Hello! This is my first story. Sana ma-enjoy niyo! :D
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
CHAPTER 1
***Ria's POV***
"Ria, I love you.."
"Oh, Caleb!"
He's leaning for a kiss. I closed my eyes... as his faced inched...
*TOK! TOK! TOK!
"RIA! May balak ka pa bang pumasok?!"
*BLAG!
Araaaaaaaaay! Ang sakit! Nalalag nanaman ako sa kama. Tsss. Panaginip pala. >.< Asan na ba yung salamin ko? Kinapa ko iyon sa desk na katabi ng kama ko. Anong oras na ba? HALA! 6:41am na pala!
Dali dali kong binuksan ko ang pintuan.
"Caleb, sorry, I... I..."
"Hindi ako alarm clock, Ria ah. This is the first and last time na gigisingin kita."
"Uhmm, Okay. Sorry talaga."
Hay, ang napaka sungit talaga. Si Caleb Ethan Gomez nga pala. Fiance ko. Ipinagkasundo kasi kami ng grandparents namin. We live together pero separate rooms. Pero we have our choices naman. After 3 years, if hindi talaga nag work ang relationship namin, pwede kaming hindi ikasal and go our separate ways. Pumayag lang naman siya kasi nagpupumilit yung parents niya.
Pumayag ako dahil nung elementary palang kami, Crush na crush ko na talaga siya. Sino ba namang hindi mahuhulog sa napakatalino at gwapong lalaking ito? Brown ang buhok niya. Matangkad, maputi at katamtaman ang katawan. Napaka ganda nang mata niya. Light brown.
Kahit na medyo umaasa parin ako, alam kong malabo na mangyayari ang kasal na yan kasi ayaw na ayaw na ayaw na ayaw ako ni Caleb. Ang OA ko ba? Hindi ah. Nung nalaman niyang Fiance niya ako, sinabi niya mismo sa mukha kong ayaw talaga niya talaga ako. Ang plain looking ko daw at never niyang magugustuhan ang isang tulad ko.
*7:14 am
"Ria, magusap muna tayo." sabi ni Caleb.
"Anong paguusapan natin?"
Magtatransfer ka sa school ko ngayon pero walang dapat makaalam na Fiance kita. Huwag mo akong kakausapin, huwag mo akong lalapitan. Maliwanag ba?"
"o..Oo..." Ahh, kinahihiya niya ako. Parang gusto ko maiyak pero, first ko ngayon. Smile lang. :)
"Mauna na ako. Hindi tayo magsasabay papasok. Ihahatid muna ako ng Driver."
Umiling nalang ako. haay..
Naglakad nalang ako papuntang school.
Natanaw ko na ang school.
Eto na! My First day at Easton High!
Ahh, I forgot to introduce myself. Ako nga pala si Alexandria Blythe Martin. 'Ria' for short.
*Student's Assembly
Naku naman! Late ako! First day na first day! At syempre, dahil transferee ako, wala akong kaalam alam dito. Kaya nagtanong ako dun sa apat na estudyante na papasok sana sa Meeting Hall.
"Uhmm.. excuse me.." Humarap sila. Isang babaeng napakaganda. mukhang model. At apat na napakagwapong mga lalaki.
WAIT. Si Caleb! Ano ba yan! Kabilin bilinan niya, huwag ko siyang kakausapin. First day na first day, palpak nanaman ako. Patay ako niyan pag dating sa bahay.
BINABASA MO ANG
My Secret Fiance
Teen FictionAng lalaking mahal mo, hindi ka mahal. Matitiis mo bang tumira sa isang bubong kahit alam mong masasaktan ka lang? Tatlong taon magsasama si Ria at Caleb sa isang bubong dahil ipinagkasundo sila nang kanilang mga lolo. Mahal ni Ria si Caleb ngunit w...