KABANATA 27
Mabilis na lumipas ang araw.
Dalawang buwan na kaagad ang lumipas mula ng magsimulang manligaw si Isaiah. Kahit malayo ay hindi pa rin talaga tumitigil si Isaiah sa pagpunta dito sa bahay para lang bisitahin ako.
Habang tumatagal ay mas lalo ko na rin siyang nakikilala. Hindi lang kung sino siya, kundi kung ano siya bilang kapatid, tiyuhin, kaibigan at anak.
I already have met his parents. Dahil invited ako sa birthday ni Mizca last month kaya ko sila na meet. His parents were kind and thoughtful. They were happy that they finally met the girl that their son likes. At sobrang sarap sa pakirandam na gusto ako ng buong pamilya ni Isaiah.
Habang ang kaso naman kay Jamie ay pinaurong ko na rin. Naayos naman ang lahat ng misunderstanding. At sigurado ako na hindi na uulit si Jamie sa ginawa niyang iyon. Ang balita ko nga ay ipinadala ni Mr. Gonzalez sa States si Jamie dahil sa issue na ginawa niya.
At sa dalawang buwan na lumipas ay heto ako at nakatengga pa rin. Madaming publishing company dito sa Pilipinas ang gustong i-publish ang mga akda ko pero ako itong umaayaw, hindi dahil gusto ko sa mas malaking publishing company kundi dahil hindi ko pa ma-feel na i-publish muna yung mga bago kong gawa.
So dahil wala akong masyadong ginagawa ay sumubok ako sa pag-aaral kung paano magluto ng maayos na pagkain. Yung maayos na pagkain dahil ako yung tipong kapag nagluto ay wala talagang maayos, kundi sunog ay hilaw naman.
At hetong si Alissa ay inaasar pa ako. Nag-aaral na raw akong magluto para daw sa future namin ni Isaiah. Hindi ako makatingin sa kaniya ng sinabi niya iyon dahil kahit paano ay may tama siya. Nagsimula akong mag-aral sa pagluluto dahil bored ako, but at the same time ay para na rin kay Isaiah. Sa edad kong ito na 23 ay pumapalpak pa ako sa simpleng pag prito lang ng itlog.
Kaya naman ay panay ang panonood ko sa youtube ng mga cooking tutorials nitong mga nakaraang araw.
Sa katunayan ay mukhang na perfect ko na ang Adobong manok. Pinatikim ko kasi kay mama at sinabi niya na masarap daw.
"Ano ang problema mo?" Tanong ko kay Dash. Biglaan kasi siyang tumawag kanina sa akin para lang papuntahin ako dito sa isang bar. At bilang kaibigan ay pinuntahan ko siya, hindi naman kasi pupunta sa ganitong lugar si Dash at mag-iinom ng walang problema.
"I'm fuck up, Nathalia." walang emosyon ang mukha niya.
"Babae ba?" Usisa ko.
"Fuck!" Pagmumura niya sabay inom ng beer at umiwas ng tingin sa akin.
Ngumisi ako. Mukhang babae nga ang dahilan. Hindi ako makapaniwala! Si Dash? Tinamaan sa babae? Parang napaka imposible!
I have never seen him being head over heels into a girl. Si Dash ang laging hinahabol ng mga kababaihan. Sino ba ang hindi maghahabol sa lalaking ito? Gwapo, mayaman at isang super successful na writer. Isa siyang sikat na bachelor kaya kahit ang mga sikat na artista ay naghahabol sa kaniya. At ngayon ay nagkakaganito siya dahil lang sa isang babae? Ang hirap paniwalaan.
Dahil ayaw niyang mag kwento sa problema niya ay sinamahan ko na lang siya.
Hinayaan ko siyang uminom ng uminom.
"Ellie," bulong ni Dash sa bote ng alak na hawak niya. Mukhang lasing na siya.
So, Ellie ang pangalan ng babaeng nagpapagulo kay Dash? Lucky girl! Swerte niya dahil siya lang ang nakagawa ng ganito kay Dash.
"Ellie," panay bulong si Dash sa pangalang Ellie hanggang sa isubsob na niya ang ulo niya sa mesa sa sobrang kalasingan.
Habang natatawa ako sa estado ngayon ni Dash ay biglang nag ring ang cellphone ko sa bag at pangalan ni Isaiah ang nakita ko. Shoot! Oo nga pala! May usapan kami ni Isaiah na magkita ngayon.
BINABASA MO ANG
A Writer's Love Story (✔️)
Roman pour AdolescentsA Writer's Love Story Si Nathalia Suarez ay isang simpleng babae na may pangarap sa buhay. She loves to write stories based on her creative imagination. And her dream is to become a writer someday. A writer who can inspire people thru her books. Ngu...