Chapter 8

70 11 4
                                    

"Happy monthsary! Parang kahapon lang, torpe ka pa bro! Congrats, four months na kayo! Sana all! Kung hindi lang sana pakipot si Maria eh di nag si-celebrate na din kami." Von said bitterly.

He looks funny though! Good thing, Max isn't here tonight. She really hates it when Von calls her Maria which he intentionally pronounced as 'Marya' instead of 'Muh-ree-uh'.

"Ang bitter naman ng pagkakabati mo sa amin, Von? Kumain ka na nga lang. Here." Jaz said laughing and she handed him a plate full of Italian pesto and a slice of pizza.

"Dami naman nito Jaz. Pero bakit di mo nilagyan ng chicken? At nung barbeque? Galit ka ba? Kung oo, sorry na!" Biro ni Von.

Maingay na naman dito sa apartment dahil advance celebration ng monthsary nitong dalawa. Bukas talaga ang monthsary nila but of course they're going to celebrate it with just the two of them kaya lang dahil sa kantyaw ng mga mokong ay nanlibre nga si Niko ng food.

Rust and Erik are not here tonight though dahil may tatapusin daw silang plate. Well, after that 'incident' ay siya naman ang umiwas sa akin and that was a week ago pa.

Naiinis din ako sa kanya kasi di ko talaga siya maintindihan kaya di rin ako nagpaparamdam sa kanya. Sa totoo lang napaka patient ko sa kanya ha kasi nga gusto ko siya. Kung ibang lalaki lang siya at nag inarte siya, good bye na without any second thought. Pakipot ba siya o torpe lang talaga?

I won't say na baka nag-a-assume lang ako because I can feel din naman na he likes me. Kasi kung hindi, bakit pa siya mag aaksaya ng oras sa kin, right?! Ughh! Sumasakit ang bangs ko sa kanya! Bahala na nga siya!

Ang bilis naman ng araw, Monday na ulit! Bitin naman, haven't finished the kdrama I am watching!

"Jaz, saan na naman kayo mag du-duty niyan?" I asked Jaz when I got out from my room. Mukhang paalis na siya with her maleta and all.

"Sa Atok kami at baka by Wednesday night na kami makakauwi. Magpapasama ka ba sa pinsan mo? Oh, I forgot to tell you, nabanggit ba ni Jeff sayo na sa Atok din sila ngayon? Pang gabi nga lang sila. Si Max pang umaga kaya bumiyahe na sila kagabi. Pang 3 pm naman kami kaya I need to go na." We hugged and kissed sa cheek. "Ingat ka ha? Lock mo lagi pinto. Ibibilin kita kay Niko. Bye girlfriend!"

Hala! Oh my gosh! Seriously? 3 nights na wala akong kasama sa gabi? Oh no! Nakakainis ka Jeff! How could you not tell me about this?! I have to call him! Sana nagkamali lang si Jaz!

"Oh?" the monkey answered, I mean my cousin pala.

"Anong oh ka diyan?! Saan ka mag du duty?!" singhal ko sa kanya.

"Sa Atok! Sorry, nakalimutan kong sabihin. Makitulog ka muna sa mga friends mo." Ughhhh!!!

Buong araw akong lutang. Makikitulog sana ako sa mga friends ko kaso I realized I have to finish my plates din. Brave naman ako kaya I can do it! Im not scared! Hoo!

"Mag-isa ka sa boarding niyo ngayon, Jen?" tanong ng tsismosong si Michael dahil narinig niya kaming nag-uusap nila Ella.

"At bakit ka naman nakikisawsaw, aber?" Natarayan ko na tuloy pero sanay na sa akin yan.

"Di ba sa may Aurora Hill ka nakatira? Alam mo bang madaming nasawi doon noong lumindol ng malakas noong 1990? Kaya madaming mga hindi matahimik na kaluluwa." Seryoso niyang kwento!

"Grabe ka Michael!!! Halika nga dito! Lagot ka talaga sa akin!!" Gigil na gigil talaga ako sa kanya pero mabilis siyang nakatakbo.

"Kapag feeling mo may nakamasid sayo, Jen, totoo yun! Meron talaga!" sigaw pa nito bago tuluyang lumabas ng classroom.

Destined To Love You (Girlfriend Series #2)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon