Nagising ako ng maaga para mag-ayos ng sarili. Excited na ako. Susunduin daw ako ni sj dito sa bahay!! :D At dahil doon hindi ako nakatulog ng maaga kagabi. Eto na yun. Sana maging close kami.
Abot langit ang ngiti ko until I receive a text msg.
sj <3
Charm, sorry pero di kita masusundo ngayon ah? May emergency kasi eh. Sorry talaga. Babawi na lang ako.
at dahil doon nawala ang ngiti sa mga labi ko. Akala ko kasi haaaaaaaays EXPECTATIONS KILLS nga talaga okay lang yan charm may susunod pa naman diba? tsaka sabi niya naman babawi siya e. Hays! ayan ka na naman umaasa ka na naman.
Nakakawala ng ganang pumasok. Kaya late na akong papasok ngayon. Ihahatid naman ako ni manong
7:00am dapat nasa school na ako pero dahil gusto ko magpalate edi umalis alis ako mg eksaktong 7 ng umaga. 15 minutes ang biyahe mula sa bahay papuntang school. Tutal wala naman akong kasabay ngayon dahil nga si dianne ay galit sakin.
Pagdating ko sa harap ng gate ng school makita ko yung kotse ni sj na huminto sa harap ng school. Bumababa siya pero ginagulat ko ng kasunod niyang bumaba si Danica. Parang may kutsilyong tumusok sa puso ko. eto pala yung emergency na sinasabi niya. huuuy charm!! Kayo ba para masaktan ka? hay nako charm.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ngunit hindi ko maiwasan na di siya tignan at dahil doon nagkasalubong ang mga mata namin. Agad naman akong umiwas ng tingin.
Dahil sa late ako. Hindi na ako nakapasok sa first subject namin. Ganito kasi sa school namin once na late ka next subject ka na pwedeng pumasok.
Nagstay na lang ako sa canteen. Ako na LONER. Madami rin namang late. wala nga lang akong makausap tulad ng ginagawa ng nasa harapan ko. Si Sj at Danica. Mukhang masaya pa nga silang naguusap eh.
Nkatitig lang ako sa kanila ng biglang tumingin sa diretsyon ko si Sj syempre umiwas na naman ako ng tingin.
"Charm!" Si Andrew pala.
"O' Andrew, Late ka din?"
"Oo eh. Nakakainis nga eh.. pero noong nakita kita na nandito rin.. parang okay lang :)" sabi niya.
"Andrew, Alam mo naman na--"
"Oo, Alam ko naman na hindi ka pa pwede mag boyfriend pero yung totoo ayaw mo kasi yung gusto mong maging boyfriend.. Ayun oh" sabay tingin kila sj.
"Paano mo nalaman na--" At hindi na naman niya ako pinatapos sa sasabihin ko.
"May nakapagsabi sa akin na crush mo siya.. pero di ko yun pinakinggan.. kasi gusto kita charm.. pero totoo pala talaga yung sabi-sabi.."
"andrew.." Yumuko na lang ako. Hindi ko naman intensyon na saktan siya eh. O umasa never ko yun naisip na gawin sa kahit sino pero hindi ko sinasadyang may nasasaktan na pala ako. Kung pwede lang turuan ang puso gagawin ko.
"Okay lang charm.. Kahit di mo ako mahalin pabalik basta ang gusto ko lang hayaan mo akong..
Mahalin ka" Sabi niya.
"Unfair naman sayo yun andrew.."
"Sabi nila ang totoong nagmamahal hindi humingi ng kahit anong bagay pabalik. Kaya hayaan mo na ako Charm.. Basta Friends pa din tayo ah? Walang magbabago.."
"Oo naman!" Hindi ko na napigilan yung sarili ko at nayakap ko siya. Ewan ko ba. Parang yun na lang kasi yung pwede kng gawin para icomfort siya. Para mabawasan man lang yung sakit.. ako yung dahilan.. Kumawala na ako sa pagkakayakap namin. Nang makita ko si Dianne na nakatayo at nakatingin sa di kalayuan.. Tumakbo siya at agad ko naman siyang sinundan. Dumiretsyo siya sa Comfort room.
Knock~ Knock~
"Dianne! Let me explain please..."
"Wag mo muna akong kausapin Charm!"
"Pero Dianne? Mali naman kasi yung inaakala mo eh!" tapos lumabas na siya sa isang cubicle dito sa c.r.
"So, Ano pala yung nakita ko? Charm naman alam mo naman gusto siya diba?"
"Alam ko yun dianne eh. Kaya nga nireject ko siya eh."
"E bakit kayo magkayakap?"
"Gusto ko kasi siyang icomfort.." tapos yumuko na lang ako. "Kasi nasaktan ko siya.. Kaya Sorry na dianne oh? Wag ka na magalit sa akin"
Niyakap niya ako. "S-sorry din Charm" Kumawala ako sa yakap at tinignan siya. Umiiyak na siya.
"Tahan na dianne. okay lang yun.." At tumigil rin naman siya agad.
"Sorry talaga Charm. Hindi dapat ako nagreact ng ganun. Di mo naman kasalanan kung bakit ikaw yung gusto ng taong gusto ko eh..."
"Shhhhhhhh.. Tama na, Alam mo naman na kahit manligaw sa akin si Andrew di ko siya sasagutin diba? Kasi may iba na akong gusto.."
"Ang sakit lang kasi Charm na sa dinami dami ng pwedeng magustuhan ng Andrew...
Ikaw pa.
Bestfriend ko pa.."
"Dianne.." Natamaan ako sa sinabi niya. Ang sakit siguro talaga ng nararamdaman niya ngayon.
"Pero wag ka mag-alala hindi naman ako galit sayo eh..." Niyakap ko na lang siya. Yung mahigpit na mahigpit.
"Tara na room. Tapos na yung first subject" At bumalik na nga kami sa canteen para kunin yung mga ba namin..
Uwian na.. Hindi daw muna kami pwedeng magsabay ni dianne ngayon kasi may pupuntahan pa daw siya. Kaya ako na naman uuwi mag-isa.. Hay nakoo.
Pauwi na ako ng may tumawag sa akin "Charm!" Nilingon ko at nakita ko si
Sj :"> Tumatakbo papunta sa kinatatayuan ko.
"Charm, Sorry kung hindi kita nasundo kanina ah? Tumawag kasi sa akin yug mommy ni Danica. Hindi daw siya papasok kung hindi daw ako yung magsusundo sa kanya kaya--" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.
"Bakit ka ba nag-eexplain. Okay lang yun." Tumalikod na ako. Charm ano ba ginagawa mo? Nageexplain na nga yung tao susungitan mo pa. Ano ba? Si SJ yun oh!
Patuloy lang ako sa paglalakad ng hinila niya ang braso ko ng dahilan ng pagharap ko sa kanya.
"Basta bukas susunduin kita. Promise!" At tumakbo na siya papalayo.
----------------------------------------
Vote
Comment
Fan
Thank you :*
BINABASA MO ANG
If You and Me
Teen FictionLahat naman siguro tayo may CRUSH Diba? :)) Hindi pwedeng wala ! hindi ako na niniwalang wala haha ! Madalas crush mo yung isang tao dahil Gwapo/Maganda. Yung iba naman dahil daw sa ugali, sa talent lalo na sa mga boys/girls na magaling sumayaw, kum...