"Ten years yun, Ely! Sampung taon! Itatapon mo lang lahat yun??!!" Kitang kita ko sa mga mata ni Candice ang galit, panghihinayang at sakit.

Nagpakawala siya ng sampal, suntok sa dibdib at di masikmurang bilang ng mga mura sa akin. Galit na galit, walang puwang ang pag-ibig sa nararamdaman niya ngayon.

"Bakit?? Sabihin mo sa akin kung bakit!!!!!" Hiyaw niya. Gumagaralgal ang boses niya, mugtong-mugto ang mga mata. Walang tigil ang pagtulo ng mga luha niya.

Awang awa ako sa kanya. Pero wala nang atrasan 'to.

KAILANGAN KO ITONG GAWIN. PARA SA KANYA.

"Ely, look at me! Look at me!" Pinilit niyang ifino-focus ang atensyon ko sa mga mata niya. Hindi ko siya magawang makitang ganon. Mahal na mahal ko siya. Higit pa sa buhay ko.

"Mahal mo ba ako? Minahal mo ba ako? Mahal mo pa ba ako?" Sambit niya. Kitang-kita sa mga mata niya ang pagmamakaawa sa pagmamahal. She doesn't deserve this. Never. Sorry kung kailangan kitang saktan ng ganito.

"May iba ka na bang mahal? May bago ka na ba? May mali ba sa akin? May kulang ba sa akin? O baka naman may ayaw ka sa akin, sabihin mo lang. May nagawa ba ako sayo o nasabi o ano?? Ano Ely! Sabihin mo!" She added other questions. I know, napapraning na siya sa kakaisip when all of a sudden, after a long happy day, I broke up with her.

Umiling ako. Siya lang ang babaeng minahal ko sa buong buhay ko, God knows that. And maybe, one day, I'll regret this decision – may be this would be the biggest mistake of my life, but I know, she deserves better.

"Then, tell me, why!!!!" Isang sampal sa kanan, isang sampal sa kaliwa. Palo sa dibdib, then she sobbed.

I can't stand it.

Dalawang oras na kami sa ganitong sitwasyon. Tahimik ang lugar since I rented this place for my proposal for her – a break-up proposal wrapped with all my guts to end this long term relationship of ours.

"I'm sorry." That's all I can say. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ko nang sinabi sa kanya ang mga katagang yun sa dalawang oras ng pakikipaghiwalayan na to.

She begged. She knelt down, hugging my legs, crying and sobbing in front of me.

Please don't do this. Namumuo na ang mga luha sa mata ko. Pinaghandaan ko ang araw na to, I promised myself not to cry, to be firm with my decision and never turn back. It's so lethal for me to see her dying like this.

"Nagmamakaawa ako sayo, Ely. Mahal na mahal kita! With all these years, IKAW lang ang lalakeng minahal ko sa buong buhay ko! And I can't see anyone in my future to be with but just you!" Ramdam ko ang sincerity sa mga mata niya while she's telling me how much she loves me.

Alam ko yun, Candice. And I'm the luckiest man alive because you loved me genuinely, from the very first day until now.

She continued to beg, as if I'm taking her life. Nagsisimula na akong manghina, nangangatog na ang mga tuhod ko, pakiramdam ko mabubuwal ako anytime na bitiwan niya ang mga paa ko.

KAILANGAN KONG MAGING MANHID. KAILANGAN KO ITONG PANINDIGAN.

"Tumayo ka riyan, Candice! Wag mong gawin yan sa sarili mo!" Sigaw ko sa kanya. Ibang- iba ang babaeng kaharap ko ngayon. Mahina, malambot, malamya, iyakin, nakakaawa. Malayong malayo sa nakilala kong matapang at matalinong Candice.

MAKAMANDAG TALAGA ANG PAG-IBIG. Nakamamatay.

"Please, Ely. Pakiusap! Nagmamakaawa ako sayo! Parang awa mo na, wag mo akong iwan! Hindi ko kaya! Ikamamatay ko! Ikamamatay ko 'to, Ely! Please! Please!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE BREAK UP PROPOSALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon