Prologue

10 3 0
                                    

"Uyy Elaine nandito ka pala? Kamusta? Long time no see ah" agad akong napalingon sa aking likuran nang tawagin ako ni Zach. Ang ex ko.

Nanlaki ang aking mga mata sa gulat dahil hindi ko inaasahan na mag kita kami dito. Bakit nandito siya??? Bakit kailangan ko nanaman siyang makita??? Iyon agad ang mga tanong na pumasok sa aking isipan.

"Hey I'm fine, ikaw ba?" Ngumiti ako sakanya na para bang hindi ako nasasaktan na makita siya.

"Ok lang din naman. I think we should hang out soon? Ano sa tingin mo" sarkastikong ngiti niya...Ha?? Baket? Bakit niya ako inaaya mag hang out? Ayoko na please. Ayaw na kitang makita pa...

"Hmm... sige I'll try, masyado kasi akong busy sa work eh" binigyan ko siya nang ngiting peke. "Anyway, ano nga pala ang ginagawa mo dito? Hindi ko alam na invited pala kayo dito?" Agad akong tumingin sa likuran niya na mapansing kasama niya rin pala ang kaniyang kaibigan na si Jacob na nakikipag usap sa iba pang bisita.

"Uhh.. Your mom invited us... Actually si dad lang talaga dapat ang pupunta pero pinilit niya ako kaya wala na akong nagawa ganon na rin si Jacob invited rin ang mom niya. You know business stuff..." sabay inom sa bitbit niyang baso na may lamang wine.

Ahh oo nga pala mag kaibigan nga pala ang nanay ko at ang mama ni Jacob. Dating mag kaklase si Mommy at ang mama ni Jacob noong high school pa lamang at ang Tatay naman ni Zach ay business partner ng kompanya namin. Hindi agad ito pumasok sa isipan ko nakakainis naman, masyado ako nawala sa katinuan nang makita itong si Zach.

"Oh hi Mr. Fernandez" masayang bati ni Mommy habang nag lalakad papunta sa gawi namin ni Zach. "I didn't expect you to be here huh. Akala ko ay hindi ka makakasama sa Daddy mo dahil alam mo na.." sabay kindat sakin ni Mommy habang naka ngiti. Agad kong tinignan nang masama si Mommy dahil sa pang aasar nito.

"Hi po Mrs. Zamora" nakipag beso pa ito sakanya. "Akala ko po ay hindi niyo na ako makikilala" sabay tawa na mapang asar.

"How could I ever forget you Mr. Fernandez eh ikaw ang bukang bibig nito ni Elaine noon" natatawang sabi ni Mommy. Natawa rin si Zach nang marinig niya iyon

Marahan kong kinurot si Mommy sa kaniyang bewang upang mapatigil siya sakanyang pag sasalita pero hindi niya eto pinansin. Mukhang tuwang tuwa pa sa pang aasar sa akin.

Jusko please sana matapos na ito, hiyang hiya na ako sa mga pinag sasabi ni Mommy. Nanay ko ba talaga toh? Diba dapat ako kinakampihan neto? Nako naman.... Agad na lumiwanag ang mukha ko nang tawagin si Mommy sa harap upang mag bigay ng speech. Nag paalam na si Mommy kay Zach kaya naman ay naka ligtas nako sa pang aasar nito.

"Well I guess I'll see you around. It's so nice seeing you again, Elaine" sarkastikong ngiti nito habang nag papaalam sa akin upang pumunta na sa kaibigan niya. Sawakas na tapos na rin para akong hihimatayin sa nerbyos sa pangyayari. Sana hindi na maulit yon. Sana ay hindi ko na ulit siya makikita.

Nang matapos ang event ay agad na akong umuwi. Pag karating ko sa bahay ay naroon na si Mommy. Mag kahiwalay kasi kami nang sasakyan at mas na unang nakauwi si Mommy dahil may kinuha pa akong gamit sa condo ko.

"Mommy why the hell would you do that in front of Zach?" ito ang binungad ko kay Mommy pag pasok ko ng bahay.

"Why sweetie I thought you and Zach are seeing each other again?" at talagang masaya pa ang tono niya habang sinasabi ang mga toh.

"Why the hell me and Zach would see each other again Mom? Hinding hindi mangyayare iyon so please stop imagining things" inis na sabi ko sakanya at agad ko siyang iniwanan para umakyat na sa kwarto ko.

Pag ka tapos kong maligo ay agad akong humiga sa kama at binuksan ang Instagram upang mag pa antok ngunit nagulat ako ng biglang mag chat si Zach.

zdrix: you will be mine again soon, Ms. Zamora:)

Nakalimutan kong hindi pala namin inunfollow ang isa't isa sa IG. Tangina? Anong ibig sabihin niya don? Hindi ko siya nireplyan at binaba na lang ang cellphone para subukang matulog at kalimutan ang mga nangyare kanina. Pero kahit anong subok ko ay bumabalik lang ang lahat sakin.Ang mga masasayang alala na alam kong hindi na muli mauulit. Ang mga alalang hindi mawawala sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let's Seize The Night Together Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon