"Rise and shine!Ohh,rise and shine..." isang malakas na pagkanta ang gumising sakin at ang pagtama ng sinag ng araw sa mga mata ko.
Binubuksan na ni Hazel ang mga kurtina habang kumakanta ng magmulat ako ng mga mata.Ng matapos siya sa ginagawa niya ay nakangiti siyang sumandal sa bintana at humarap sakin.
"Ang aga aga,Hazel!" angil ko at kinuha ko ang unan upang itakip sa mukha ko at pumikit muli.
"Same reaction,sis!" aniya. "Anyways,wala naman tayong choice.Kaya ikaw bumangon ka na rin diyan at maligo na.Ako tapos na." agad ko namang inalis ang unan sa mukha ko upang tignan ang itsura niya.
Mukha ngang nakaligo na siya dahil bagsak at halatang binasa ang buhok niyang patuyo na.Naka casual attire nadin siya at ngayon ko lang naamoy ang pabango niya.
"Ang aga mo naman lumandi?"
"Gaga!" angil niya.Agad naman akong nagbigay ng nagpapaumanhing tingin. "May lakad tayo ngayon sabi ni Tito Jade."
"Kasama si Tita Beth?" tanong ko dahil parang hindi ko siya nakikita netong mga nakaraan.
Nagkibit balikat siya. "Hindi ko rin alam.Natanong ko nga yan kay Tito Jade kagabi eh..." pagk-kwento niya.
Umayos naman ako ng upo upang abutin ang pitsel at baso ng tubig upang uminom. "Oh?Asan daw si Tita Beth?" tanong ko.
"Nagbakasyon daw?" kibit balikat na ani Hazel. "Ewan ko kung saan, ang sabi lang ni Tito na may sumundo sakanya dito na mga babae." bumuntong hininga si Hazel. "Buhay dalaga..."
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sakanya kaya't lumapit nalang ako upang abutan rin siya ng tubig. "Oh...antayin mo ko.Maliligo at magaasikaso lang ako at magbubuhay dalaga rin tayo" ani ko habang nakangiti.Ngumiti rin siya.
Naligo ako at nagbihis.I went on a casual attire.Pants and a shirt paired with white sneakers.I grabbed my leather jacket and wear my shades.Pagkababa ko ay dumiretso na ako agad sa labas at nakita kong nagaantay na si Hazel sakin sa sasakyan.
"Sports car?..." ani ko habang papalapit sa kotse.Hindi ako umimik hanggang sa lumabas ng bahay si Tito Jade.Tinignan ko siya na parang nagtataka.
"We have a race today." pahayag niya.
"Huh?" I asked, still not yet enlightened.
"Don't worry, it's just a piece of cake." aniya at naglakad papunta sa sasakyan niya.Bago pa siya makapasok sa sasakyan niya ay huminto siya at lumingon sa amin. "Before I forgot...may makakasama kayo." at pumasok na siya ng sasakyan.
Nagkatinginan kami ni Hazel. "Hindi naman sila yun diba?" tanong ni Hazel.Nagkibit balikat nalang din ako.
Naalala ko nanaman ang eksena namin ni Hazel kagabi.Alam kong kahit hindi niya sabihin ay siguradong papanoorin na niya at papansinin ang mga kilos at magiging kilos ni Blake sakin lalo na sa sinabi ko kagabi sakanya.I just hope that Blake won't flirt with me again.
Si Hazel ang nagdrive dahil wala pa ako sa huwisyo.Ni hindi ko nga alam na sasabak ako sa karera ngayong araw.Ang tagal narin nung huli ko.Kung meron man ay hindi ganitong involved pa si Tito.Mga katuwaan lang ng mga kakilala sa karera na gustong makipag pustahan ang mga sinasabakan ko.Ng may mangyaring isang malaking insidente ay hindi na muna ako sumabak sa malalaking karera.Kapag kasama si Tito,alam naming seryoso at malaki ang kalaban namin.
Sinundan ni Hazel ang sasakyan ni Tito dahil hindi naman namin alam kung saan.Ng huminto ang sasakyan ay tsaka palang ako nagmulat ng mata mula sa pagidlip.Sinuot ko ang jacket ko pati narin ang shades ko bago ako bumaba ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
45 Calibre
RandomShe's living, and it feels like she's in debt. Blind by an owe, she does dirty work. It's giving it all in like she already forgot who she really is or what she's not. (c)Pinterest(story cover)