Marahan kong isinara ang laptop ko bago tumingin sa bintana.
Umaga na pala.Halos di ako nakatulog dahil gumawa ako ng powerpoint.Nakiusap kase sakin yung teacher namin na ako muna ang maging 'temporary student teacher' ng Class F o yung last section.Wag na daw ako mag-alala dahil may bonus point naman.
Since 20 years old na ko,next year nalang ay makaka-graduate na ko.Kaya kailangan ko talaga ng bonus point.
Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba.Naabutan ko si Manang Liz at Mang Kiko na maaga palang ay nagtatrabaho na.
Wala kase si Mommy,nasa shooting.Si Daddy naman may business meeting sa France.Parehas silang mamayang gabi pa makakauwi.
"Manang Liz,si Ashianna gising na ba?"tanong ko kay Manang Liz
"Tulog pa,Young Master."sagot naman sakin ni Manang Liz
Tumango lang ako habang nagtitimpla ng kape.
Magkatabi lang kase ang kwarto namin ni Ashianna tapos yung Master's bedroom naman ay ang kwarto ni Mommy at Daddy.
Maaga pa naman,hayaan ko muna syang makatulog ng mahaba.
Nagluto nalang muna ako ng fried rice at omelette.Para pagbaba ni Ashianna,kakain nalang sya,maliligo at papasok sa school.Magkaiba kase kami ng pinapasukang school dahil nga highschool palang sya.Pero magkatabi lang rin ng school namin.
"Goodmorning,Kuya Alas!"
Napatingin ako sa may hagdanan habang pinapanood si Ashianna bumaba.
"Mabuti naman nagkusa kang gumising.Puyat kase ng puyat kaya late na bumangon."komento ko at napaikot naman ang mata nya
"Kuya naman,sermon agad?!Hindi ba pwedeng mag-goodmorning ka rin muna?"sagot nya naman sakin
Ewan ko lang pero hindi nagbago ang ugali ni Ashianna.Sabi kase nila pag tumuntong daw ng 15 years old ang isang babae ay magiging mature na daw at mahinhin.Kaso mukhang hindi naman nangyari kay Ashianna.
"Kumain ka na lang.Pasalamat ka pa nga dahil pinagluto kita."sambit ko at napanguso nalang sya
Umupo na sya at tahimik na kumain.Habang kumakain ay tumingin muna ako sa writing account ko.
Yes,kahit di ko inaasahan ay may talento ako sa pagsusulat ng story.Para kaseng sasabog yung ulo ko pag hindi ko mashashare yung mga kwentong nabubuo sa isip ko.
Pinopost ko yun sa isang writing community bilang si Hades.Halos milyon-milyon na rin ang naka-follow at nakasubaybay sa mga novel na ginagawa ko.Pero anonymous naman ako sa karamihan.Si Ashianna lang ata ang nakakaalam ako si Hades.
Ang rason kung bakit ayaw ko ipakita ang mukha ko dahil tiyak na paguguluhan ako ng media.Lahat kase ng novel ko ay tungkol sa patayan.Ang sama naman kung ang magiging headline...
'Anak ni Aushi Han at Alisha Han na si Alas,ang author ng sikat Killer Series'
Ang sama pakinggan.Baka isipin pa ng mga tao,psychopath ako.
Nang matapos na kumain si Ashianna ay pumunta na sya sa kwarto nya para mag-ready.
Sumunod na rin ako dahil oras na para pumasok.Naligo na ako at nagsuot ng uniporme ko.
Paglabas ko ng kwarto ko ay saktong kalalabas lang rin ni Ashianna.
Sabay na kaming bumaba at nagpahatid kay Mang Kiko sa school.
Nang marating na namin ang school nila Ashianna ay dali-dali na syang bumaba.
"Ash,temporary teacher ako ngayon kaya malalate ang dating ko.Pero pagkatapos ng klase sa bahay na agad ang uwi mo ha!Pag ikaw---"hindi na ako natapos ng isarado nya na ang pinto ng kotse
Aba!Ang bastos talaga kausap nung bata na yun!
"Di pa nga ako tapos magsalita."wika ko at napatawa naman si Mang Kiko
"Hayaan nyo na Young Master,mga ganyang edad kase nasa panahon na nagrerebelde sila."sambit ni Mang Kiko habang pinapaandar ang kotse
Rebellious phase?Bakit di naman yata ako nagrebelde nung 15 years old ako?
Katulad nga ng sinabi ko magkatabi lang ang school ko at school ni Ashianna.Kaya nakarating na rin agad ako.
Pagbaba ko sa sasakyan ay ang pansin ko na naman ang mga tinginan ng mga schoolmates ko sakin.Di naman sa pagbubuhat ng sariling bangko pero aware ako na sikat ako lalo na sa mga babae.Bukod kase sa anak ako ni Aushi Han na pinakamayamang businessman sa bansa at ni Alisha Han na isa sa pinakasikat na artista ngayong panahon ay isa rin akong computer genius.Ako lagi ang kailangan nila tuwing may problema sa computer room.
Ako rin ang tinatawag nilang 'Ace' student.Tinaguriang magaling sa lahat ng estilo.
Nagtungo ako sa likod na school kung saan tahimik at wala masyadong tao.Bukod sa puno at mataas na sementong bakod ay wala akong ibang kasama.Magpapractice muna ako habang hindi pa time ng klase.
Binuksan ko na ang laptop ko ng biglang...
"Ma'am Nyssa!"
Narinig ko ang mamalakas na sigaw galing sa kabilang bakod.Boses ng grupo ng mga lalaki.Napatingala ako sa mataas na bakod at nakita ang isang babaeng nakaakyat dun.
What the---paano sya nakaakyat dun?
Don't tell me tatalon sya?
Tama nga ang hinala ko.Nawalan ako ng panahon para umiwas ng bigla syang tumalon mula sa bakod.
"Argh!"muntik na akong mapasigaw ng sa akin sya bumagsak
Ramdam ko rin ang tigas ng mga batong nahigaan ko.Hindi naman mabigat yung babae pero sadyang malakas yung impact dahil mataas ang pinanggalingan nya.
Sabay kaming napatingin sa laptop ko na sira-sira na yung screen.
Did she just broke my laptop?!
"Sorry,Kuyang Pogi!Bayaran nalang next time!"
Agad syang umalis sa pagkakadagan sakin at tumakbo ng mabilis papalayo.
Damn it,what am i supposed to do with my laptop?Nandito yung powerpoint ko!Pinagpuyatan ko pa naman ang paggawa nun.
Hayaan na,time na ng klase kailangan ko ng pumunta sa assigned section ko.
Inilagay ko nalang muna ang laptop sa bag ko at nagmamadali na akong pumunta sa last section.
Inayos ko muna ang nagusot kong uniform dahil sa nangyari kanina bago ako pumasok sa classroom nila.
Kalmado akong lumakad papasok na mukhang nakakuha sa atensyon nila.
"Goodmorning class.As y'all know Mr.Salumbides is sick so i'll be taking his place temporarily.I'm your student teacher,Alas--"
Di ko na natapos ang pag-iintroduce ko ng biglang may tumayong estudyante.
"Ikaw?!Ikaw yung student teacher?!"gulat na tanong nya
Bumaling agad ang tingin ko sa I.D nya kung saan nakalagay ang pangalan nya.
'Nyssa Reese Soriano'
Nung matingnan ko sya ay tsaka ko lang sya namukhaan.
Isn't she the girl who broke my laptop?
***