RS:H 31.2

3.9K 84 15
                                    

Dara's POV

"Balak mo lang ba akong titigan Baygon?" Bagot na tanong ko sa lalaking nasa harapan ko na walang ginawa kundi titigan ako.

"H-ha?" Tingnan mo to. Nasa outerspace pala ang utak habang nakatitig sakin. Iba na talagang karisma ko. Haha!

"Ehhhh!!! Hindi kasi ako makakain nang maayos. Nakatitig ka lang kasi sakin." Ilang kong sabi sa kanya.

Ano bang problema ng pamuksang lamok na to?

"H-ha? Sorry. Naastigan lang kasi ako kanina." Manghang sabi nya.

Tch. Ano bang kamangha mangha dun? Parang sinuntok ko lang naman yung lalaki kanina. Una, nadumihan ang Mungbean Pancake ko at pangalawa napakayabang nya kung makapagsalita kay Baygon. Asus, baka lumaglag brief nun pag nalaman nya sino yung niyayabangan nya kanina. Tsk! Kainis.

"Baliw ka." Pagsusungit ko sabay subo nang ramen ko.

"Pero promise Babbit. Ang astig mo talaga kanina. Para kang nakinang nung sinuntok mo yung lalaki. Lalo tuloy akong nainlove." Sabay kindat nya sakin.

Iba rin trip nento. Siguro kung iba nakakita nun nilayasan na ko. Ikaw ba naman girlfriend mo amazona. Ge! Aminado ako. Nahawa ata ako kay Bommie sa pagka Amazona.

"Nainlove ka lalo? Eh sinuntok ko nga yung lalaki eh." Taka kong tanong.

"Oo. Tsaka bagay lang naman sakanya yon." Sambit nya. "Naku, magiingat na nga ako. Mamaya sakin naman tumama yang upper cut mo." Sabay ngisi nya.

Baliw talaga tong pamuksa ng lamok na to. "Dapat lang. Mahuli huli ko lang na may iba ka. Naku Baygon! Baka totohanin ko ang tawag ko sayo at isilid kita sa Spray Bottle."

"Kaya nga. Sayo lang ako diba?!" Sabay hawak nya sa kamay ko.

Ehhhh!!!! Ano ba eh. Kinikilig ako.

"Sus. Eh ano yung Kiko Mizuhara na yon ha? Tsaka yung si Sohee? Ah meron pa. Yung Angela Baby ba yon? Yung taga China. Di ko alam nakaka overseas din pala yang pambabae mo." Singhap ko sa kanya sabay tanggal ng kamay nya.

Lalaking to. Daming butas eh.

"Ano ka ba. Mga na lilink lang yon sakin. Tsaka wala namang totoo sa mga issues na yon. Yung iyo lang talaga ang totoo." Sabay taas nya nang kanang kamay nya.

"Alam ko." Pakipot kong sagot. Hehe!

"Love you Babbit." Sabay gummy smile nya.

"Thankyou." Sagot ko. Kahiya kasing mag I Love You. Daming tao dito eh.

"What? Thankyou?" Galit nyang tanong.

"Oo na. I love you too." Bulong ko.

Yung mokong naman kung makangiti wagas. Kainis!! Kinikilig tuloy ako. Akalain mo bang tong BadBoy na binansag sa kanya ay kabaligtaran nang tunay na sya. He's sweet, kind, and gentleman. Far from a Badboy. Kahit totoo lang! Dami nyang tattoo. Pero di naman nakaka turn off. In fact, I like his Tattoos.

Yung iba kasi dyan may mapagmalaki lang na tattoo. Yung kanya kasi iba eh. May meanings.

May kumalabit sakin kaya napalingon ako. "Ano po yun?" Tanong ko.

"A-ah. P-pwede po ba kaming mag papicture?" Tanong nang isang estudyante. Yeah, she's wearing a uniform.

Napatingin agad ako kay Jiyong at mukhang nagtataka din sya.

Don't tell me? Alam nila na ako to. Hemeyged.

"Ha? Bakit sakin?" Tanong ko. Umaygad! Please tell me you don't know me. Jebal!

Relationship Status: HIDDEN (DARAGON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon