CHAPTER 38

283 15 6
                                    

|Hey guys, I hope you're enjoying my story :D. Give a feedback by voting or commenting! It will help a lot for a starting Author like me
:( Walang mawawala kung mag vo- vote at magco- comment po kayo!

Just wanna say na expect for more and more chapter! We have a long way to go! So  I hope we achieve our goals!








LYLLO'S POV

Sabado.

Kinabukasan, nagising ako ng maaga. Kahit pa medyo late na akong natuog kagabi dahil sa pag- uusap namin ni Rohan.

Nagutom kaming dalawa kaya um-order nalang siya ng pagkain dahil hindi ko na siya pinayagang mag luto. Nag- aalala pa rin talaga ako sa tahi niya at 'di maalis sa utak ko ang tanong kung saan niya nakuha iyon. Hindi din naman niya sinabi sa akin.

We ate silently, pagkatapos no'n ay ako na ang nag presenta na linisin ang mga pinagkainan namin.

Do'n niya rin ako pinatulog sa kwarto niya, at siyempre hindi siya natulog do'n. Sa guestroom siya nag pahinga, ako nalang dapat ang naroon ngunit hindi siya pumayag. Aniya'y do'n na raw ako.

Namiss ko ang rest house na 'to. Isang linggo rin akong hindi nakapunta rito, namiss ko ang fresh na hangin at ang magandang tanawin.

Bukas ang dalawang pinto sa balkonahe. Pumapasok ang sinag ng araw pati na rin ang lamig ng hangin. Ang puting kurtina ay nag sasayaw rin.

Nakangiti akong bumangon sa kama at dahan- dahang lumapit sa balkonahe. Pinagmasdan ko ang malayong araw na mas lalo yatang lumiwanag ngayon. O dahil maayos ang pakiramdam ko?

Mayroong mga makukulay na halaman na nasa balkonahe. Bukod sa may dalawang upuan at isang bilugan na mesa ay maraming paso ng halaman abg naroon. Nakakagulat lang na pati sa rest house niya ay may kulay asul na rosas siya na nakatanim.

I walked towards the balcony to see the beauty of the sky. I inhaled the fresh air while smiling like an idiot. Masarap ba ang gising, Lyllo? Hay naku.

Nakarinig ako ng mahinang daloy ng tubig mula sa baba. Dinikit ko pa ang katawan ko sa balkonahe upang masilip kung saan nanggagaling ang tunog.

My mouth formed in a small 'o' when I saw Rohan. Topless and sweating. Seryoso siyang nakatingin sa mga halaman at may hawak siya na hose, ginagalaw niya 'yon upang madiligan ang mga ito ng maigi. Nakalagay ang isa niyang kamay sa loob ng bulsa ng kaniyang pantalon, magulo ang buhok niya at pawis na pawis.

His ripped and hard chest was glistening with sweat, down to his six pack, to his lower abdomen, and to his defined v- line.

Napalunok ako. Humigpit ang hawak ko sa railings, at nag- iwas ng tingin.

Kaya lang, narinig ko ang pagtigil ng tubig sa hose na hawak niya. Napalingon ulit tuloy ako. Nakita ko'ng nilapag niya ang hose sa bermuda grass at pinagpag ang kaniyang mga kamay. Pinanood ko siyang mag lakad palayo.

I can't believe he's my Boyfriend now.

He's my boyfriend?

I'm his Girlfriend?

Boyfriend ko siya?

Girlfriend niya na ako?

Shit? Kami na?

Suminghap ako at tumuwid sa pagkakatayo. I don't know what to react. Parang kailan lang na inaaaway ko siya, magkaaway kami. Inaasar niya ako, parang lahat ng 'yon ay last week lang.

Nawala na ako sa pag- iisip nang matanaw ko siya na tinutuon ang parehong braso sa lupa, naka dapa siya at ginawang suporta ang mga braso at paa.

I couldn't take my eyes off him when he started lifting his body up from the bermuda. Mabagal ang kaniyag pag galaw ngunit pabilis 'yon ng pabilis.

THE WILD'S DEEPEST AFFECTION (BURNING LOVE SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon