Part 4

42 4 2
                                    

*kriing kriing* (alarm)

Nagising ako dahil sa alarm ko. Ang sakit ng mata ko! Tinatamad akong pumasok. Wala nga pala si Mama umuwi ng Samar. Kagabi umalis si Mama at si Papa nasa batangas kaya kaming tatlo lang dito nila Ate. Suspended ang klase ngayon kasi may dadating na bagyo. Pumunta ako sa CR para maghilamos. Pagtingin ko sa salamin Sabog ako. Mugtong mugto ang mga mata ko.

(Fast forward ko na ha)

*****
1 month na simula nung huling usap namin ni Sai. Nasa jeep ako pauwi ng makasabay ko sila Michelle,Phia,Alex,Angela mga classmates ko dati buti pa sila magkaklase pa din hanggang ngayon

"Mae, sama ka? Sa ospital. Dadalawin si Simon. Nakaconfine eh. Hinihintay ka nyang bisitahin mo sya"

"Ako ba pinagloloko mo ha? Iniiwasan nga ako eh. Musta na pala sya?"
"Ayun, ayaw mag pa opera kasi sabi nya bakit pa daw sya magpapa opera kung hindi naman na daw babalik sa kanya ang taong mahal nya. Mae ikaw yon! Makipagbalikan ka na sa kanya para mag paopera na sya. Pano kapag may nangyaring masama sa kanya? Ha?" Pagkasabi ni Michelle nun ay bumaba na sila ng Jeep. Napatigil ako dun sa sinabi nya. Makikipag balikan ba ako o hindi?

End of Flashback

Yan ang problema ko. Kung makikipag balikan ba ako sa kanya o hindi. Ilang beses ko mg tinry sabihin kay Angel yan pero sya yung gumagawa ng paraan para hindi ko masabi saknya. Ilang Araw kong pinagisipan yan. At makikipagbalikan ako sakanya. Baka kapag may nangyaring masama kay Simon kokonsensyahin ako. Aaminin ko may part na mahal ko pa si Sai. Hays :( sabi ko kila Michelle makikipag balikan ako kay Sai.

******
Magkasama kami ni Sai ngayon. Ilang weeks na rin simula nung nakipag balikan ako sa kanya. At bukas na yung alis nya papuntang ibang bansa para mag paopera. Andito kami sa may simbahan. Nagdadasal na maging successful ang operation nya bukas. Bigla niyang nilagay ang ulo nya sa balikat ko.

"Mae thank you nga pala ah? Kasi nakipagbalikan ka sakin. Masaya ako na kahit sa huling araw ko dito sa mundong ito kasama kita"

"Shhh. Wag mong sabihin yan. Di ka pa mawawala. Mag papaopera ka oa bukas diba? Tutuparin mo pa yung pangarap mo. Yung pangarap natin dalawa"

"Mae magpapahinga na ako. Pagod na ako. Mahal na mahal kita. Goodbye" at bigla na lang syang napahiga.

"Saiiii!" Wala na akong nagawa. Nanghihina ako. Sai thank you sa lahat lahat.

Bestfriend (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon