"Miss, ikaw ang pang number 29?" Tanong ng babaeng buntis sa akin.
"Ahh opo. Hehe. 28 ka po?" She nodded.
Kakadating ko lang dito sa clinic ni Doktora Mariano. Kakadating ko lang pero ang dami na agad ng tao dito. Oh well, can't blame them. Magaling naman kasi na doktora si dok.
"Iha, you don't mind asking, ano palang sakit mo?"
Nanlaki yung mga mata ko dahil sa tanong ni ate. Siguro bored 'to kaya kung ano-ano na yung sinasabi. Haha. Okay okay, buntis eh kaya siguro ganito atsaka ano, gusto niya lang din siguro ng kausap. Pagbibigyan ko siya. Mukha naman siyang mabait.
"Sakit sa puso po.."
Sakit sa puso. Oo, sakit sa puso talaga! Lalo na yung nangyari kagabi. Grabe, parang matatanggalan ako ng puso dahil sa nangyari! Buti na lang dumating si mama nun at tinanong ako kung okay lang ba ako. Epekto na ba yun ng sakit ng puso? Side effects, eh? Mababaliw na ako dahil dito sa sakit ko at dahil kay Brian!!!!
"Sakit sa puso?! Seryoso ka ba diyan iha? Hindi halata sa'yo eh.." Bakas sa pagmumukha ni ate na hindi siya sigurado sa sakit ko.
"Seryoso po talaga ate. Masakit tanggapin pero baka ito talaga yung kapalaran ko." Tas ngumiwi ako. Anong drama 'to Gwen?
"Wag kang mag-aalala iha. Magiging maayos din ang lahat." Tas ngumiti siya. "Ano nga pala pangalan mo?"
"Gwen. Gwen po pangalan ko."
"Ako si Andrea Gonzales."
Ahhh Andrea Gonzales. AY TAE, GONZALES?!
"Ate! Pwede po magtanong?"
"Sure. Ano ba 'yun?"
"Kilala niyo po si Brian Gonzales?"
She laughed. Eh? Tawa parin siya ng tawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko?
She composed herself saka nagsalita, "Yep, kilala ko ang bubwit na iyun."
Small world. Wow.
"Bakit mo kilala si Bentong?"
Pfffffft! HAHAHA! ANO RAW?! BENTONG?! HAHAHAHAHAHAHA!
"Bentong po?" Pffft!
"Oo. Yun yung palayaw niya."
"Talaga?" Sabi ko habang nagpipigil ng tawa. Pfffft! Seryoso talaga siya?
"Oo. Haha. Pati nga ako natatawa sa palayaw ng batang 'yun."
Pagkatapos nun ay tawa lang kami ng tawa ni Ate. Kinwento niya rin sa'kin kung bakit Bentong yung palayaw ni Brian. Eh kasi sabi niya, nung bata pa raw siya, parati niya daw pinapanood si Bentong sa T.V. kaya dahil dun, bentong na lang ang tinawag sa kanya. Habang nagbibinata si Brian, parati niyang sinasabi sa pamilya niya na wag na wag siyang tatawaging Bentong pero 'tong si ate, matigas yung ulo kaya hanggang ngayon, Bentong parin ang tawag niya kay Brian. Hay naku, si ate talaga.
"Hala? Ako na. Pasok na'ko Gwen. Awieeeee."
Ang hyper niya talaga. Haha.
"Sige po~ goodluck." Kinindatan ako ni ate saka pumasok na sa loob.
Ako na pala yung susunod. Waaaah! Kinakabahan ako sa mangyayari at matutuklasan ko. Gaano kaya kahaba yung life span ko? Waah baka taon na lang o buwan or worst, ARAW NA LANG! ASGXIFKWJX!!! Takte naman oh. Bakit pa kasi sa lahat lahat ng tao sa mundo, ako pa yung nagkasakit ng ganito. Ampupu. Lord, help me. Uwaaaaa~

BINABASA MO ANG
Inlove Ako Kay Mr. Gangster [ONGOING]
RomanceIto ay tungkol sa isang babae na nagngangalang Gwen Rivera na kinamumuhian ang mga taong gangsters. Hindi niya ito gusto dahil sa pagiging badboy, basagulero at hambog nito. Hanggang sa isang araw, nakikita na lang niya ang sarili na nahuhulog na pa...