CHAPTER 9: HINDI INAASAHANG PANAUHIN

48 11 0
                                    

Kinabukasan, dahil sa nangyaring pagsabog sa eskwelahan, pansamantalang hindi pinapasok ng Principal ang mga estudyante ng Selma High dahil sa maaring nagkaroon ng trauma ang ilan sa mga estudyante.

Sa araw na ito, abala ang ilang Staff at maintenance crew sa pag-aayos at paglalagay ng mga CCTV camera at pinalawig pa ang seguridad ng eskwelahan dahil sa nagdagdag pa sila ng isa pang guard sa gate.

Nagkita-kita naman ang mga magkakaibigan, maliban ulit kay Jett, sa Old Building kung saan laging tumatambay sila Lyrica at Aileen.

Lunabelle: "Guys! Mula sa mga nangyari kahapon, anu sa tingin nyo ang kailangan nating gawin?"

Albert: "Anu ang dapat nating gawin? Hello?!! Lunabelle!!! Hindi mo ba naalala?!! Muntik ka nang nasama sa mga biktima ng terorismo ng mga Mangkukulam kahapon!!! Tapos nag-iisip ka pa ng plano kung paano sila tatalunin?!!"

Carl: "Kaya nga, Lunabelle!! Kung ikukumpara mo yung level ng mangkukulam sa atin, mga master na ng magic yung mga iyon!! Samantalang si Lyrica, parang magic in training pa lang siya!!!"

Rochel: "Guys!! Kaya nga tayo sinabihan lahat ni Mr. Tyler na pilitin nating umiwas sa mga Mangkukulam o sa mga goons nila, kung gusto natin na maging ligtas."

Archie: "Pero, Rochel. Hindi pa tayo ligtas hanggang sa mga oras na ito. Dahil nasa sa atin pa rin ang Aklat ng Mayari na hinahanap ng mga Mangkukulam."

Aileen: "Kung ganun, nasa alanganin pa rin ang mga buhay natin?!! Dapat kasi ibinigay na natin kay Mister Tyler ang libro na yan kagabi eh!!"

Lyrica: "Oo na, Aileen. Ang kaso, nakalimutan kong dalhin kahapon yung aklat sa school, kaya hindi ko naibigay."

Reysha: "So, Guys!! Papano na?!! Sabi ni Mister Tyler, matatagalan pa daw sya bago makarating dito sa tambahayan natin!!"

Archie: "Oo nga pala, Reysha. Bakit pala wala pa si Jett hanggang ngayun?"

Reysha: "Hay.......wag nyo nang asahan na magigising pa ng maaga yun!! Laging late kung magising si Jett! Siguro mga 8, tsaka lang magigising yun."

Carl: "Eh.....Reysha. Lagpas 8 AM na. Pupunta pa ba yun dito?"

Lunabelle: "Sa tingin ko, hindi na pupunta yun dito."

Reysha: "Oo, Lunabelle sinabi mo pa."

Aileen: "Guys! Naisip ko lang, sino gustong sumama sa akin upang bumili ng meryenda?"

Lyrica: "Ako, Aileen! Sama ako!"

Reysha: "Ako din! Sama din ako."

Albert: "Sasama din ako. May bibilhin din ako sa store."

Aileen: "Sige guys! Umalis na tayo!

Archie: "Yung pasalubong nyo, wag nyong kakalimutan ha?!"

Albert: "Oo, Insan. Dadalhan ka namin."

Bago pa man makaalis ang apat nilang kasama, nang may magarang kotse ang biglang huminto sa tapat ng building.

Carl: "Guys! Si Mister Tyler na kaya yun?"

Rochel: "Hindi! Hindi naman ganyan ang kotse nya."

Lunabelle: "Eh kung ganun, sino ang mga iyan?"

Mula sa kotse, lumabas ang naka-tuxedo na lalaki na isang kalbo at binuksan ang pinto ng kotse sa likod. Pagbukas nito, bumaba ang isang magandang babae na nasa edad 40 at nakasuot ng corporate na damit.
Pumunta ito sa pinto ng building at pumasok sa loob, nagulat naman ang lahat noong pumasok ito sa kanilang tambayan.

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon