"Ang saya mo talaga simula noong Friday! Anong nangyari? Magsalita ka, Cahira Hennessy!"
Kakalapag ko lang ng tray ng pagkain ko, pag-iintriga na agad ang nasalubong ko galing sa kaibigang kanina pa hindi matahimik hangga't walang naririnig sa 'kin. Lunch break namin at hindi ata siya papayag na kumain ako nang matiwasay!
"Pwedeng kumain muna ako, Kiara?" sarkastiko kong tanong at inirapan siya.
She rolled her eyes back. "Hindi pwede, Cahira." aniya.
Hindi ko siya pinansin at susubo na sana noong Cordon bleu, nga lang at nabitin sa ere dahil sa sama ng tingin ni Kiara sa 'kin! She wouldn't really let me eat in peace!
Kanina pa 'to, eh! Late silang pumasok ni Ivor kaya 'di niya ako nakulit kanina. Ngayong lunch niya ako ginagambala. Actually, noong weekend pa pala! She bombarded me with texts asking me about what happened that Friday night!
Walang nangyari! Ay... medyo meron pala?
Basta after kissing me, we went out of his office without a word. We continued partying and even went to the dancefloor. Naalala kong masyado nga akong masaya noon. Pero malamang? Nasa party kaya masaya ako!
Pero sino nga bang niloloko ko kundi sarili ko lang. I was extra happy that night because... Zathrian never left my side. He was all over me the whole night.
I bit my lips hard as I remember that we're... flings!
I'm not innocent. Parang landian nga lang din 'yong sa amin ni Marco kaya hindi masyadong bago sa 'kin 'to. But of course it's different! Crush ko 'to, eh!
Pakiramdam ko, ako ang mas manlalandi ngayon!
"Bakit ka nga masaya? Kay Zathrian 'yan, 'no?" si Kiara na hindi ata matatahimik.
Binaba ko ang kutsara at tinitigan siya. Si Ivor, natatawa lang habang nakikinig sa aming dalawa.
"Hindi ba pwedeng masaya lang ako kasi nakauwi na sa ibang bansa 'yong asungot?" ani ko.
She shook her head dramatically. "Ginamit mo pa pinsan mo! If I know, you're kinda sad he went back to states!"
"Mukha ba akong malungkot?" tawa ko.
But she's right. I'm really kinda sad. Kahit puro bangayan kami ni Chalmer, mamimiss ko pa rin ang ugok na 'yon.
"Hindi! Kaya nga bakit ka masaya?!" parang napipikon na siya.
Humalakhak ako at tinaas baba ang kilay. Kinuha niya iyong straw ng fruit tea niya, ambang isasaksak sa 'kin. Nagkunwari akong natatakot.
Para namang masusugatan ako n'yan?
Sa huli, bumuntong hininga ako at nagpasyang sabihin na lang. She won't stop bugging me until I speak.
"Si Zathrian. Medyo level up na kami," natatawa kong sabi.
Nanlaki ang mata ni Kiara at parang biglang inasinan. Si Ivor, walang ambag kundi tumawa. Kabagin sana.
"Sabi na nga ba! Anong ginawa niyo roon sa office niya?! I saw you two went there that night!"
"Wala! Pinunasan niya lang 'yong damit ko!" giit ko.
"Pinunasan?! Pero paglabas, maga 'yang labi mo?"
Nanlaki ang mata ko dahil napansin pala niya 'yon?!
"My lips are really full!" I still tried to defend myself.
"Itawid mo," sipol ni Ivor.
"Whatever, Hira! My lips are full, my ass! Natuka ka, 'no? O nadiligan? Oh my gosh! Nadiligan ka?!" self realization ni Kiara.
BINABASA MO ANG
Bottoms Up, Forget Tonight (Revelry Series #2)
RomanceCahira Balviera refused to let the wounds of her past extinguish the flame of hope in her heart. Even after everything, she knew that love still existed. And on that fateful night at the revelry, as she was about to bottoms up her drink and forget a...