...May dalawang buwan na rin ang relasyon namin ni Sam. Naging maayos ang takbo ng relasyon namin at ganun na rin ang first semester. We get to be groupmates sa lahat ng groupwork. Napipilitan na rin tuloy makigrupo ang S6 at M6 dahil sa aming dalawa. Sabi nga ng iba perfect couple na kami.
"Will you move?" sabi ni Iris kay Joaquin. Naku heto na naman kami. Gusto kasi pumupuwesto ni Iris sa dulo ng lamesa eto namang si Joaquin alaskador kaya uupo siya sa puwesto ni Iris. "Ayoko nga. Bakit nabili mo na ba itong puwesto na ito?" simulang pang-aasar ni Joaquin. "Wala ako sa mood para patulan ka." sagot ni Iris at umupo na lang sa tabi ni Alex. Sumimangot na lang si Joaquin mukhang di siya masaya dahil hindi nagtagal ang asaran nila ni Iris. Halatang type ni Joaquin si Iris.
Hay, I couldn't ask for more. My relationship with Sam is perfect as it is. Hindi ako naagkamali na bigyan ng second chance ang relasyon namin kahit noong una ay isang pustahan lang naman ang lahat.
"Celest, mukhang seryosohan na talaga kayo ni Sam ah." komento ni Iris. "Oo naman. I think he was able to prove himself that he can be serious and change for the better." sagot ko sa kanya. Nginitian lang ako ni Iris. "May prob ba Iris?" tanong ko. "Wala naman. Sana nga seryoso lang talaga si Sam sa iyo. I just don't want my friends getting hurt." si Iris. Nginitian ko na lang si Iris.
I'm so happy today. I plan to surprise Sam in his condo. I brought him his favorite, my Red Velvet Cake. Kilala na ako ng security ng condo niya kaya naman tuloy-tuloy ako kaso ngayong araw na ito ay pinigilan ako ni kuya guard. "Ah eh ma'am Ce-celest, wa-wala po si Sir Sa-sam." uutal utal na sabi ni kuya guard. "It is okay. I know his code and I will be able to get in. I want to surprise him." agad na akong tumakbo papunta sa papasarang elevator. DI na niya ako napigilan. Napaisip tuloy ako sa kakaibang kinikilos ni kuya guard. Napansin kong bukas ang condo niya may kaunti kasing siwang sa pinto. Dahan-dahan akong pumasok at nabigla ako sa mga narinig at nakita ko. "Hindi. Hindi" bulong ko sa sarili ko. Hindi akong makapaniwala na hanggang ngayon ay puro na lang panloloko ang ginagawa ni Sam. Another woman again. Akala ko seryoso siya. Heto ako, si tanga naniwala na naman sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Perfect Girl for the Casanova
RomanceAno kaya ang mangyayari kung ang isang girl next door/ ms. perfect ay makaharap ang isang casanova/bad boy/pervert? Magkakaroon ba ng pagkakataon na magkagustuhan sila? Gugustuhin ba nila magbago para sa isa't isa? Paano kung malaman pa ni Ms. Perfe...