Kennth's Pov:
"Oh kaninong bahay to?" Tanong ko
Nang makababa ako sa motorsiklo.
Nilibot ko ang paningin ko sa malaki nilang bakuran. Parang palasyo ang laki ng bakuran nila. Ganda rin ng bahay. Pang sosyal ang dating. Naka trim yung mga halaman. Galing lang.
Nilingon ko si Luke ng hindi ako nito sagutin.
Naka sandal siya sa kanyang sasakyan at naka cross arm pa at ang sama ng tingin saakin.
Kaya napa taas ang kilay ko. At naka pamewang akong humarap sa kanya.
"Sino ka ba, at anong ginagawa mo don." Tanong niya sakin.
Hindi ko alam kong galit ba ito sakin. Pero ano daw?
"Huh.. Excuse me. Hindi ba dapat ako ang nag tatanong yan. Kong sino ka ba, at kong bakit ako dinukot ng mga lalaking yon." Pag tataray ko.
Kapal ng lalaking to. Kasalanan nya nga kong bakit ako dinukot, tapos siya pa may ganang magalit. Sarap lang batukan ng lalaking to.
"Aba malay ko bang pinag kamalan ka palang girlfriend ko. Kong alam lang nila, hindi isang tulad mo ang gusto ko. Tyaka bakit ka ba nila pinag hinalaang babae. Eh mukha ka namang lalaki. Bakla ka ba?" Saad nito.
Tyaka ako hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa. Doon ako kinabahan. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Ang sabi ni Tita, malayo akong makilalang lalaki. At mahirap nilang matukoy kong bakla ba talaga ako. Dahil physically mukha talaga akong babae. Maging ang buhok ko totoong mahaba. At ang boses ko hindi nαmαn huѕkч. Yung tipong babaeng babae ang boses ko.
Kaya imposibling mahalata niyang lalaki ako. Baka naman jino-joke lang ako ng lalaking to. Tama, biro lang yon.
"Hoy. Kapal mo ah. Sa itsura kong to, mukha ba akong lalaki. May lalaki bang ganito kahaba ang buhok. May lalaki bang ganito ka balingkinitan ang katawan. Huh." Saad ko.
Iwinasiwas ko pa ang buhok ko.
Naningkit lang ang mga nito.
"Tyaka wag mo akong husgahan na akala mo ikaw tong na dihado, dahil kong totoosin ikaw ang may kasalanan, kong bakit ako napunta don." Pag uulit ko.
Natawa ito ng mapakla. Tyaka nag salita.
"Ang kapal naman ng mukha mong tarayan ako ng ganyan. Ikaw na nga itong tinulungan, ikaw pa tong galit." Saad niya.
At tinitigan ako ng masama. Ako naman ngayon ang natawa.
"Dapat ba akong matuwa huh, baka nakakalimutan mong ikaw din ang dahilan kong bakit ako natamaan ng bala at na punta sa hospital ng dahil sayo." Saad ko habang naka taas ang kilay ko.
Tumayo ito ng tuwid.
"Kasalanan ko ba kong lumapit ka sakin." Saad pa niya.
Na talaga namang walang balak mag pa talo.
Pwes. Hindi ko siya uurongan.
"Gago ka ba. Syempre crew ako don. At customer ka. Kaya trabaho kong lapitan ka at tanungin kong anong kailangan mo." Sabi ko.
Natawa pa ako ng bahagya.
Siya naman ngayon ang natawa. Saka ito lumapit sakin ng dahan dahan, habang naka titig sakin ng mata sa mata.
Hindi ko alam kong anong gagawin ko. Basta naka titig lang din ako sa mga mata niya. Napapa lunok nalang ako ng laway habang papalapit siya saakin. Hindi ko nαmαn maalis ang mga titig ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
She's A Man
De Todoѕα mundσng αtíng kínαgαgαlαwαn αt mαgíng αng αtíng вuhαч, ítσ αч nαвαвαlσt ng kαѕíчαhαn αt mgα mαpαg pαnggαp nα mgα tασ. híndí pαrα mαg tαgσ dαhíl ѕα nαg kαѕαlα. kundí sa tαkσt. ѕα вαwαt αrαw nα nαg dαrααn mαч mgα вαgαч nα вαѕtα-вαѕtα nαlαng nαngчα...