[Addison's POV]
"Okay class, so get your textbooks and we will have a short qui——"
"Good morning sir."
Hindi napagpatuloy ng professor namin ang gusto sana niyang sabihin dahil dire diretso lang ako sa pagpasok sa classroom. Late na kasi ako kaya dapat akong magmadali.
"Miss Guevarra! Do you know what time is it already? Our class starts at eight and it's already nine! You're late for one hour!"
Sigaw sa akin ng professor namin pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad patungo sa upuan ko. I don't care kung late ako ng kahit ilang oras pa yan. I can catch up in our lessons, anyways.
"Miss Guevarra are you listening? You're always late every morning!"
Pasigaw ulit na sabi niya pero hindi ko nalang rin siya pinakealaman at inayos ko nalang ang buhok at hoodie ko na nakatabon sa mukha ko.
Late ako kada umaga kasi may trabaho pa ako sa amin bilang anak ng isang sindikato. Marami pa akong responsibilidad bukod sa pag aaral ng mabuti.
"Miss Guevarra answer me! You didn't even apologize for your deeds in this school! Anong klaseng estudyante ka ba ha?!"Hinampas na ni prof ng malakas na malakas ang mesa niya pero hindi ko parin siya pinapansin. Alam ko namang titigil rin siya sa pagiging feeling terror na professor kahit hindi naman.
Napansin kong natahimik siya saglit pero hindi ko parin inaangat ang ulo ko para maisip niyang nagsisisi ako kahit na ang totoo ay gustong gusto ko na siyang patayin. Kung pwede lang akong pumatay dito kanina ko pa yun nagawa.
"Alright. Kahit ilang beses ka sasabihan hindi ka parin naman natututo. Okay class, let's go back to our topic."
Napahinga ako ng maluwag at napairap ako. Thankfully tinigilan na niya ako. Nakakairita ang boses niya.
"By the way Miss Guevarra, take off your hoodie and fix your hair. Hindi namin nakikita ang mukha mo."
Tsk.
Hindi ko ulit siya pinansin at umarte ako na para bang walang naririnig. Dapat kong itago ang buong mukha ko kasi kumakalat na sa buong campus ang pangalan ni Sapphire, ang secret identity ko bilang isang sindikato.
"Miss Guevarra can you hear me? O nagbihingi bingihan ka lang?"
Tanong ulit sa akin ni prof na para bang nawawalan na ng pasensya. Hindi ko siya pinansin at napairap na naman ako dahil sa inis.
"Miss Gueva——"
"Let's vandalize again later boys! Maybe in the library para may thrill!"
Natahimik kaming lahat nang biglang pumasok sa classroom sina Jace Ralph Javier at ang mga minions niya. Napairap ulit ako at hindi ko nalang sila pinansin.
Sobrang ingay pa nila habang naglalakad patungo sa mga upuan nila sa likod na bahagi ng classroom nato. Para bang pinagmamalaki nila ang mga kabulastugan na ginawa nila bago sila pumasok.
"Mr. Javier! Minimize your voice please! We have a class!"
Sigaw ulit ng professor at napansin ko na medyo napaos na siya dahil sa kakasigaw kaya palihim akong natawa.
Natahimik ng saglit sina Jace pati na yung mga nakabuntot sa kanya pero agad din silang bumalik sa pagkukwentuhan nila. Inalis ko nalang din sila sa paningin ko at nagpatuloy ako sa ginagawa ko.
Napatingin ako sa professor namin na parang punong puno na talaga. Maya maya ay bigla nalang niyang inihagis ang libro na hawak hawak niya sa mesa at tiningnan niya kaming lahat ng masama.
"I'm so done with this class! Wala kayong nalalaman dito kundi puro katamaran at kalokohan! I surrender!"
Sigaw pa nito at lumabas na siya ng classroom pero imbes na madismaya ang mga kaklase namin ay nagsigawan pa silang lahat dahil sa saya. Tapos na daw ang "boring" na klase namin. Which is totoo naman talaga.
Mas lalo pang nilakasan nina Jace at ng mga minions niya ang mga boses nila at nagmumurahan pa sila sa likod kaya napalingon ako sa kanila. Habang nakatingin ako sa kanila ay hindi ko sinasadyang tumama ang paningin ko sa mga mata ni Jace kaya napatingin rin siya sa akin.
Nang napansin niyang nakatingin ako sa kanya ay napangiti siya at nginisihan pa niya ako kaya agad akong umiwas ng tingin.
What did I just——
____________________________
BINABASA MO ANG
THORNS OF FLAME (LOVE+WAR SERIES #6)
Roman d'amourLOVE+WAR SERIES #6 Addison Sapphire Guevarra is the campus' mysterious student. Jace Ralph Javier is the campus' troublemaker that can harm or hurt any person anywhere and anytime if he wanted. At first, they thought that they are against each other...