Chapter 1- Mysterious Boy? or Girl?

56 1 0
                                    

-

Chapter 1

Sayang! Sayang siya! Ang gwapo niya eh. Bagay sa kagaya kong maganda. Akala ko, siya na ang knight in shining armor ko. Pero siya pala ay knight in shining shimmering splendid lips. Grabe! Mas bongga pa sa lips kong tuyo eh.

I am still standing here in the parking lot. Kaharap ko ang isang pinakagwapong nilalang... Err.. Pinakamaganda(?), I mean. Akala ko siya na ang soulmate kong matagal ko ng hinahanap simula kaninang umaga lang. Pero nawindang ang kagandahan ko nung nagsalita siya.

"Uhm.. Miss? You okay?" napatakip ako ng bibig. Ohmygandako.!

Bakit nung sumigaw siya kanina eh, parang lalaking lalaki yung boses niya. Parang kahit sa boses niya eh, malalaman mong maskulado siya. Pero ngayon?!

Seriously?!!!

Is he/she a gay.. or what?!

Nabalik ang ganda ko sa wisyo nung magsalita siya. "Uhm.. Girl? Natulala ka na jan?! What's wrong? May dumi ba ako sa muka?" maarteng sabi niya habang kinakapa ang muka niya.

Umiling ako. "Ah. Sorry. Salamat ulit sa pagtulong kanina. Kung hindi ka dumating, napahamak na sana ako." pagsasalita ko. Ngumiti siya kaya ngumiti rin ako.

Pero nawala ang ngiti niya nung may yumakap galing sa likod ko. "Babe, sino siya? Bakit ka nakikipag-usap sa kanya? Tsaka ano yung sinasabi mong kung hindi siya dumating, napahamak ka na sana? Tell me, Babe."

Nagulat ako, oo. Pero nung nagsalita yung yumakap sa'ken, kilala ko na kung sino 'to.

Akala ko ba galit siya? Tapos ano na naman 'tong ginagawa niya? Ang hirap niya talagang intindihin.

Magsasalita na sana ako kaso naunahan ako ni...ahmm.. Ano ba itatawag ko dito? Ahmm.. Hayys ewan. Basta siya yung nagligtas sa'ken.

"Ah sige. Una na ko. Bye, Anne." sabi niya na ikinagulat namin ni Ron sabay takbo.

D-Did he just call me Anne? My beautiful, precious second name na Anne. But.. No one called my beautiful, preciuos second name aside from my parents. Tsaka bakit ba ako nagi-english, eh ke hirap naman. Dugo ang maganda kong ilong nito eh.

Kumalas sa pagkakayakap si Ron sa likod ko at humarap siya sa'ken na nakakunot ang noo. "Oh. Problema mo? Di ba galit ka sa'ken? Tapos bigla bigla ka na lang mangyayakap. Lupet mo rin, hano?"

Imbis na sagutin niya yung tanong ko, iba ang sinagot niya. "Sino yun? Bakit tinawag ka niya na Anne? Tsaka ano yung narinig kong muntik ka nang mapahamak kundi lang siya dumating?" sinagot niya yung tanong ko ng tanong din. Galing pala. Tsk.

Pumunta na lang ako sa kotse ko at sumakay sa passenger seat. Nakita ko naman na sumunod si Ron at sumakay na rin.

"Huy Whitey. Sagutin mo na yung tanong ko. Ano na?" inis na sabi niya. Di ko pa rin siya pinansin.

Kanina lang galit siya sa'ken tapos ngayon kinukulit niya ko. Minsan di ko 'rin maintindihan 'tong kababata ko. Tss.

Tumingin ako sa kanya. "Ah yun ba? Siya lang naman ang aking Knight in shining armor at ang aking soon to be prince charming. Ang gwapo niya kaya.. Kaso..." napatigil ako at nahinto ang aking pagde-day dream nung narinig ko na naman sa utak ko yung boses niya. Ajujujuju! Prince Charming na naging Princess? Ajujujuju! Sira ang lovelife ko! 

Akala ko nakita ko na talaga yung soulmate ko na kaninang umaga ko lang talaga hinanap, pero hindi pa pala. Sayang talaga siya. Ajujuju.

(Hoy Whitey! Kelan ka pa naging jeje? Nakakairita eh!) -konsensya

Wag kang magulo! Minsan lang 'to! Ajujujuju! -ako talking to my konsensya

(Psh!) -konsensya

K. -ako

Ok! Balik tayo sa realidad. "Kaso?.." sabi ni Ron na hinihintay yung sagot ko. 

"Kaso... Kaso... Kasu-kasuan ko sumasakit. Huhuhu!" pag-iiba ko na lang kahit di naman talaga masakit. At kelan pa ako naging sinungaling aber?

"Kristelle Anne Chua! Umayos ka!" humaygad! Galit na siya niyan. Buo na yung magandang pangalan ko eh! Tapos dagdagan mo pa ng isang pares ng matang kung pwede makapatay dahil sa sama ng tingin, eh baka bulagta na ako kanina pa. Huhu. Katakot si Ron!

"He-he! Sabi ko Kaso baka bakla siya. Boses babae kasi nung kinausap ako eh. He-he" sabi ko na lang at baka mamaya isumbong pa ako nito kay Yaya Rossy na may boyfriend na ako. Lagot pa naman ako dun pag nagkataon. Pero gusto ko ng magka-boyfriend hano! Yung pogi, macho, masipag, matalino, habulin ng babae, makisig.. Yung mga ganun. Kaso ang problema, magkaka-boyfriend kaya ako ng ganun sa ganda kong 'to? Eh aba! Sa ganda kong 'to? Wala magkakagusto sa'ken? Walang magkakagusto sa'ken? Oo wala nga sa kasamaang palad. -.-

Pero sabi nga ni Yaya, maghintay lang daw ako at darating din ang para sa'ken.

Nabalik ako sa katinuan nung tumawa ng malakas at walang humpay si Ron. "Hoy! Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko? Huy" sigaw ko sa kanya pero hindi pa 'rin siya tumitigil. Ako naman kaya ngayon ang magseryoso.. Hmmm. "Tyron James Recado! Umayos ka!" ginaya ko siya at natigilan naman siya sa pagtawa.

"Sorry. Haha! Di ko lang talaga kasi napigilan." sabi niya ng nakangisi pa din.

Kumunot ang noo kong maganda. "Bakit ka kasi tumatawa?" inis na sabi ko sa kanya. Ewan ko na lang talaga sa kanya pag hindi pa niya sinagot ng maayos 'to.

Umayos siya ng pagkakaupo sa driver seat. Nandito nga kami sa kotse, di ba nga?! "Eh kasi, tingnan mo. Nagpanggap pa akong boyfriend mo at sinabihan ka ng 'Babe' kahit nakakasuka. Tapos malaman laman kong bading pala siya. Haha! Ang epic nun." at tumawa na naman siya ng konti. Konti lang.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ah ganun?! So nasusuka ka pala nung tinawag mo akong 'Babe'. Bakit di mo sinabi? Nakakahiya naman sa'yo. Wala naman akong sinabi gawin mo yun pero ginawa mo. Ano ba talaga problema mo?!" sigaw ko sa kanya. Natigilan ulit siya.

Biglang naging seryoso yung mukha niya. "Sorry. Di yun yung ibig kong sabihin. What I mean is... Is..."

"Wag ka ng magsinungaling. Ramdam kong sukang suka ka sa pagtawag mo ng ganun sa'ken. Next time wag mo na akong tatawaging ganun ha?! Hihintayin ko na lang na bumalik si knight in shining armor kapag napagtripan ulit ako ng Living Hel----" oopss! Nadulas ako. Mag-iinit na naman ang ulo nito.

"Anong sabi mo? Pinagtripan ka ng Living Hell? Bakit di mo kaagad sinabi sa akin nang nabigwasan ko isa-isa yung Living Hell na yun!" sigaw niya. Ay kaloka! Gumaganon si koya!

"Wow ha. Feeling mo naman kaya mo sila? Macho ka nga pero di hamak na mas malaki ang katawan nila kesa sa'yo. Grabe ka ha." sabi ko na lang. Seryoso pa din yung mukha niya. Pero kitang kita sa mga mata niya ang pinaghalong galit, inis, asar at pag-aalala. Mixed emotion ang nararamdaman ni koya ha.

"Alam mo naman na kapag may nang-aapi sa'yo, lahat kinakaya ko." sabi niya. Tumingin na siya sa harapan at pinaandar ang kotse. "Umuwi na tayo. Baka di pa ako makapag-timpi at mapatay ko 'yang Living Hell na yan." seryosong sabi niya kasabay ng pag-andar ng kotse. Kinilabutan ako dun sa sinabi niya.

Naalala ko nun na nung may nambully sa akin nung High School, halos mapatay na niya yung nambully sa akin dahil sa bugbog. Muntik na siyang ma-kick out nun ng dahil sa akin kaya ayoko na ulit na mangyari yun. Lahat ng sinasabi ni Ron, ginagawa niya talaga. Kapag sinabi niya, di mo na siya mapipigilan dun.

Hindi ko nga alam kung bakit over-protective si Ron sa akin pagdating sa ibang tao, pero kapag siya ang nang-aapi, tuwang tuwa pa siya. Pasalamat na lang ako at may kaibigan akong katulad niya.

Pero di ko talaga maalis sa isipan ko si Mysterious BoyGirl na nagligtas sa akin kanina. Hindi ko man lang siya natanong kung anong pangalan niya. Pero sana, magkita ulit kami. Sana makilala ko pa siya kahit bakla siya or whatever. Pasalamat pa siya at magkakaroon siya ng kaibigan na ubod ng ganda kagaya ko. Hihihi.

Sana magkita talaga ulit kami. Hopefully.. At pag nagkita kami. Ipapakita ko sa kanya ang magandang iniligtas niya kanina. Ang magandang katulad ko. Ahihihi!

*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Kuwento ni Whitey (MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon