KABANATA IV

113 9 1
                                    

"Erik gising, Erik"
yugyog dito, hampas doon

Grabe namang matulog ang lalaking ito!

Kanina ko pa siyang ginigising pero parang tulog mantika talaga!

"Eriiiiiiiikkkkkk" malakas pa sa malakas kong sigaw

Napatayo nalang siya ng mabilis sa sigaw ko halos mag talsikan pa ang mga unan na katabi at yakap yakap niya.

"Yennnn naman e, ang aga mo mag ingay alam mo kung nandito si Angel baka kanina pa kayong nag gegera" pag mamaktol pa niton ng mahimasmasan sa pag kakagising

Tingann niyo sermon kaagad siya dinamay pa ang bff ko na nananahimik na sa langit.

"adik ka ba Erik? E ikaw kaya itong nag pagising sa akin ng maaga dahil sabi mo may meeting ka ngayon" pag papaliwanag ko pa dito ng mag tigil sa kakasermon niya

Sows ang lalaking ito kahit kailan talaga!

Nanlaki naman ang mata niya ng marealize na totoo ang sinabi ko!

Oh baliw tatakbo sa bathroom, sige ligo kahit malamig ang tubig.

Aliw din talaga ang lalaking ito, minsan nga tinanong ko si Angel dati ano nagustuhan kay Erik isa pang baliw hindi daw niya alam kung ano ang dahilan basta minahal niya lang daw ito, naramdaman ganern.

Oh edi sana all mahal.

Namiss ko naman ang baliw kong bff na yun.

Kailan kaya ulit kita makikita Angel.

It's been a years and I still believe na buhay ka kasi nararamdaman kita lalo na pag kasama ko si Erica.

"Yen!"
Nagulantang ako ng sumigaw ang damuhong asawa ni Angel

"Ano na naman ba Erik? Kaloka kailangan talaga pasigaw" nag dadamog akong nag lakad palapit sa pinto ng bathroom niya.

Pero syempre hindi ako pumasok hello baka kung ano pa makita ko at tsaka baka multohin ako ni Angel huwag na muna.

"Favor naman Ninang" malumanay na nitong sabi ng mapag tanto na malapit ako sa pinto

Napairap pa ako sa hangin bago umimik

"Ano po ba yun" I asked

"Samahan mo muna si Erica dito sa bahay ha, baka kasi malate ako ng uwi dahil masyadong maraming trabaho sa office, alam mo naman hindi nauubusan doon. At tsaka pwede bang mag stay ka nalang dito sa bahay" pag hingi pa nito ng pahintulot na mukhang balak na talaga akong ampunin habambuhay e.

Actually hindi ko alam ang mararamdaman ko, kasi minsan nga e naisip ko na masaya na akong kasama sila yung kahit hindi na ako mag asawa at anak kasi alam ko na may makakasama ako. And sobrang natuwa naman ako ng sabihin yun ni Erik. Alam niyo naman na para na kaming mag kapatid niyan lalo na kay Angel.

"Ano na? Okay lang ba?"
Anito ng makalabas ng cr

Hindi ko naman namalayan na tumulo ang luha ko kaya nadatnan niya akong nag tutuyo ng luha

"Aliw ka talaga Yen, hay naku please pumayag kana. Alam ko kasi na pag nandito ka sigurado ako na okay si Erica, na meron siyang masasandalan pag wala ako." nakangiti pa nitong sabi na parang kino convince ako talaga!

Malakas na hampas lang naman ang natanggap niya mula sa akin!

" Aray naman para saan yun? " gulat na gulat nitong sabi habang hinihimas ang kaniyang braso na hinampas ko

Nakanguso ako na nakatitig sa kaniya at gayon din siya, hanggang sa pareho nalang kaming napahagalpak ng tawa.

Well mga baliw ho talaga kami!

AQ SERIES : KAILANGAN KITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon