Too late.

7 3 0
                                    


"Okay class pass your papers now!"sabi ni ma'am habang nag aayos ng kanyang gamit sa mesa. Nagkanya kanya naman kaming nagpasa sa pinagawa ni maam saamin.

Well, friday ngayon at wala kaming masyadong ginagawa so napagdesisyunan nalang ni ma'am na maglaro kami. We called it Confession Time.

Magcoconfess kami ng feelings sa isat isa, it's either kaaway or kung may crush kaman icoconfess mo, pwede din kung may sasabihin ka sa kaibigan mo and kung may pasasalamatan ka pwede din.

After mapasa na ng lahat ay nagsibalikan na kami sa upuan, then ngumiti si ma'am.

"Class bubunot ako ng isa at babasahin niyo ito sa harap. Sasabihin niyo rin kung para kanino yung sulat mo " paliwanag niya habang pinapaikot ikot yung mga papers sa box.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan.

Hayy sana naman di ako yung mabunot ni ma'am. Madami pa namang kakornihan sa sinulat ko haha.

Nagsimula nang bumunot si ma'am. Then after hearing those name, it made my heart ached.

"Claude Sanveda" Fck that name. Why do you still have a strong effect on me?

Pumunta na siya sa harapan saka kinuha ang kanyang papel kay maam.

His beautiful eyes that made me go crazy to him stares at me. Umiwas naman ako dahil mas lalong kumikirot yung puso ko.

"Ahmm para po ito sa babaeng mahal na mahal ko padin kahit na palagi akong pinagtatabuyan dahil sa aksidenteng kasalanan" tinignan ko naman siya ng masama. Really you called that an accident?! How dare you!

"Ayyy sana all!" kantyawan nila. I sit straight. Sinaway naman sila ni ma'am.

He cleared his throat then glance at me.

"Hi baby, kumusta kana? Alam mo ba na miss na miss na kita? Sana palagi kang kumakain kasi mas pumapayat kana ngayon." Natawa siya kaya nagkantyawan ule yung klase.

Wala na akong pakealam sa kanya. Kahit na lumuhod pa siya ay wala nakong pake sa kanya dahil sa kagaguhang ginawa niya.

Huminga uli siya ng malalim bago nagsalita.

"Baby I'm so sorry for what I did to you. Alam ko huli na tong paghingi ko ng tawad sayo at di na mababago yung nangyari pero di parin ako magsasawa na sabihin yun sayo. I'm really really sorry, di ko naman sinasadya yun. Plinano niya lahat ng yun! Lasing ako nun please baby bumalik kana. I really miss you. I love you, please forgive me. Give me a second chance and I will promise that I won't hurt you again. That i will not left you behind. Again. Baby I love you" para akong pinagsasaksak ng madami sa bawat salitang binibitawan niya.

Talaga? Mahal mo ako? Then why the heck did you betrayed and hurt me so bad?

Umusbong yung galit at pagkamuhi sa katawan ko. Tiningnan ko siya ng pagkadisgusto. Fck you!

Natahimik naman yung kaklase. Nakatingin lang sila sakin. Naawa siguro.

Hindi ko na kaya.

Lumabas na ako sa room. Wala na akong pakealam kahit na magalit pa si ma'am sakin. I can't bear it anymore! My heart hurts like hell and my eyes are so tired of crying!

Di ko na alam kung saan patungo tong pag alis ko. All I need right now is to take away this sh*tty pain in my heart.

Napadpad ang mga paa ko sa garden. Without thinking, napaupo nalang ako sa sahig then humagulgol sa pag iyak.

"T*ng*na mo Claude! Bat mo ba kasi ginawa yun ha?! Bat ba kasi sumama ka sa kanya? Sa lahat ng pinagsamahan natin nagawa mo padin akong lokohin?! How dare you!"

"Baby..." Malunay at naiiyak na boses ng ex ko. Mas lalong nanikip ang dibdib ko.

Niyakap niya ako sa likod. "Baby I'm sorry okay? Di ko yun sinasadya lasing ako at may itinurok siya sakin. Di ko alam na may nangyari na pala samin. Sorry, I'm really really sorry. Please!" I pushed him away. How dare he touched his filthy body on mine!

Tiningnan ko siya ng masama. I don't care how I look now.

"Anong akala mo dun Claude ha? Na sasabihin mo na aksidente? Ano yun nasagasaan lang ha? Na yung ano mo biglang nadulas sa kanya ha? Tapos nakabuo kayo ha? P*tang*na mo! " Dinuro ko siya habang nanginginig Yung kamay ko.

"At hindi lang yun!" He tried to reach me but I pushed him again. Mas lalo akong naiyak. Tangina, parang tinutusok ng karayom yung puso ko.

Awang awa at nasasaktan yung tingin niya sakin and seriously he's crying? The one who cheated on me is crying?! Mas lalo akong nandidiri sayo Claude!

"Sa lahat ng babae si Ate Avvy pa yung nabuntis mo! T*ng*na Claude yung kapatid ko pa! " I cried so hard.

Why fate is so cruel?!

"Paano niyo yun nagawa saakin ha? Ganyan naba kayo katigang para magawa yun?" nilapitan ko siya then dinuro duro.

How. Dare. You. Claude Sanveda?" He remained silent.

I screamed on top of my lungs! Sawang sawa na ako!

Pinagkakalmot ko siya at pinagsusuntok pero pinabayaan niya lang ako.

"T*g*na mo magsama kayo! Akala ko ba mahal mo ako?! Ha?! P*ta bat mo nagawa yun?!!! Napakawalanghiya mo!! Ambata mo pa nakalandi mo!" He tried to hold my hands but my body collapsed in the grass.

Di ko na kaya. Ansakit na ng katawan ko pero mas nananaig parin ang sakit ng puso ko.

"Im sorry...." Humihikbing sabi niya. He sat beside me.

Kahit na nanlalabo na ang mata ko. Nakikita ko padin na pinagsisihan niya ang lahat ng iyon.

He tried to reach my face pero winaksi ko yun. Napayuko nalang siya.

I smiled and laugh a bit bitterly. My body feels numb.

I stare at him for the last time.

Wala nang magagawa ang sorry mo Claude.

Di na maibabalik yung ginawa niyo lalo na yung trust na winasak niyo.

Mahal na mahal kita pero tadhana na ang naghatol na di tayo para sa isa't isa.

Huli na ang lahat, wasak na wasak na ako.

It's too late for your apology, my love. Too late.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝙊𝙣𝙚𝙎𝙝𝙤𝙩 𝙎𝙩𝙤𝙧𝙞𝙚𝙨 (𝙤𝙣 𝙜𝙤𝙞𝙣𝙜)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon