Sa cinehan

1.1K 0 0
                                    

Sa mga cinehan ay madilim..ang tanging liwanag lang na makikita ay nagmumula sa liwanag mula sa mismong big screen at liwanag na sign na 'fire exit' at 'exit' at liwanag na nasa mga hagdan...

Ang karaniwang oras ng mga sine ay 2 hours..mahaba na ang 3-4 hours..at maikli ang 1 hour at 30 minutes...

Sa cinehan..tabi tabi ang mga upuan..magkakadikit at may lalagyan ng inumin..

~

*third person's POV*

Isang pangkaraniwang filipinang may hawak na Gong Cha ice cream milk tea w/ pearls na medium sized ang naglalakad kasama ang kanyang mga kapatid at ina papunta sa cinema 7 upang manuod ng Sisterakas sa araw na iyon...

Lima hanggang sampung minuto na lamang ang natitira bago mag-umpisa ang sine nang pumasok ang mag-iina..Sa umpisa ay nahirapan silang humanap nang mauupuan dahil marami nang tao at mag-uumpisa na ang sine..Ngunit nakahanap din sila..

Naunang maglakad at pumunta sa nahanap na mauupuan ang dalaga..ang nakita nyang kanyang makakatabi ay isang lalaki..hindi sya sigurado kung ilang taon..

Nag-iwan sya ng isang upuang-pagitan at umupo..pinapakita palang ang mga commercial kaya ngumuya muna sya ng popcorn at uminom ng kanyang milk tea..

Napansin nyang umusog paaharap ang lalaking nasa tabi ng bakanteng upuang kanyang iniwan at ito'y napatingin sa kanya sandali..napansin ito ng dalaga dahil sa kanyang peripheral vission ngunit hindi nya nalang pinansin pagkat malay nya kung saan talaga ito tumingin..

Nagsimula na ang sine..ang dalaga ay tuwang-tuwa at tawa ng tawa ngunit minsan ay pinipigilan ito o kaya'y tinatakpan ang bibig habang tumatawa pagkat sya ay nako- conscious sa binatang pasulyap-sulyap sa kanya kaya sya'y nawiwirdohan na dito..Kaya tuloy hindi sya makanuod ng matino..

"Ako na nga!" ani ng binata

Biglang tumayo ang binata at dumaan sa kanyang harap kaya itinaas nya ang kanyang mga paa..Ito'y lumabas ng sinehan..Ang dalaga'y bumalik sa panood at sa pagtawa..makalipas ang ilang minuto, bumalik ang binata at dumaan muli sa harapan ng dalaga kay itinaas nanaman ng dalaga ang kanyang mga paa..Ang binata'y may hawak na dalawang bote ng tubig..

Uminom ang dalaga ng kanyang milk tea at ngumunguya ng mga pearls nasa loob ng milk tea...Napansin nyang uminom din ang binata ng kanyang biniling tubig at pasulyap-sulayap sa kanya..ngunit sa pangalawang pagkakataon, hindi nya ito pinansin at nanood lamang..

Makalipas ang ilang sandali, tumayo muli ang binata at dumaan sa kanyang harapan..kaya itinaas nyang muli ang kanyang mga paa upang makadaan ito..Pagkabalik ng binata, dumaan muli ito sa harapan ng dalaga..kaya itinaas nanaman ng dalaga ang kanyang mga paa..At sa pagkakataong iyon, medyo nainis na ang dalaga pagkat ang binata'y daan ng daan kaya nang makaupo ang binata, tumingin sa kanya ang dalaga..Dahil madilim sa sinehan, hindi makita ng dalaga ang mukha at kulay ng suot na damit nang binata..

Lumipas nanaman ang oras..naiihi ang dalaga dahil siguro sa kanyang iniinom na milk tea..Nagpaalam sya sa kanyang ina at bumaba ng hagdan nang tumatakbo kaya napa-sobra sya ng baba at ang pintong malaipit sa kanya ay may nakasulat na Fire Exit..Nakaramdam sya ng konting hiya at umakyat muli ng hagdan at dumeretso na sa palikuran..

Pagkabalik ng dalaga sa kanyang upuan, napansin nyang napatingin nanaman ang binata sa kanya..inisip nya nalang na napatingin ito dahil ito'y naistorbo sa panunuod..

45 minuto nalang ang nalalabi at napansin ng dalaga na ang elbow ng binata ay nakapatong sa divider ng mga upuan, ang mga daliri ay nakapuwesto ng letrang 'E' na para bang nagsa-sign language..at nakasulyap sa kanya..Sa pagkakataong iyon, medyo nainis na talaga ang dalaga kaya ginaya nya ang puwesto ng kamay ng binata upang maitago ng onti ang mukha at ito'y bumalik sa panunuod ng sine..

Ang katabing lalaki ng binata na mukhang kapatid nya ay biglang tumayo..kaya biglang nagsilata ang binata..

"Oy, saan ka pupunta?" ani ng binata

"Sa cr" sabi ng kapatid

"Sama!" sabi muli ng binata

Dumaan sa pangatlong pagkakataon ang binata at sa pagkakataong iyon, kasama na ang kanyang kapatid..Hindi ito pinansin ng dalaga..

Habang nanunuod, biglang gumagalaw ang siyang nasa pagitan ng dalaga't binata, nagtaka ang dalawa at nagkatinginan..Unang umiwas ng tingin ang dalaga at tumingin sa nakaupo sa kanilang likuran na syang ginawa din ng binata..

Pagbalik sa panunuod, tawa uli ng tawa ang dalawa..

~

Pagkatapos ng sine..naka-upo pa din ang dalaga kahit tumayo na ang kanyang mga kapatid at ina..sa kabilang dako naman, naka-upo pa din ang binata kahit nakatayo na din ang kanyang mga kamag-anak..

"Anak! Let's go" ani ng ina ng dalaga

Nawala ang pagkatulala ng dalaga sa screen at napatayo at dumaan sa kanang bahagi ng sinehan habang ang binata naman ay dumaan sa kaliwang bahagi ng sinehan..

Pagkalabas ng dalaga sa pintuan ay tumayo muna sya sa harap ng cinema 7 habang hinihintay ang kanyang ina at mga kapatid na nasa cr..may naka-pulang binatang lumabas sa pintuang kabaliktaran ng nilabasan ng dalaga at ito'y napatingin sa kanya..

Biglang dumating na ang kanyang mga kapatid at ina kaya sila'y umalis na...

~

nasa-isip ng Dalaga: Ang weird nung lalaki...first time 'tong nangyari sa akin xDD dahil sa kanya, hindi ako naka-concentrate sa pinanuod ko..hayyy..pero nakakatuwa din yun, ang weird nya HAHA..makatingin amp :) Naiisip ko tuloy sya :3

*walang nakakaalam ng laman ng utak ng binata..kung may gusto ba sya sa dalaga o na love at first sight lang talaga xD at kung makadaana at makatingin..baka dahil gusto nya lamang makuha ang atensyon ng dalaga..? walang may alam kundi ang binata mismo..

Hindi na muling nagkita at nag krus ng landas ng binata at dalagang iyon sa mall na iyon ngunit naiisip-isip pa din paminsan-minsan ang isa't-isa at hindi malilimutang eksena SA CINEHAN.....

**THE END**

~

Yay! Natapos ko din :D Salamat po sa pagbabasa! At pasensya na, first timer pa ako sa pagsusulat, hindi ako expert xD Inspired lang magsulat :) haha

vote, comment, become a fan, usap tayo xDD haha

SALAMAT <3

Sa cinehanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon