Chapter [17]
THIRD PERSON POV
"And the game... Begins" nagtakbuhan naman ang mga estudyanteng puno ng sugat at palo sa ulo.
"Kailangan ba talagang pahirapan sila ng ganito Dad? Diba? Gagawin natin silang kasa--"
"Hindi... Hindi naman lahat pwedeng maging kasapi natin. We will choose okay? Be patient with that" tinapik naman ng principal ang anak niya sabay hagod sa buhok nito.
"Okay... Papa" ngumiti naman siya at hinanda ang baril para habulin ang mga estudyanteng panay kakatakbo.
Araw ng pasko ngayon at naganap na ang naturang event na ihahanda ng mga admins at principal ng school. Dumakip sila ng halos 1/4 ng estudyante upang maging kalahok ng nasabing event at ang tanging makakaligtas lamang ay ang kalahati nito.
"May mga taong nawala sa listahan, hindi ko naman alam kung sino sino iyon. Basta, the list was probably inappropriate. Kumonti ang tao" sabi ni Principal Guiterrez habang nasa lobby ng naturang building.
Napangiti naman ang isang admin na katabi niya saka inilapag ang kapeng hawak nito. "Kaya nga, I wonder who saves them. Sa tingin mo may gumagawa na ng move against us??" Napahalakhak naman ang admin habang napaisip naman ng malalim si Principal Guiterrez.
"Posible kayang?? May traydor sa'tin?" Inilapag na rin ni Principal Guiterrez ang kape niya saka marahang tumayo. Inilibot niya ang kaniyang mata sa isang mala kulungang kwarto na inaapakan niya ngayon.
"Tandaan mo, kung magsasanib pwersa ang mga estudyanteng patayin tayo ay wala tayong laban dahil higit na marami sila..." Sabi ng admin at agad na ring tumayo upang hawakan ang balikat ni Principal Guiterrez.
"Kaya kung ako sa'yo. Lasunin na natin lahat ang pagiisip nila bago pa mahuli ang lahat" ngiti nito sabay lakad papalayo. Hindi naman na nakaisip ng maayos si Principal Guiterrez at posibleng ganun nga ang mangyari kung hindi nila maagapan ito ng maaga. Posible ring malaman pa nila ang isang matinding sekreto na tinatago nito.
Someone's POV
"ASAN NA KAYO MGA MUNTING ANGHEL? Anghel na mapupunta na sa langit?? HA HA HA HA!" Tumakbo siya ng makita niyang nagsisialisan na sa mga tali ang mga bihag nila ngayon.
Matagal na, matagal na niya itong itinatago. Matagal na niyang inaasam makatikim ng sariwang laman ng tao. Hindi niya na kayang tiisin pa lahat ng tukso. Ito lang ang hangad niya, ang maging kasapi ng pamilyang Guiterrez. Isang hangarin na sumira na sa utak niya. At gagawin niya ang lahat maging kasapi lang nila.
Habang naglalakad siya upang pumatay ay may napansin siyang lalaking panay ang takbo sa bawat sulok ng kwarto. Alam niya kung sino ito at hinding hindi niya malilimutan ang mukha nito. Agad niyang sinundan ang lalaki. Tama ang hinala niya, hindi nga ito isang Guiterrez at hinding hindi magiging kasapi ng pamilya nila. Isang ampon na walang ginawang tama sa pamilya.
"Isang ampon na sumisira ng pagiisip ng tatay niya" ngumiti ito habang nakikita ang lalaking isa isang pinupuslit ang makita niyang estudyante upang maitakas ito.
"Bibigyan kita ng sapat na oras upang maging traydor... Dahil may plano pa'ko sa inyong mag-ama" ngiti pa nito habang hawak hawak ang isang baril sa kaliwa niyang kamay. Napahalakhak pa ito papaalis habang madatnan ang isang estudyante sabay putok ng kaniyang baril sa ulo mismo nito.
CHESKA'S POV
"Hay na'ko, kung inayos niyo na 'to kanina habang nagluluto kami ni Reigh dun kila Sir edi sana happy time tayo ngayon" pamewang ko sa kanila dahil stress na kami kaka design ng christmast theme ng dorm namin. Kahit Christmas na ngayon lang kami nagdecor.
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
Misterio / SuspensoFrancheska Celestine Mirasol Silbeste was a student in a school loaded up with a serial killer founders. The solitary thing to escape this school is to graduate college. However, imagine a scenario in which time passes by and he just considers and t...