CHAPTER 8: PAGSABOG

49 11 0
                                    

Matapos sinigawan ni Tyler ang mga kasama nya sa loob at mag-umpisang magbilang ang malaking lalaking kalbo, agad na tumakbo palabas ng pinto ang mga ito.

Rochel: "Mr. Tyler!! Bakit nagbibilang ang kalbong lalaking iyon?!"

Tyler: "Guys!!! Mamaya na ang tanong!! Lumabas na kayo!! DALIAN NYO!!! MARIKA!! SAMAHAN MO SILA PALABAS!! NGAYUN NA!!!"

Marika: "Tyler, anung gagawin mo?!!!"

Tyler: "Susubukan ko syang pigilan!!!!! LUMABAS NA KAYO!!!!"

Tumakbo at lumabas ng Camera club ang lahat ng mga babae. Sakto namang pabalik na si Jett mula sa pamimili ng chichirya nang hinila sya ni Marika palayo sa club. Sinipa ni Tyler ang mesa, upuan at mga kabinet sa bintana upang hindi pumasok ang lalaki. Tsaka sya lumabas at ikinandado ang pinto. Paglabas niya, saktong napabilang ng numero na "isa" ang lalaki at sumabog ito sa tapat ng bintana ng club.

Nagulantang ang buong Campus ng marinig ang malakas na pagsabog mula sa Camera club. Matapos nun agad na pinuntahan ng Principal ang pinanggalingan ng pagsabog at tinawag ang mga pulis. Matapos ang pagsabog, naiwan ang malaking butas sa pader ng club at naiwang nasunog ang ilan sa mga gamit. Agad na pinauwi ang lahat ng mga estudyante, maliban sa mga members ng Camera club, si Marika, Reysha at Tyler.

Matapos ang pagsabog, agad na nagtayo ang mga pulis ng Tent sa labas ng Campus at pansamantalang pinaiwan sina Marika, at ang mga members ng Camera club pati sina Reysha at Tyler upang mainterview ng mga pulis kung anu ang mga nangyari.

Bago ang interview, sinabihan ni Tyler ang mga estudyante kung anu ang gagawin.

Tyler: "Guys, makinig kayo, kapag ininterview kayo ng mga pulis, wag kayong magbabanggit ng tungkol sa mga magic o kung anu pa man. Ang sabihin nyo lang, may lalaking kalbo na pumunta sa bintana at may hawak na bag. Yun lang ang sasabihin nyo. Dun sa mga Boys, posible na absweltuhin sila dahil sa wala sila noong naganap ang pagsabog."

Aileen: "M-Mister Tyler, b-bakit hindi po namin pwedeng sabihin na sumabog talaga yung lalaki?!"

Tyler: "Dahil hindi naniniwala sa mga magic ang mga pulis, Aileen."

Lunabelle: "G-Guys! Natatakot na ako. Totoo pala ang sinasabi ni Mr. Tyler na pumapatay nga ang mga mangkukulam."

Lyrica: "Miss Marika? A-Anung gagawin ko?! Panu kung malaman nung kalaban ni Mister Tyler na may dugong Babaylan po ako?!"

Marika: "H-Hindi ko alam. Nabigla din ako. H-Hindi ko din akalain na pasasabugin pala tayong lahat ng mga Mangkukulam na iyon. Pero yung lalaki kanina, naawa ako sa kanya."

Tyler: "Wag kayong maawa dun sa lalaki na nakita nyo kanina. Hindi tao ang lalaking yun."

Reysha: "H-Huh?! Hindi po tao yun? Kung ganun, anu po sya?"

Tyler: "Taong-putik ang nakita nyo. Mga alalay sila nung mga mangkukulam. Mayroong natutunang mahika ang mga mangkukulam noon kung panu gumawa ng putik na itsurang tao. Yun ang mga ginagamit nilang utusan o alagad kapag may gusto silang ipagawa. Madali silang mahalata na taong-putik sila dahil sa marka ng inkantasyon sa mga noo nila. Ang mahirap lang na makita ay kung anu ang ipanagawa sa kanila. Tulad na lang kanina, hindi ko nahalata na may halong ikantasyon ng pagsabog yung noo nung taong-putik kanina. Kaya dapat sobra kayong mag-ingat, lalo na kung may makita kayong tao na may umiilaw na marka sa noo."

Archie: "Kung ganun, Mr. Tyler anu na po ang dapat po naming gawin oras na may makita po kaming mga alagad nung Mangkukulam sa paligid?"

Tyler: "Ang maipapayo ko, lumayo kayo sakaling makita nyo ang mga taong ito. Sigurado ako, nasa paligid din yung Mangkukulam na kumukontrol sa kanila."

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon