Chapter 12 .

93 4 0
                                    

~ First Move ~

Sandra POV's

Almost 2 weeks na simula nung umalis si carla ... bago pa man siya umalis nagusap kami tungkol kay prince ... sa una hindi ako pumayag dahil ayoko manghimasok sa relasyon na hindi naman dapat pero nagpromise ako kay carla na gagawin ko yun para sa kanya ... at nagpromise din ako sa kanya na hindi ako maiinlove sa kanya ..

May event ngayon dito sa school .. sabi nila collage week daw kaya walang klase ngayon .. hinahanap ko sila kim .. nang makita ko sila kasama nila yung mga alipores ni prince ..

" oyy kanina ko pa kayo hinahanap .. andito lang pala kayo .." sabi ko sa kanila .

" oo kanina pa kami andito .. " sabi ni kim sa akin ..

" nga pala sandra .. bat hindi na pumapasok si carla ? Ano nangyari dun ? .." tanong ni chester ..

" oo nga ... halos magiisang buwan na .." sabi ni erwin .

" hindi niyo ba alam kaya hindi pumapasok si carla ay dahil nagdraft na siya .. sabi nila nagmigrate na daw sila carla sa america .." sabi ni jenefer .. paano niya nalaman yun ? .

" totoo ? Nagmigrate na siya ? Hindi man lang siya nagpaalam sa atin ? Prince ? Alam mo ba yun ? .." tanong ni greco ..

" hindi .. at wala na akong pakialam kung umalis na siya .. tama lang yun para hindi na niya maalala .. sige alis muna ako .." sabi niya tapos umalis na siya ..

" anyari dun .. ? " tanong ni rain ..

" ewan ko ..baka naman apektodo sa pagalis ni carla .. sobra na siyang naadik sa paglalaro ng nilalaro niya ..halos di na pumasok yun ee .." sabi naman ni chester ..

Mas lalong lumala ..naisip ko na sundan siya .. " sige ha alis rin muna ako .. may gagawin pa ako ee .." paalam ko sa kanila tapos umalis na ako ..

Sinundan ko lang siya kung saan man siya pupunta ...hanggang sa makarating kami sa likod ng school at naupo siya dun .. ako naman tinabihan ko lang siya ..

" nagulat ka nu .. " sabi ko sa kanya ..

" anong ginagawa mo dito ? Sinusundan mo ba ako ha ? .." tanong niya sa akin ..

" hindi pa ba halata na sinundan kita ? So nagulat ka nu ? .." tanong ko ulit ..

" hindi .. alam ko rin yun .." sabi niya .. mukhang ako pa ang nagulat ..

" paano mo nalaman ? May nagsabi sayo ? .." tanong ko .

" bago sila umalis nakipagkita sa akin yung mama ni carla at kinausap ako ... sabi niya na aalis na sila at magmimigrate sa america .. sa una nagulat ako pero may sinabi sa akin ang mama ni carla na mas kinagulat ko ... basta marami pang sinabi sa akin ang mama ni carla na hindi ko na kailangan sabihin pa sayo .." kuwento niya ..

" nacucurious ako kung anong sinabi sayo ni tita .. pero may tanong ako sayo ? .." sabi ko ..

" ano yun ? .." tanong niya .

" ni minsan ba minahal mo rin si carla ? .." tanong ko ..

" hindi ... " sabi niya .. minsan hindi mo alam kung nagbibiro o seryoso siya ..

" bat naman ? Kahit isang beses hindi mo man lang siya minahal ? .." tanong ko pa ulit ..

" pwede ba umalis ka na lang dito kung ayan lang ang sasabihin mo at itatanong mo ..." sabi niya sa akin ..

" eto naman napakaseryoso mo ... bakit bawal magtanong ? .." sabi ko ..

" isa pang tanong tingnan mo ..." sabi niya. Nakakatakot siya ..

" pero ... " sabi ko tapos di ko na natuloy kasi tinulak niya ako at pumaibabaw siya sa akin tapos nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko .

" ano magtatanong ka pa rin ba ha ? Sige na magtanong ka na ? .." sabi niya .. at amoy na amoy ko yung hinihinga niya at sobrang bango ..

" ha ? Hmmm .. " sabi ko hindi na ako nakapagsalita ...baka ano pa ang mangyaro kung sakaling gawin siya sa akin ..

" ano ?wala ka pala ee .. " sabi niya tapos tumayo na siya .. nakahinga na rin ako ng maluwag .." sa susunod wag mo na ulit akong tatanungin ng mga ganyang tanong .. " sabi niya tapos naglaro na siya ulit ..

Bat ganun yung feeling ko ... bat parang nakakabitin naman .. feeling ko tuloy pulang pula na ako ... " alis na ako .." paalam ko sa kanya .. pero siya no response busy kakalaro .. kaya umalis na lang ako ..

Feeling ko talaga pulang pula ako .. at super nakakahiya yung nangyari .. muntik na yun .. buti na lang talaga kung hindi naku baka mayari ako nito... pero swear nabitin ako dun ... ngayon ko lang kasi napansin na ganun pala talaga siya kagwapo ...

Nang makalayo na ako .. naglalakad lang ako .. wala ako sa ulirat kaya hindi ko napapansin sila kim ..

" hoy ! Ano ba ang nangyari sayo ? " tanong nila sa akin ..

Tska ko lang sila napansin .." ha ? Wala ahh .. ano tapos na ba kayo ? " sabi ko sa kanila ..


" oo ..kanina pa kami nagsasalita dito hindi mo kami pinapansin .." sabi ni xena ..


" sorry may iniisip lang kasi .." sabi ko ..

" aba ! At ano naman ang naiisip mo ateng ? .." sabi ni jenefer ..

" wala .. never mind na nga lang .." sabi ko sa kanila ..pero ang totoo iniisip ko yung nangyari kanina .." una na ako sa inyo mga ateng ha ... bigla akong tinamad .." paalam ko ..


" ano ka ba naman sandeng ... collage week to .. minsan lang to sa isang taon kaya dapat nageenjoy ka .." sabi ni kim ..

" nakakatamad ee ..tska inaantok na rin ako .." sabi ko ..

" ikaw bahala ... " sabi naman ni jenefer ..

" sige ha ... bukas na lang ulit .. " paalam ko tapos umalis na ako ..

Habang naglalakad ako palabas ng university .. may nagtanong sa akin na hindi pamilyar sa akin .. parang ngayon ko lang siya nakita dito ... " excuse me miss .. pwedeng magtanong ?.." sabi niya sa akin ..

" po ? .." sabi ko .. bigla kasi akong napatulala sa kanya .. paano ba naman kasi ang gwapo niya ..


" sabi ko pwedeng magtanong ? .." ulit niya ..


" oo naman po .. ano po ba yun ? .." sabi ko .. grabe gwapo niya ..

" kilala mo ba si prince gezreal teodoro ? .." tanong niya ..

" oo .." sabi ko ..

" alam mo ba kung nasan siya ? .." tanong niya ulit .

" sa pagkakaalam ko nasa tambayan siya ngayon ... tingnan mo na lang kung nandun .." sabi ko .

" ganun ba ... o sige miss thank you .." sabi niya tapos ngumiti siya sa akin .. OMG! he so cute lalo na nung ngumiti siya ...


Pagkaalis niya .. umalis na rin ako ... bigla kasi ako nawalan sa mood ee .. ewan ko ba pero parang nawala rin naman kasi may nakausap akong gwapo ... ang tanga lang kasi hindi ko man lamg natanong kung anong name niya ... bat kaya niya kilala si prince ? May atraso kaya duon si prince ? ..

____________________________________________.
Sa tingin niyo sino yung makausap ni sandra ? ..

I'm Inlove With A CoC PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon