"Anong ginagawa mo ditong budol-budol ka? Aba't sabi ko na nga ba tama ang hinala ko. Rumaraket kapa dito sa mall---." Hindi natapos ni Sandy ang sinasabi ng biglang humagalpak nang tawa ang magkasintahang Christine at Alvin sa binanggit nya na ipinagtaka nya kaya nilingon nya ito."Budol-budol? hahaha grabe." Bigkas ni Christine. Hindi ito matigil sa kakatawa, samantalang si Alvin naman ay huminto na ngunit mababakasan ang kanyang mukha na nagpipigil lamang ng tawa.
Samantalang ang kaninang sobrang lawak na ngiti ng binatang si Aaron ay uni-unting napalis at napalitan ng nakalabing nguso at pagsimangot nito. Hindi nakaligtas sa dalaga ang pagbabagong anyo ng mukha ng huli. She found him cute, yun ang kanyang naisip ngunit budol-budol ito.
"Sands, he's my cousin." Saad ng malapit ng ikasal na si Alvin na mahahalata pa rin ang pagpipigil ng tawa. Mababakas sa mukha ng dalaga ang pagkagulat at pagkahiya sa narinig mula sa kaibigan.
Bigla namang napatingin sila Alvin at Christine sa biglang pagtayo ng binatang si Aaron maliban kay Sandy na kanina pang nakatingin sa inaakalang budol-budol.
"I want to introduce myself again to you, miss Sandy." Tumikhim pa ang huli na para mapukaw ang atensyon ng dalagang animo'y natulala sa sobrang titig sa binata. Pagkatapos ay inilahad ang kanang kamay sa harap ni Sandy.
"I'm Aaron Montillon, cousin of Alvin Montillon." Nahihiya man ay inabot parin ni Sandy ang kamay nang binata na nag-aantay sa pakikipagkamay sakanya. Sa loob loob naman ni Aaron ay sobrang lawak na nang kanyang ngiti dahil hindi nya inaasahan na tatanggapin ng dalaga ang pakikipagkamay nya rito. Ang nasa isip nya ay tatarayan lamang sya nito gaya nang huli nitong ginawa sakanya.
Sa kabilang banda, ang dalawang magkasintahan ay animo'y libang na libang sa kanilang nakikita. Hindi mapawi ang mga ngiti sa kanilang mga labi. Lingid sa kanilang kaalaman ang biglang naramdaman ng kaibigang si Sandy nang dumapo ang kamay nito sa kamay ni Aaron. Para bang nakuryente ito dahilan upang bitawan nya kaagad ang kamay ng binata sa paraang hindi nito mapapansin ang pagbitaw agad.
"Pasensya sa pag-aakalang---" hindi natapos ni Sandy ang nais sabihin ng pigilan sya nang binata.
"Wala 'yon, basta't sa susunod ay h'wag ka masyadong judgemental." Seryosong saad ng binata sa dalaga.
"Malay ko ba, baka mamaya kasi ay tama ang naisip ko at budol-budol ka nga, wala man sa itsura pero..." Hindi na tapos ni Sandy ang kanyang saasabihin dahil sa pagkapansin nyang umangat ang kanang kilay ni Aaron na para bang kulang nalang ay irapan sya nito sabay pitik ng buhok ng binata para masabing bakla ito. Natawa sya sa kanyang naisip.
"Hehe pasensya na." 'Yon nalang ang sinabi nya sa kaharap. Matapos ang kanilang salo salo sa tangghaling iyon ay sama-sama silang nagtungo sa Department store ng mall upang mamili. Ang dalawang lalaki ay nasa kanilang likuran na ani mo'y mga body guard nila at ang parehong babae ay busy sa pagtingin tingin ng maaring bilhin.
"What do you think about him?" Natigilan si Sandy sa pagtingin ng mga junk foods at takang napalingon sa kaibigan na ngayon ay sobrang lapit na sakanya ani mo'y nakikipag tsismisan.
"Who?" Takang tanong ni Sandy sa kaibigan sabay balik ng atensyon sa mga pagkaing nasa harap.
"Gosh, Sand. Of course the cousin of my future husband." Nilingon nya ulit ang kaibigan dahil sa sinagot nito.
"Ang dami mong sinabi, just state the name, duhh." Kunwari'y pinitik nya pa ang kanyang buhok. "I think he's good... he's good in--- ouch, why did you do that?" Asar na tanong ni Sandy kay Christine matapos sya nitong kurutin sa beywang with matching pandidilat pa.
"Anong pinagsasabi?" Nakakalokong tinapunan sya nito ng tingin. "Ikaw, anong iniisip mo? Patapusin mo muna kasi ako." Inambaan ni Sandy ang kaibigan kunwari'y kukurutin din ito dahilan para lumayo ng kaunti si Christine.
"What I am saying is he's good on staring at me. Look at him, kanina pa sya tingin ng tingin. Mali nga yata ang pag aakala kong isa syang budol-budol dahil isa syang manyak." Saad ng dalaga. Natawa naman ang kaibigan ng dalagang sabihin 'yon. Totoo ang sinabi nya sa kaibigan, kahit pa nasa likod nila ito ay batid nyang kanina pa sya nito tinitignan. Malakas ang pakiramdam nya pagdating sa mga ganoong sitwasyon.
Matapos mamili ng magkakaibigan ay nag desisyon na silang umuwi. May kanya-kanyang dala ng sasakyan ang kanyang mga kasama bukod kay Christine na sa sasakyan ng nobyo sumabay. Sa isip-isip sana pala ay dinala nya ang kanyang kotse, kung hindi lamang sya inaantok kanina.
"Sand, hindi mo ba dala ang kotse mo?" Tanong sakanya ni Alvin.
"Hindi eh, nag taxi lang ako kanina." Saad nya.
"Sumabay kana pauwi. H'wag kang magc-commute ng walang kasama delikado." Ani Alvin na seryosong nakatingin sakanya.
"H'wag na, nakakahiya naman sa inyo ni Christine kung sasabay pa ako sa inyo sa sasakyan." Mahihimigan sa boses ni Sandy ang hiya at ayaw makaistorbo sa dalawang magkasintahan.
"Sino bang nagsabi na sa'min ka sasabay? D'yan ka kay Aaron sasabay, ihahatid kana rin nya sa bahay mo, okay? Mag-ingat kayo." Pagkatapos sabihin iyon ni Alvin ay sumakay na ito sa sasakyan bago umandar ang kotse ay nagpaalam pa sakanya si Christine na sinuklian nya naman ng ngiti.