CHAPTER 4: LOVE STORY PT. 1

52 13 0
                                    

Nang magsisimula ng magkwento si Tyler, agad siyang inalok nila Lyrica, Aileen at Rochel ng upuan sa mesa. Naglagay din si Rochel ng upuan malapit sa kanya kung saan hinihikayat ni Rochel na umupo si Marika sa tabi nya. Naiinis namang umupo si Marika sa inalok na upuan ni Rochel sa kanya. Hanggang sa nagsimula nang magkwento si Tyler.

Tyler: "Marika. Nakakatuwa naman etong tatlong dalagitang estudyante mo. Akalain mo, inalok pa tayo ng upuan."

Marika: "Tyler, simulan mo na ngang magkwento ng matapos na ito."

Aileen: "Uuuuuy...si Miss Marika, nagblublush."

Marika: "Aileen! Tigilan mo nga ako!"

Tyler: "OK. Sisimulan ko na, Girls. Makinig kayong mabuti. Nagsimula itong relasyon namin noong nasa 3rd year high school pa kami. Katumbas nun ang Grade 9 sa bagong curriculum ngayon........."

Flashback:

Nung mga panahon na iyon. Si Tyler ay isa sa mga pinakalokong estudyante sa panahon nila at sya ay nasa sa section kung saan pinagsama ang lahat ng mga lokong estudyante sa Selma Pioneer School na kilala na rin sa Selma National High School ngayun. Si Marika naman ay isa sa mga honor student noong panahong din na iyon.

Sa hindi inaasahan, nagkakilala sila Tyler at Marika ng minsang mapasubo sa away ang mga kaibigan ni Marika sa mga estudyante ng isang Private school kung saan nataon namang napadaan ang grupo ni Tyler.

Marika: "Hoy!! Anu bang problema nyo?!! Hindi naman namin kayo inaano ha?!!"

Pvt. Student 1: "Anung hindi inaano?!! Dumadaan kayo sa tapat ng school namin!!!"

Pvt. Student 2: "Oo nga!! Dumadaan kayo dito sa tapat na akala nyo naman kung sino kayong may kaya!!!!!!"

Pub. Girl Student 1: "Eh!! Anu namang masama kung mapadaan kami?!! Dadaan lang naman kami ha?!!"

Marika: "Kaya nga!! Hindi naman makakasakit sa inyo kung dadaan lang naman kami!!"

Napadaan ang grupo ni Tyler ng mapansin ng mga kasama nya ang nangyayaring kaguluhan sa tapat ng kalabang Private school.

Student 1: "Tyler, mukhang may nagaganap dun oh! Gusto mo tingnan natin?"

Tyler: "Wag na pre! Baka mapasubo lang tayo sa gulo kapag lumapit tayo."

Student 2: " Sa nakikita ko, pre. Yung honor student na mejo pakulot na buhok yung kaalitan nung tabatchoy na estudyante ng bulok na eskwelahan na yan oh."

Tyler: "Ha? Sino? Honor student galing sa school natin?"

Student 1: "Oo, pre! Hindi mo kilala yun?"

Tyler: "Eh hindi. Sino ba yun? Tsaka kailan pa ako nagkaroon ng pakialam sa mga honor students? Eh wala din lang namang pakialam sa atin yung mga iyan. At feeling hari, reyna o kaya presidente ng bansa ang mga iyan kung makaasta. Kaya pakialam pa natin jan sa mga iyan."

Student 2: "Kung ganun, pababayaan na lang natin sila? Eh di sige. Maglakad na lang tayo ng tahimik."

Student 1: "Sandali!!! Mga pre!! Panoorin muna natin. Mukhang nagiging maganda na ang debate nila."

Tyler: "Hay....sige. Bahala kayo. Basta saglit lang ha."

Patuloy na sanang maglalakad ang grupo ni Tyler ng maisipan nilang manood muna sa nangyayaring kaguluhan, habang nagbabangayan ang grupo ni Marika at ang mga estudyante ng private school sa tapat ng dinadaanan nilang daan.

Pvt. Student 1: "Hindi nakakasakit sa amin? Ha!! Unang-una nagbabayad kami ng mahal para sa tuition namin. Pangalawa, yung mga teachers dito sa school, kami ang nagpalasweldo, at pangatlo, sa amin din ang tapat na dinadaanan ninyo. Kaya wala kayong karapatan na dumaan dito sa daang ito!!!"

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon