16:

16 1 0
                                    

Third POV:

"Don't worry she will be fine. Natural lang na lagnatin siya dahil sa mga bugbog sa kanyang katawan," sabi ng lalakeng nakaputi.

"Ah, ganoon ba?" Lumuwag ang pakiramdam ng may idad na pero gwapo pa rin na lalake. "Salamat din sa'yo dahil niligtas mo siya muli!"

Ang tinutukoy niya ay ang matangkad na lalake na walang emosyong nakaupo at nakasandal sa sofa na nasa loob ng silid.

Bumaling ang tinginniya sa babae na nakahiga sa kama at walang malay.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga at muli hinarap ang medyo may idad na lalake.

"'Wag ka na magpasalamat sa akin. Ubligasyon kong protektahan siya," seryosong sabi niya.

"Yes, I know you can protect her but—" Biglang umikting ang panga ng may idad na lalake. "Tuso ang kalaban natin. Ayo kong maisahan na naman tayo ng hayop na iyon!
Ayo kong mapahamak ulit ang aking anak kaya kahit labag sa kalooban kong iwan siya rito ay G-gagawin ko!" sabi niya na medyo pumiyok ang boses.

"Sure ka ba Tito? Ligtas ba ang lugar na ito para sa kanya?" nag-alalang sabi naman ng lalakeng nakaputi.

Iginala ng medyo may idad na lalake ang kanyang tingin sa labas ng bintana na nasa loob lang ng silid.

""Nakita mo ba iyan Zev?...
Maraming tao sa labas ng bahay ang nagbabantay sa paligid.
Bukod pa riyan may ng mga tauhan din ako na nagbabantay sa labas at loob ng hacienda.
Walang sino mang istranghero ang makapasok dito lalo na ang KRIMINAL na si AMANDO!" nagtitimping huling sabi niya.

"Kung ganoon mas mabuti na nandito siya. Sure tayo na safe siya rito," kampanteng savi ng binatang doktor.

"Pansamantala lang ito Zev. Kapagmaayos na ang lahat at madakip na ang mga kidnappers ay kukunin ko siya rito." Napahilot si Paulo sa kanyang sintido. "Napakalaking perwesyo ang dinulot ng taong iyon sa aking pamilya lalo na sa aking anak.
Hindi ko mauboss-maisip kung paano nagkaroon ng maraming tauhan si Amando at marami na ring pera.
Sa natandaan ko halos gumapang ang mga magulang niya noon sa pagtatrabaho para makakain lang sila dito sa hacienda."

"Alam ko kung paano siya nagkaroon ng mga iyon." Namulsa ang lalake sa suot niyang denim jeans. "Leader siya ng sindikato na nagbibinta ng mga illegal na armas dito sa ating bansa. Bukod pa iyan ay sila rin ang dumudukot sa mga bata o minors para i-binta sa mga dayuhang pedophiles."

Sindak na napanganga si Zev. "Dilikado pala talaga ang taong iyon!"

Hindi ako natatakot sa kanya..." Nagngingitngit sa galit si Paulo. "Sana ako ang harapin niya at 'wag niya nang pakialaman ang pamilya ko."

"'Wag kang mag-alala mahuhuli rin natin sila. Kung walang magagawa ang mga pulis para madakip sila, ako na at ang mga kasamahan ko ang hahanap sa kanila para dalhin sa bilangguan," sabi pa ng lalake kay Paulo.

Tumayo ang lalake mula sa pagkakaupo sa sofa at marahan na lumapit sa kama kung saan nakahiga ang dalaga.
Umupo siya sa gilid ng kama at tinitigan ito.

Napakurap si Zev nang hinahaplos ng lalake ang buhok ng babae habang si Paulo na man ay bahagyang napangiti sa nakita.

Mula nang kinuha ng lalake ang babae sa loob ng nasusunog na bodega ay 'di pa ito nagigising.
Maraming pasa at sugat ang na tamo niya sa iba't-ibang bahagi ng katawan na halos hindi na siya makilala ng kanyang ama.
Kaya napagdesisyunan ng kanyang ama na itago muna siya sa malayo na lugar. Iyong malayo sa magulo na siyudad.

"Ikaw na ang bahala sa kanya habang inaasikaso ko ang mga problema doon sa siyudad,"bilin niya sa lalake na nakikinig sa mga sinabi niya..

"Yeah, you can trust me!
Kahit nandito ako ay malalaman ko rin ang mangyayari doon," walang imosyon na sabi ng lalake.

Tears On The White RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon