Simula

2 0 0
                                    

"Kailan man ay hindi ako makikipagisang dibdib sa lalaking ni hindi ko man lamang nasisilaya't nakakapalagayan! Ama huwag niyo na ho akong pilitin pa pagkat buo na ang aking desisyon!"

"Nagmamahalan ho kaming dalawa ni Rafael!"

"Walang magagawa ang pagmamahal na iyan Valentina. Hindi ka mabubuhay dahil lamang sa pagmamahal! Wag mong sayangin ang iyong puri at danggal para lamang sa isang hamak na hampaslupa!"

Unti unting umatras ang dalaga dahilan upang maalerto ang mga guardia. Isang atras na lamang ay tuluyan na itong mahuhulog sa bangin.

"Kung gayon, hindi ka ba natatakot sa kahahantungan ng iyong iniibig?"

Agad na itinapon sa harap ang lalaking sugatan at puro pasa ang mukha. Itinutok ng matandang lalaki ang dalang itak sa leeg ng lalaki.

"Hindi kami natatakot na mamatay pagkat kapiling namin ang isa't isa sa langin man o sa lupa!"  Sigaw ng lalaki kung kaya't sa inis ng matanda ay agad niyang tinaga ang lalaki.

Kasabay nito ang pagpapatinaod ng babae sa mataas na bangin. Handa siyang mamatay makasama lamang ng kaniyang minamahal.

"Valentina!"

"Aking anak!"

Agad akong napabangon mula sa aking pagkakahiga. Tagaktak ang pawis at hingal na hingal.

Isa lamang palang panaginip. Ngunit bakit ako naroroon?

Napatingin ako sa aking cellphone. SHIT 8:30 na!

Nakalimutan ko duty pala ako ngayon upang ayusin ang system ng machine na ginagawa namin.

"Hi Zakierra! Bakit late ka? Kanina pa ako nauubusan ng palusot kay boss!"

Damn bakit kasi hindi ako nagising nang maaga!

Kumatok muna ako sa pinto bago pumasok sa office ng boss ko. Nagtratrabaho ako sa isang Technology Creation Company at isang masungit pero machong lalaki ang nagmamayari ng kompanyang ito. Kilala ang ZeroTech sa Pilipinas lalo na sa iba't ibang invention ng mga robots and appliances. At ngayon may project kami which is the time travel machine.

"Hello po Mr. Suarez, Inventor Sanchez reporting!" I tried to smile para naman maging good mood tong down to earth naming boss.

"Late ka na nga masaya ka pa?" Nawala ang ngiti ko, I forgot to tell how annoying he is. Napaka jerk kung hindi lang siya boss dito ay matagal ko na siyang naninja kick!

"Sir hindi ho ba kayo naniniwala sa kasabihang "it's better to be late than never?" Taas noo kong sagot. Unti- unti namang gumalaw ang swivel chair at pumihit paharap.

"I don't fucking care sa kasabihan mo Sanchez, magtrabaho ka na bago pa ako mainis sa iyo"
tsk inirapan ko lamang siya bago ako pumasok sa invention room kung saan nakalatag ang mga computers na kailangan for creating the machine's system.

Habang abala ako sa computer ay may nag lapag ng pizza at coffee sa gilid ko.

"Sino ba yan paki alis muna yan dahil busy ako lintek naman oh!" Irita akong lumingon sa lalaking naglapag ng pagkain at laking gulat ko matapos makita kung sino iyon.

"Bunganga mo Sanchez! Kumain ka na muna, ayokong maapektohan ang project dahil lang sa bituka mong gutom" napangiti naman ako. Puro kasi palusot, hindi pa siya umamin na type niya ako tsk.

"Napaka dami mong palusot sir, if I know crush mo ako at concern ka sa akin" Natatawa naman ako sa mukha niya dahil hindi na ito mapinta.

"Wag assuming Ms. Sanchez, the food are for everyone look"  napabaling ako sa glass wall kung saan makikitang kumakain ang lahat ng pizza at coffee.

"Infact sayo lang ang isa" bumelat pa siya bago umalis kaya super nabadtrip ako.

Bwisit talaga yang monsterSuarez na yan!

After 3 hrs natapos ko narin ang system.
Masaya ang team dahil malapit nang matapos ang higit 2 years project namin.

"Next week siguro ang magiging first trial ng time travel machine. We need some volunteers!" Napahinto naman ako sa sinabi ni Mark.

"Zakierra wanna try? Since ikaw naman talag may pinakamalaking ambag sa paggawa ng machine na ito." Sumangayon din ang iba sa kaniyang sinabi.

"U-h pagiisipan ko, natatakot ako baka mabawasan ang beauty ko" tumawa naman sila tsk palagi nalang nila ako pinagkakaisahan.

"It's dangerous for a lady to volunteer lalo na't first trial to. Ako nalang" lahat sila nagulat nang magsalita si Mr. Suarez

Naghiyawan naman sila. For sure ipipilit nanaman nila akong iship dito sa boss kong ubod ng sungit.

"Tumigil nga kayo" iritado kong saway dahil tinutukso na kami ni sir.

Ang totoo niyan ay nagkaroon kami ng past issues ni sir.

Binusted ko siya noong high school kami. That's why super inis siya sa akin.
Gwapo naman siya kaso noong time na yon wala pa akong balak sa ganoong bagay and his confession was too public kaya super yung kahihiyan na natanggap niya. Alam ng mga tauhan niya dito na  nabusted siya dati and nalaman nila na it was me when I applied here in ZeroTech. Narinig ng lahat na idinamay niya ang past issue namin sa reason kung bakit ayaw niya akong tanggapin so i made a deal. If I successfully launched a project, he will hire me as full time inventor. The contract is only valid for 3 years and I was hoping that I can continue to work for ZeroTech.

Gabi na nang makauwi ako sa bahay. Malakas ang ulan kung kaya't dumeretso na ako sa akin kwarto.

I closed my eyes and started to sleep.

"K-kasal?!" Natulala ang babae at tila naiiyak.

"Wala ka nang magagawa pa, Darating na ang iyong mapapangasawa!" Unti unting napaupo ang babae at nanghihina. Ano na lamang ang kaniyang gagawin?

Tumayo ang babae at pinakalma ang sarili.

"Señor Naririto na ho si Donya Luningning at Don Ibasco kasama ang kanilang Unico Hijo na si Señorito Pedro" ani ng isang tagapagsilbi.

Nang makapasok ang pamilya Suarez ay agad na nagulantang ang dalaga.

"I-ikaw?!"

Umalingawngaw ang ingay mula sa kaniyang Alarm clock kung kayat nagising ang kaniyang diwa.

"Panaginip lang pala" wika ko habang hawak ang aking dibdib na tila sasabog na sa lakas ng tibok.

Hanggang sa panaginip ba naman naririto ka parin Peter?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love beyond timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon