A/N; A beautiful reminder from a beautiful author, you will encounter lots of typo and grammatical error for this chapter ❤️
Keep Reading Reader's Lovelots❤️
Prescilla Pov,
"Oh nasa maynila na tayo yung mga baba dyan ng maynila nandito na po tayo!" Nagising ako sa sigaw ng kundoktor kaya naman agad akong tumayo at kinuha ang dalawang bagahe ko para bumaba ng bus
Pagbaba ko ay samu't-saring mga nagtitinda ang nakikita ko pati mga sasakyan ay iba iba ang itsura
"Mukhang mahihirapan ako nito ah!" Mahinang sabi ko bago napabuntong hininga pero agad rin iyong naputol ng biglang may makabangga sakin dahilan para mapangiwi ako ng sobra dahil sugat ko yun natamaan
"Hala miss sorry!" Sabi nung nakabangga sakin pero tumango lang ako at chineck yung sugat ko na nagdudugo
Naglakad nalang ako paalis doon kahit na medyo iika ika pa dahil sa sugat na natamo ko sa kuya ko
"Miss ok kalang ba?" Agad akong napa-angat ng tingin sa nagsalita sa harap ko at agad akong humanga sa ganda ng itsura nito
"O-opo!" Mahinang sambit ko bago ngumiti sa kanya at kita ko naman ang pagtulala nya
"Wow you have a beautiful face and wonderful smile!" Sabi nya kaya naman napangiti ako
"Thank you po m-mam!" Mahinang sambit ko dito kaya naman ngumiti sya ngunit agad ding napawi yun ng makita nya ang kalagayan ko
"What happen to you?" Tanong nito sa akin at himig ko ang pag aalala sa boses nito kaya naman yumuko lang ako
"M-magpapaalam na p-po ako m-mam!" Mahinang sabi ko at aalis na sana ngunit hinawakan ako nito sa braso dahilan para mapangiwi ako
"A-aray!" Mahinang daing ko at agad namang bumitaw sakin yung babaeng biglang humawak sa braso ko
"Hala im sorry ija hindi ko sadya, please forgive me!" Sabi nito at tinignan ko naman sya at kita ko naman ang pag aalala sa mukha nya kaya kahit nahihirapan ay nginitian ko nalang sya
"Its ok mam mauuna na po ako pls!" May pakiusap na sabi ko kaya naman tumango sya at humingi uli ng paumanhin ngunit tango na lamang ang ginawa ko at nagtuloy tuloy na sa paglalakad
Matapos ang ilang minuto ay hindi ko na alam kung saan ako napadpad, pagod na ako tapos gutom pa ako masyado na akong nanlalambot
"Mukhang dito pa ata ako mamatay!" Mahinang sabi ko sa sarili ko
Wala akong ibang makita kundi ilang puno at mga bahay bahay hindi ko rin alam kung saan itong lugar na ito basta ang alam ko naglakad lang ako ng naglakad, gusto ko kasing maghanap ng trabaho kaso mukhang wala namang tao sa lugar na ito
Pumunta muna ako dito sa may swing ,wait bakit parang palaruan ito? Nasan ba ako? Lintek nayan prescilla kung saan saan ka kasi nagsusuot wala ka namang selpo nat kakilala dito para tawagan hayst napaka bobo
Umupo ako saglit sa may swing ngunit hindi pa man ako nag iinit ang pwet ko sa swing nang may lumapit sakin na tatlong lalake
"Hi miss!" Agad akong napatingin sa kanila at agad na lumukob ang mabahong amoy nila sa ilong ko kaya naman agad akong napatayo at napatakip sa ilong
"S-sino po kayo?" Mahinang sabi ko sa kanila kahit sa totoo lang ay natatakot na ako
"Wag mo na kaming kilalanin miss, nakita namin na nag iisa ka dito sa lugar na ito kaya naman kung gusto mo sumama ka sa amin!" Sabi nila kaya naman agad nagliwanag ang mukha ko
"T-talaga po?" Manghang sabi ko at agad naman silang nagtinginang tatlo bago ngumiti at tumango
"S-sige po, s-saan po ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanila at agad naman lumapit yung isa sakin pero umatras ako
"Oh wag ka umatras pupunta lang tayong langit!" Sabi nung isa ng nakangiti kaya naman agad akong ngumiwi ng mapagtanto ang nais nilang gawin sakin
"W-wag na po pala pasensya na a-aalis nalang p-po ako!" Sabi ko at akmang aalis na ng bigla akong hawakan nung isa pero dahil naging alerto ako ay kahit masakit ng sobra ang katawan ko ay nagoumiglas ako at agad tumakbo
"Hoy miss bumalik ka dito lintek!!" Sigaw nung isa kaya naman mas binilisan ko yung takbo ko hindi ko na alintana kung mas nagdurugo yung sugat ko lalo na yung gamit ko, ang mahalaga makalayo ako dito
Agad akong lumiko sa isang kanto ng bigla akong makarinig ng malakas na preno kaya naman napaupo ako
"Hey miss!" Agad akong nagkakawag ng may biglang humawak sakin
"W-wag p-po pls p-parang awa m-mo na po!" Mahinang pag mamakaawa ko dito
"Hey its ok its ok wala akong gagawing masama sayo!" Pag aalo nito sakin kaya naman agad akong kumalma pero andun parin yung takot ko sapagkat halata dito ang malamig na pananalita
Tinignan ko ito at agad na namangha sa itsura nito, putek napaka gwapo naman nito. Artista ba ito??
Agad nya akong hinawakan sa braso dahilan para mapakislot ako kaya naman nagulat din sya sa kinilos ko
"P-pasensya na po may p-pasa po kasi ako!" Mahinang sabi ko bago yumuko
Nanglalambot na ako gutom na gutom na ako at mukhang gusto ng magpahinga ng katawan ko
"Sumama ka muna sakin miss namumutla kana saan kaba nanggaling? Sino ang mga hinayupak na gumawa sayo nito?" Galit at malamig na tanong nito sakin bago ako itayo
Ngunit hindi pa man ako nakakahakbang ng manlambot ang tuhod ko at mandilim ang paningin ko
*******
YOU ARE READING
Im His Personal Maid
RomanceNaranasan mo na bang magtrabaho sa isang pinakamayaman at pinaka maimpluwensyang tao sa buong mundo?? Sa tingin mo kapag nag trabaho ka kaya sa ganyan kaimpluwensyang tao mahihirapan ka kaya?? O magiging masarap din ang buhay mo tulad ng amo mo?? Pe...