One shot lng po ito, sana po magustuhan nyo. Thank you! :* ... Pag po nagustuhan ninyo itutuloy ko po ito:) ipaglalaban ko ito.. hehehe
----------------------------
Hayy.. summer bakit ba paborito kita? Dahil ba bakasyon kapag nandyan ka,?? O dahil may isang tao akong naaalala pag nandyan ka? Ilang taon narin ang lumipas pero hinding hindi ko makakalimutan ang taong iyon...
gusto nyo malaman kung sino sya?....
----Buti na lng summer na kasi lagi nalang ako napapagtripan sa klase,Lagi nalang ako umiiyak, dahil mahina ako, dahil wala akong laban.... mali ka! .... malakas ka dahil umiiyak ka, hindi mo sila pinapatulan, para sakin malakas ka bilib ako sayo... huh? Nagulat na lng ako ng may nagsalita sa may likuran ko.. tapos tapos paglingon ko walang tao.. joke syempre meron ang ikinagulat ko nakangiti sya sa akin. Sa akin nga ba? At at ang ang pogi nyaaa.. Arietty ok ka lang ba? Bat parang nakakkita ka ng multo? Ahh.. oo ayos lng ako, teka bat alam mo pangalan ko? Eah ngayon lng kita nakita? Magkakilala na ba tayo dati? Ah eh, kaseee ano eah basta...
Gusto mo icecandy? Pampagaan loob yun.. ay hindi na uuwi na ako baka kasi hinahanap na ako, salamat na lng... ano nga pala name mo? Dapat alam ko yung sayo kasi alam mo yung name ko...
Ako si... Hulaan mo.. hahaha..
Ang daya... alam mo na name ko ee.
Patas lang d ko naman tinanong sa iyo kung ano pangalan mo ahhh...Sabagay may point ka naman dun. Osige na nga bye bye.
Wait! Kita uli tayo dito bukas aahh? Hintayin kita.Teka ano daw? Hihintayin nya ako eah kawawa nman pag humindi ako.. aahhhh OO sige.. w/ ngiti :)
-----------
Lakad, lakad, lakad.. pabilis ng pabilis ang lakad ko dahil baka inaantay nya na akooo, kawawa naman.. pero napagaan nya talaga loob ko kahapon.. hehehehe!
Hoy! ... ay palaka! Sa kakalakad ko lumagpas na pala ako kaya ayun na hoy tuloy ako...Hoy! San ka pupunta ang bilis mo pa maglakad?
Eah, sorry naman nagmamadali na nga ako eah para d ka maghintay ng matagal, hiya naman ako sayo eah.. hehehe ✌
Ganun ba? Osige tara na. Anong tara na? Mag icecandy tayo, tapos may paguusapan tayo mamaya... •_-
Okie! Pero libre mo ko?
Oo ba.. :)
Tara lets libre eahh.. hohohoho!--------
Ahhmmm.. tungkol sa paguusapan natin ano ba yun?
Ahh.. gusto ko sana na itong buong summer eah magkasama tayo,..
............
............
............
Huh? Umamin ka nga type mo ko noh? Echoss syempre pakipot style naman ako. Huh? Bakit naman?Ahhh.. wala gusto kita maging kaibigan eah.. pwe- de ba?
(Kinikilig akoo.) Ahh.. oo naman..
Talaga?
Oo
Eah kasi baka naman napipilitan ka lang alam mo na...
Umo-oo na nga dba? Aarte pa eah.. hahaha
Hahahaha.. osige----
At ayun nga buong summer kaming ganon, hanggang sa ilang araw bago matapos ang summer vacation....
----
Sa halos buong summer ko na syang kasama pakiramdam ko napaka espesyal na nya sa akin, pakiramdam ko... mahal ko na sya...
Kringg*
From: HIM:)
Kita tayo maya, importante ang sasabihin ko.Okie.
-----*
Lakad, Lakad, Lakad, tingin , tingin, at ayuuun! Kita ko na sya..
Arietty..
Yes:)
Matatapos na ang summer vacation.
Yeah. Tapos?:)
Mag-...
Ano?:)
Magpapaalam na sana ako sayo eah...
Bakit may pupuntahan ka ba? Sige lang wait kita dito:)
Hindi, ganun, magpapaalam na talaga ako sayo dahil matatapos na ang summer.. diba ang hiniling ko sayo ay buong isang summer lang.. ngayon tinatapos ko na yon at-
At pwede naman nating ituloy yun ahh? Kahit hindi na summer, bakit friends tayo kaya dapat hindi lang diyan natatapos ang pagkakaibigan natin:"(
Sorry pero hindi talaga pwede, nga pala bago ko pa makalimutan, may regalo ako sayo...
Ano to?
Kwintas, na laging magpapaalala sayo na ang lahat nng ito ay hindi isang panaginip na ang lahat nang ito ay hinding hindi ko makakalimutan, at sana ganun din sayo..
At ang kwintas din na iyan ang magpapaalala sa iyo na minahal kita at mamahalin parin kita, kaya sana wag na wag mong iisipin na walang nagmamahal sa iyo... yun lng at PAALAM NA
At bago paman ako makapagsalita ay umalis na siya, tumakbo sya ng mabilis na ang pakiramdam ko ay nagising ako mula sa isang panaginip..
-------
Pero alam ko na hindi siya isang panaginip lang, dahil sa kwintas na ibinigay nya sakin... at nang mabasa ko muli kung ano ang nakaukit sa kwintas napangiti ako.. nakasulat rito ang salitang UR MY SUMMER LOVE tapos sa likuran nito ay nakaukit naman ang pangalan niya SUMMER pano ko nalaman?? Hula ko lang...
—----------end
Hi! Salamat sa nagbasa. Salamat talaga, sana nagustuhan ninyo... :)