si tatay at nanay.
"Bakit absent si Sander?" hindi na napigilan ni Andra na magtanong.
Hindi ko pa sinabi sa kanila na nakipaghiwalay na ako dito. Patay malisya akong tumayo para makaiwas sa kanilang dalawa.
"Mauna na 'ko sa inyo, baka pagalitan na naman ako ni nanay."
BINABASA MO ANG
Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow Update
RomanceCharlotte Hope a teenager who tried to escape her sorrowful fate found hope to a person who fulfilled everything she dreamed of not until everything has changed. Unknowingly that person is just the other part of his personality. Will she embrace the...