👤 23 👤

5 1 0
                                    

Warning! Typographical and Grammatical Error ahead!



Namgyeojin Herom's P.O.V.




"BAKASYON NAAAAAAAAAA!" Sigaw ko sa harap ko kung nasaan ang dagat. Andito na kami sa probinsya at ito na naman yung pakiramdam na malaya at walang pumipigil.




"Ang ingay!" Napatalon ako sa sobrang gulat.



"Ay palaka!" May nagsalita sa gilid ko eh tanging itim na tela na nakalatag lang ang nandoon. Napaatras pa ako ng tanggalin ng kung sino ang tabing sa mukha nya sa pamamagitan ng pag alog ng kanyang ulo.



SI BLEAKS NA NAMAN!



Ang buong katawan nya ay nakalubog sa buhangin at tinabingan naman ng itim na tela ang mukha.



"ANONG GINAGAWA MO DITO?!"



"Waw ha! Nakakasigaw ka na ulit sa akin ah." Nakangising sambit nya at sinubukang tumayo pero hindi sya halos makagalaw.



"Uhmm can you help me?" Nahihiyang paki-usap nya.



"Pagkatapos mo akong surahin?! At saka akala ko ba nagmo-move-on ka na sa 'kin?" Umupo pa ako sa harap nya at nangalumbaba.



"Yah! Sige na nga! Ililibre kita ng kahit anong gusto mo." Nagningning ang mga mata ko pero hindi pa rin ako kumbinsido.



"Weh??" Dinagdagan ko pa ng buhangin ang kinalalagyan ng katawan nya.



"Oo nga! Kung hindi, gawin mo gusto mong gawin sa 'kin, deal?!" Ilang segundo rin akong nag-isip para patagalin lalo.



"AYOKO! HAHAHAHAHAHAHA." Sabi ko at tumakbo palayo.




"NAMGYEOJINNN!!" Nakonsensya naman ako kaya bumalik ako at tinulungan sya. Mukha kasing iiyak pa. Kawawa naman.




"Lilibre mo ko ah! Torture aabutin mo sa 'kin." Pagbabanta ko habang inaalis ang mga buhangin.




"Napaka-amazona mo talaga. By the way, anong klaseng torture ba matatanggap ko? Yung tipong sweet and romantic?? Tapos igagapos mo ang mga kamay ko sa kama--" Nakangising tanong nya. Kaya para matigil na ang pagpapantasya nya ay sinabuyan ko sya ng buhangin sa mukha.



Buti na lang naharang nya ang dalawang kamay nya kung hindi ay bulag ang aabutin nya. Matapos kong tanggalin ang buhangin sa buong katawan nya ay tumayo na ako at handa ng umalis pero pinigilan nya ako.



"Kelan kita ililibre?" Napangiti naman ako at sasagot na sana ng unahan nya ako.




"Ah sige bukas ng gabi. Byeee.." sabi nya at tumakbo paalis. Wala naman akong nagawa kaya umuwi na lang ako. TINANONG PA AKO!




}}}





Paano nya ako ililibre? Alam ba nya kung saan ako nakatira para puntahan nya ako? Ni hindi naman nya ako chinachat. Mukhang na ghost ako don ah!



Nakahiga na ako sa kama at hinihintay na lang kung paano ako ililibre ni Bleaks. Naka--




Napabalikwas ako ng tayo ng may kumatok sa bintana ko. HALA! ANG CREEPY NAMAN! May multo pa yata dito. Kumatok pa ito ng dalawang beses pero hindi ko pa rin sinisilip. Nakatayo lang ako dito habang yakap ang unan ko.




"NAMGYEOJIN!" Sigaw ng kung sino sa bintana. Wait! Parang ka-boses ni Bleaks. Dahan dahan akong lumapit sa bintana at sumilip sa kurtina.



Left BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon