PROMOTE! PROMOTE! PROMOTE!
Note: Pure Fiction
SB19 Series 1: Still Her(SB19 Josh)
SB19 Series 2: Soon
SB19 Series 3: Soon
SB19 Series 4: Soon
SB19 Series 5: Soon❗WARNING❗
- Pure Fiction
- Mature Content
- Strong words/bad words
- Unedited expect typographical and grammatical errors
- No to plagiarism____________________________________
___________________________Prologue:
"Fake it until you make it." Sabi ko sa harap ng aming pinakamamahal na tagahanga. "Try mong magpretend na kaya mo, kahit hindi naman talaga, hanggang sa kaya mo na." Patuloy ko saka ngumiti sa kanila.
Matagal ko na itong ginagawa. Ang magpretend na okay lang, hanggang sa okay na talaga ako.
Pero, ang mag pretend na nakalimutan ko na siya? Hanggang ngayon nagprepretend padin ako.
Dahil kahit anong peke ko, kahit anong pagpapanggap ko, I still love her.
"Hugot na hugot ah, broken ka ba?" Sabi ni Stell saka tumawa.
Tapos na ang concert namin at nandito na kami sa backstage, naghahanda nang umalis sa venue.
"Tsk! Oo, may problema ba don?" Sagot ko sa kanya pero tumawa lang ulit siya. Kasiyahan niya ako.
"Paano kung makita mo siya ulit, anong gagawin mo?" Tanong niya bigla kaya napatingin ako sa kanya.
Matagal akong natahimik. Hindi ko naman kasi iniisip na magkikita pa kami. Ibang path na 'yong tinatahak namin pareho. Siguro naman hindi ganon ka liit ang mundo para magkita pa kami. Siguro nakikita niya ako? Pero alam ko naman na wala na siyang pakealam sa 'kin. Kaya nga sinusubukan kong kalimutan na rin siya, dahil iyon naman ang gusto niya.
"E 'di makita. Ibig sabihin lang 'non may mata ako." Sagot ko dahilan para taasan niya ako ng kilay kaya natawa ako at napailing nalang.
Nang matapos naming mag-ayos ng gamit ay sumakay na kami sa service na van namin at bumalik sa bahay na tinitirahan naming magkakagrupo para makapagpahinga na rin.
Kinabukasan, medyo late na ako nagising dahil na rin siguro sa pagod.
Nagpaalam muna ako sa kanila dahil pupunta akong gym para mag work out.
Nasa tapat lang naman ng bahay namin 'yong gym kaya madali lang akong nakarating doon.
Pagkabukas ko ng pinto ng gym ay napatigil at napatulala nalang ako sa babaeng kaharap ko ngayon.
Nakatingin lang din siya sa 'kin ng blangko. Napalunok ako at umiwas ng tingin.
Okay na eh, handa na akong kalimutan siya, pero bakit naman kailangang makita ko pa siya ulit?
_________________________
- aly♡
BINABASA MO ANG
SB19 jdd | Because of You 2✔
Fanfiction[COMPLETED] "Sinabi ko sa'yo noon ang pangarap ko, Shaila. Ang magkaroon ng simpleng pamilya na kasama ka. Pero ikaw mismo ang sumira sa pangarap ko na iyon noong iniwan mo ako." - Justin --- Cover by: @ichiro_